Chapter 7.

3.7K 145 3
                                        

Catherine's POV

"Anong nangyari?" Gulat ang lahat ng makita ako habang si Cathleen ay nilalagyan ng benda si SLY sa likod.

Agad kong inilapag ang gamit ko at lumapit sa mga ito. "Wife relax." Salita ni SLY habang naka-ngiti pa.

"Anong relax-relax? Ano ba nangyari?" Tanong ko sa mga ito.

"Hon, tignan nga muna natin si Kiefer." Pag-iwas ni Paulo saka hinatak si Giselle papunta ng kwarto ni SKY. Si Cathleen naman ay parang walang naririnig habang inaayos ang mga ginamit nito.

"Kurt anong nangyari?" Parang wala naman itong naririnig habang tinutulungan si Cathleen at pumunta ng kusina.

"Wife, it was accident. Kurt accidentally pull the trigger of his gun." Paliwanag ni SLY habang umiinon pa ng beer.

"Totoo ba yun Cathleen?" Tanong ko kay Cathleen. Tumingin naman ito kay SLY muna bago ako sagutin ng pag tango nito.

Si SLY naman ay tumayo sa kinauupuan nito saka ako inakbayan palabas ng veranda ng bahay nila Paulo.

"Didn't you trust me?" Nakangiting tanong ni SLY.

I do trust him every word he said, pero hindi ko maiwasan mag-alala dahil sa tono ng boses ni Cathleen nang tumawag sakin ay iba sa sinasabi nila.

"So aren't you, right?" I just smiled at him and hugged him.

"Uggh!" Daing nito ng madampian ko ng kamay ko ang sugat niya.

"Sorry masakit ba?" Umiling naman ito kaya umayos ako ng tayo at inalalayan ko itong umupo.

"Ate, Mom is looking for you." Singit ni Cathleen sa usapan namin ni SLY. Agad ko naman kinuha ang cellphone ni Cathleen saka sinagot ang tawag ni Mommy.

[We have a problem Anak.]

[What is it?]

[About Philadelphia. Kailangan ka na dito sa Phoenix.] Mom ended her call kaya agad kong tinanaw si SLY at Cathleen.

"May Problema sa Philadelphia." Salita ko sa dalawa kaya agad itong nagka-tinginan.

**

Kurt's POV

Nasa labas palang kami ng conference room ng Phoenix ay dinig na namin ang pagtatalo ng mga taong kinakasakupan ni Catherine.

Pag pasok namin apat sa loob nina SLY, Catherine at Cathleen ay lahat ng mata ng naririto ay napukaw sa'min.

"What the hell happening here?" Matikas na tanong ni Madam kaya lahat ng naririto ay natahimik.

"As far as I concern, only the member of Philadelphia has a power to enter in this room." Salita ng isang lalaking nasa 40+ na ang edad. Alam ko naman na ako ang pinaparinggan nito. Lalabas na sana ako ng iharang ni Madam ang kamay nito.

"The last time I checked i am still the Princess of Philadelphia and who ever enters in my kingdom with my permission is welcome. Maybe you are not the one who welcome here. You may go now Floyd. " Salita ni Catherine na kinatahimik ng lahat.

"What the hell are you talking about? I am the third director of Philadelphia. You can't do this to me!" Galit na salita nung Floyd. Halos magsuntukan naman ng tingin si SLY at yung lalaking hindi ko alam kung anong problema sa ka-pogian ko.

"He's right Catherine. If you removed Floyd as a third director of Philadelphia i have no choice but to file my resignation as a fifth director." Salita naman nung lalaking katabi nung Floyd. Lumakad si Catherine papunta kay Tita Catarina at nag bigay galang dito kasunod ng pag-upo nito sa tabi ni Tita Catarina. Lahat ng naririto ay nag hihintay ng kasagutan ni Catherine. Aaminin ko na nakaka-pressure ang sinabi nung lalaki.

kung aalis silang dalawa ay tatlo na lang ang matitirang board member, kasama si Catherine na kanilang Pinuno at mahihirapan si Catherine sa pagpapatakbo ng Philadelphia.

"I have no choice but to respect your decision. Thank you for being a part of Philadelphia. You may leave now." Halos lahat ng naririto ay nagulat sa sinabi ni Catherine. Nang sulyapan ko si SLY ay parang hindi ito nangangamba sa naging desisyon ni Catherine. Si Cathleen naman ay tumakbo papunta sa kapatid nito na parang pinipigilan ang kapatid.

"Queen, you can do something about this." Salita ng babaeng nasa hilera namin. Si Tita naman ay tumingin lang kay Catherine pero sa halip na sagutin nito si Tita ay tinalikod nito ang swivel chair niya.

Muntik ko ng malunok ang ngipin ko sa kaba dahil sa ginawang yun ni Catherine hanggang sa padabog na naglakad palabas ng conference room ang dalawang inalis ni Catherine sa posisyon.

"Pagsisihan mo ang ginawa mo." Salita ng Floyd.

"You are the one who choose this, so I guess you are the one who regret about your decision." Salita ni Tita Catarina kaya't padabog na sinara ni Floyd ang pintuan.

Si Catherine naman ay muling humarap sa'min ni SLY and gesture her hand na maupo kami na agad namin ginawa. Hindi ko alam bakit may kaba ako sa dibdib na makaharap ang tatlong matataas ng miyembro ng Philadelphia.

"If anyone here would like to take down their position as a member of Philadelphia you may come to Floyd and Smith." Salita ni Catherine. Pero wala man lang sumagot sa sinabi nito. Alam nila na isang malaking kawalan ang pag-alis nila sa Mafia, unti-unting uubusin ang yaman nila sakaling umalis sila at iwan ang organisasyon.

"As you all know Sean Liam Yvo Montgomery is my Husband, and Montgomery and Manalang Corporation will be merging as one. I assigned my husband as a member and third director of Philadelphia." Salita ni Catherine pero nang sulyapan ko ang dalawa pang miyembro ay mukhang sumasangayon ito.

"Mr.Kurt Pitterman." Napatingin naman ako kay Madam ng tawagin ang Pangalan ko ng may awtoridad kaya napa-inom ako ng tubig na naka-patong sa mahabang lamesa hindi ko alam kung kanino yun basta ininom ko na lang dahil alam ko na sa tawag pa lang nito sa Pangalan ko ay may sasabibin na itong hindi maganda.

"Mr.Kurt Pitterman is one of the most succesful bachelor and businessman in the country. He own liquors and any kinds of alcohol. He has the ability to be one of the fifth director of Philadelphia. His net income is higher than Mr.Smith." Paano nalaman ni Catherine yun? Pinlano niya na ba to?

I owned liquors and any kind of beverages basta nakakalasing, pero hindi ko naman pinangarap na pasukin ang mundo ng Mafia okay na ko sa Lyrical Assault.

"Madam, hindi ko ata kayang pumasok sa Mafia." Pag kontra ko dito. Pinasingkitan naman ako ng mata ni Cathleen na nakatayo sa likuran ni Tita Catarina.

"How did you say so?" Tanong naman ni SLY na lalong nagpa-kaba sakin.

"I'm sorry Mr.Pitterman, but once you sat down in one of the chair in this room it means you accepting the offer. The only thing you can do to be in that position is to kill Mr.Smith."

Hindi bago sakin ang pumatay, pero sa isang taong walang kasalanan sakin? Petengene hindi ko linya yun.

SLY offer me his bottled water ng maubos ko na ang tubig ko pero tumanggi ako rito kaya natawa lang ito. Ano bang naisip ng mag-asawa na to. Hindi kaya pinlano nila to?

Kulang na lang mag-tawag ako ng santong hindi ko kakilala dahil hindi ko kayang gampanan ang gusto nila. Okay lang naman maging sidekick ako ng bida eh. Pero yung gusto nila mangyari parang hindi kaya i-absorb ng intestine ko.

"You may leave now." Utos ni Catherine sa dalawa pang miyembro ng Philadelphia na agad naman sinunod.

Nung sigurado na kaming wala na ito ay biglang nag-tawanan sina SLY at Catherine na kahit sina Tita Catarina ay hindi rin alam ang dahilan.

-End of POV-

Ride or Die? (Season II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon