Caitlyn's POV
Kinagulat ko ang pag-labas ni Reynaldo sa isang maliit na pintuan kasabay ng pagsenyas nito sa mga tauhan niya kaya napa-tingin ako kay SLY pero agad ako nitong hinila sa isang malaking aparador at may binatong smoke grenade sa kung nasaan ang mga tauhan ni Reynaldo. Kasabay ng malaking usok ay ang pag takip ni SLY sa ilong ko saka ako nito inalalayan makalabas ng kwarto habang nakikipag-palitan ng putok ng baril sa iba pang tauhan ni Reynaldo.
Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng isang Catherine Jamal Manalang habang inililigtas ni SLY sa kamay ng mga nagtatangka sa buhay nito. Napaka-swerte ni Catherine dahil hindi lang pagmamahal ang kayang ibigay sa kanya ni SLY kung hindi pati ang sarili nitong buhay.
"Si Catherine." Paalala ko kay SLY, luminga-linga ito at nag hanap ng daan saka ako hinatak papunta ng fire exit kung saan mas madaling makapunta sa swimming pool.
Hindi pa man kami nakaka-baba ay may sumalubong na sa'min tauhan ni Reynaldo, sabay namin itong pinaulanan ng bala habang pasugod ang mga ito sa'min.
"Wear this." Halos huminto ang paligid ko ng alisin ni SLY ang damit nito at nakapaloob roon ang isang bullet proof vest.
"SLY m-mas k-kailangan mo yan." Nabigla ako sa ginawang pag-suot ni SLY ng bullet proof nito sa'kin saka dali-dali rin nag bihis.
"My wife will get mad at me if something bad happen to her sister." Mamamatay na lang si SLY, galit pa rin ni Catherine ang inaalala nito. Pero ang sarap sa pakiramdam na hindi na kaaway ang tingin sa'kin ni Catherine kung hindi isang kapatid ang kapatid na minsan nag tangka sa buhay niya.
"Cara?" Gulat namin tinignan si Cara ni SLY ng maka-salubong namin ito.
"SLY, saka na kami magpapaliwanag. Si Princess asan?" Tanong nito ng maka-salubong namin ito sa hagdan habang pababa kami at siya naman ay paakyat.
"Na sa pool area siya." Dali-dali kaming bumaba ni Cara habang si SLY ay nasa likod namin.
Na sa bente lang ang tauhan ni Reynaldo at alam ko na mauubos namin ito dahil sa galing ng diskarte ng Philadelphia.
"Cara, nawala si SLY!" Gulat na gulat akong nawala si SLY, sa likuran namin, tatangkain ko sanang hanapin ito pero pinigilan ako ni Cara. "Puntahan muna natin si Princess." Bakas sa mukha ni Cara ang pag-aalala kay Catherine kaya kahit na nag aalala rin ako sa kaligtasan ni SLY ay mas pinili kong puntahan si Catherine.
*****
Kurt's POV
Hindi ganoon karami ang tauhan ni Reynaldo kumpara noon, masyado kaming nag handa dahil sa inakala namin na mas mapapahamak kami ngayon dahil sa sinasabi niyang tatapusin niya ang dapat niyang tapusin.
Napahinto kami ni Roman ng isang pag-sabog ang nangyari kaya napa-silip kami mula sa ikatlong palapag ng gusali at nakita namin na nag-aapoy na ang mga sasakyan namin.
"Bomba ba ang kalaban natin o si Reynaldo?" Tanong ni Roman. Ilang beses na rin kasi na may pagsabog na nagaganap at ang masaklap pa dun, ito ang hindi namin napaghandaan.
Sabay kaming umalis ni Roman ng ikatlong palapag ng gusali at nag hanap pa kung mayroon pa bang natitirang buhay na tauhan ni Reynaldo.
Hanggang sa makita namin sina Paulo at Giselle na nakikipag palitan ng putok ng baril sa iilang tauhan ni Reynaldo. Agad kaming lumapit sa mga ito habang naka-tutok ang baril namin at pinapaputukan ng bala. Medyo beastmode na si Roman at wala na itong pakielam dahil sa kahit aka-bagsak na ang ilang tauhan ni Reynaldo ay sagad sa buto pa rin ang pag baril nito sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Ride or Die? (Season II)
ActionBasahin po muna ang season1 bago ito. Salamat! Apir! [Credit to the owner of the Pic.] PUBLISHED: SEPT. 5,2015 END: FEB. 2,2016
