Chapter 2.

4.4K 142 3
                                        

-2 days After-

Catherine's POV

[Jay cancel all my meeting for tomorrow until on Wednesday.] Hindi ko na pinag salita pa si Jay at pinatay ko na ang cellphone ko. I turn off the laptop at saka kinuha ang maleta ko para kumuha ng ilang damit na babaunin ko papunta ng London.

Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng kutob ko na si Walter Brown at si SLY ay iisa. Pag tapos kong mag-impake ng damit ay lumabas ako ng kwarto para kumain, pero nagtaka ako ng patay ang ilaw sa buong kabahayan. Agad akong umatras pero laking gulat ko ng may nagtakip ng bibig ko.

Pilit kong inaalis ang pagkakahawak nito pero mas lalo pa niya itong hinihigpitan sa tuwing sinusubukan kong tanggalin ito hanggang sa hinatak ako nito at biglang namatay pati ang ilaw sa kwarto ko.

"Wife." Halos manglambot ang buong katawan ko ng marinig ko ang boses ni SLY.

Isang mahigpit na yakap ang binigay ko rito kahit na sobrang dilim pero agad nitong inalis ang kamay ko mula sa pagkaka-yakap sa kanya saka ako ini-lock sa banyo.

Pilit kong binubuksan ang pinto pero napahinto ako ng makarinig ako ng yabag ng paa mula sa kwarto ko hanggang sa lumipas ang ilang minuto ay nag bukas na ang pinto.

Agad akong tumayo sa pagkaka-upo ko sa cubicle ng iniluwa ng pinto si SLY. "I'm not dreaming right?" Tanong ko rito ng makalapit na ako. Hinaplos ko ang mukha ni SLY, agad naman nitong hinawakan ang kamay ko.

"You're stubborn. I always remind you to lock all the doors and windows." Salita nito. Hindi nga ko nanaginip si SLY ang kausap ko. Napatalon ako sa sobrang tuwa at inakap ito ng mahigpit.

"Saan ka ba nag pupunta?" Tanong ko rito. May kinuha naman itong cellphone sa bulsa niya saka may tinawagan.

[Clean all the mess here.] Kunot noo ko itong tinignan, agad kinuha ni SLY ang kamay ko saka naglakad palabas ng kwarto. Pag switch on nito ng ilaw ay may tatlong lalaki ng naka handusay sa sala, dalawa sa main entrance at isa sa garahe.

"Paano mo nalaman?" Tanong ko rito habang papalabas kami ng bahay.

"I have my eyes on you." Salita nito. Nagtataka naman ako kung bakit naglalakad kami papalayo ng bahay.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko rito. Nasa loob pa naman kami ng subdivision pero may limang bahay na ang nalalagpasan namin hanggang sa huminto ito sa pang pitong bahay.

Nagtaka ako ng binuksan nito ang gate. "Dito ka lang nakatira?" Tanong ko rito. Tinignan naman ako nito ng may pagtataka.

"How did you know?" Tanong nito hanggang sa pumasok na kami parehas ng bahay.

"Hindi mo naman to mabubuksan kung hindi sayo to, unless ikaw ang akyat bahay na may susi." Salita ko rito. Pag bukas nito ng pinto ay nagulat ako sa dami ng monitor na andito. Halos buong subdivision ay kita.

"Alam ko kung ano ang ginagawa mo." Salita nito saka may pinindot sa keyboard at lumabas naman sa isang monitor ang opisina ko sa Montgomery. "Paano mo nagawa yan?" Tanong ko rito.

Imposibleng lahat yun ay nailagay niya ng hindi ko siya nakikita. "I love you and I will do anything just to protect you."

Wala akong ibang nasabi sa sinabing yun ni SLY. "Uuwe ka na ba?" Ang tanging tanong ko rito. SLY hold my hand saka pina-upo sa lap nito.

"Your heart is my home." Salita nito saka ako hinalikan sa kamay.

2 Years na, pero ibang klase pa rin ang impact ni SLY sa'kin. Katulad pa rin kung paano nung una kaming nagkita.

Hanggang sa tumunog ang cellphone nito. Bago pa nito sagutin ang tawag ay na-ilousdpeaker ko na agad ito. [The area is clean boss.]

"Jay?"Salita ko. Taka kong tinignan si SLY pero ngumiti lang ito sa'kin. [Madam.]

Agad in-end ni SLY ang tawag ni Jay saka inilagay sa bulsa nito ang cellphone niya. "Tauhan mo si Jay?" Tanong ko rito. Mag-iisang taon pa lang sa'kin si Jay ni hindi ko man lang napansin na may kakaiba itong kinikilos.

"Did you cooked something in your house?" Tanong ni SLY. Agad naman akong tumayo saka hinila ang kamay nito. "Starving?" Tanong ko rito saka ipinulupot ang kamay ko sa leeg nito. I'm about to kiss him ng biglang bumukas ang pinto sa main door.

"Catherine?" Salita ng babae ng may pagkabigla ng makita ako. "Are you cheating on me?" Tanong ko kay SLY saka inalis ang kamay ko sa balikat nito.

"No! Kaibigan ko si Caitlyn." Paliwanag ni SLY sa'kin. Yung Caitlyn naman ay tumingin lang sakin saka lumapit kay SLY at may inilapag na plastic ng grocery.

"Nabili ko na lahat ng kailangan mo for 1 month SLY." Salita nito habang inaalis isa-isa ang groceries na pinamili nito.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa kinikilos ni Caitlyn, parang hindi niya ko nakikita dahil patuloy lang ito sa pag sasalita habang si SLY naman ay isa isang tinitignan ang mga pinamili nito.

Should i be jealous? Tanong ko sa sarili ko.

Dahan-dahan akong naglakad palayo hanggang sa makarating ako ng main door. Parang hindi naman napapansin ni SLY na wala na ako sa likod niya ng nilingon ko ito kaya agad na akong lumabas ng bahay saka nagmadaling nag lakad.

"Wife!" Dinig kong tawag sakin ni SLY ng hindi pa ako nakakalayo. Nilingon ko ito saka ngumiti ng mapait. Agad naman itong tumakbo papunta sakin. "Bakit ka umalis?" Tanong nito saka ako inakap. Kita ko naman si Caitlyn na nasa pintuan na naka-tingin samin.

"Hindi ka ba uuwe? Maaga pa kasi ko bukas." Malamig na sabi ko rito saka bumitaw sa pagkaka-yakap nito. Hinatak naman nito ang kamay ko saka naglakad pabalik ng bahay namin. Habang naglalakad kami ay kita ko sa mukha ni SLY ang ngiti na masaya pero bakit ganito ang nararamdaman ko . Bigla akong nakaramdam ng insecurities ng makita ko kung paano siya inasikaso ni Caitlyn.

Saktong pag dating namin ng bahay ay bukas na ang mga ilaw.

"Andiyan na sina Kurt at Cathleen." Salita nito saka binitawan ang kamay ko.

"Hindi ka ba magpapakita?" Tanong ko rito. Sa halip na sumagot ay hinawakan nito ang leeg ko saka ako hinalikan sa noo. "Hindi pa nila dapat malaman." Salita nito saka naglakad na palayo. Hindi ko na ito napigilan dahil sa bilis ng lakad nito.

"Ate andiyan ka lang pala." Napalingo naman ako ng biglang mag salita si Cathleen.

"Kanina pa kayo?" Tanong ko rito saka pumasok sa loob ng bahay.

"A minute ago." Sagot nito.

"We have a problem." Dugtong nito saka naupo sa sofa sa sala.

Sa itsura ni Cathleen ay alam ko na nagsasabi ito ng totoo. "About?" Tanong ko rito saka naupo rin.

"Salazar's sister doing a plan para ilabas natin si SLY." Salita nito. Taka ko naman itong tinignan.

"Kahit anong plano pa ang gawin nila kahit pasabugin nila ang buong Pilipinas hindi nila makikita si SLY." Salita ko rito saka umakyat na ng kwarto ko.

Napaharap ako sa salamin ng mapansin kong wala ang kwintas ko na bigay ni SLY kaya agad akong tumakbo palabas para hanapin ito.

"Did you see my necklace?" Tanong ko kina Cathleen pero umiling lang ito.
Agad akong lumabas ng bahay para lakarin ang dinaanan namin ni SLY hanggang sa nasilaw ako sa liwanag ng ilaw ng kotseng papalapit sakin. Kaya agad akong umatras pero nagulat ako ng huminto ito saka may dalawang armadong Pulis ang lumabas. Tatakbo na sana ako ng biglang may isa pang kotse pang papalapit sakin.

"What do you want?" Tanong ko sa mga ito. Hanggang sa sinakay ako nito sa Van pinipilit kong pumiglas pero malakas ang pwersa nila.

Dinig ko ang putok ng baril habang pinapatamaan ang sasakyan kaya agad huminto ang driver. Pag lingon ko sa likod ay may dalawang lalaking naka-bonet at pinag babaril ang Van. Agad akong yumuko ng matamaan ang Pulis na katabi ko hanggang sa pinaandar na ng driver ang sinasakyan namin.

Ride or Die? (Season II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon