Cathleen's POV
Nakarating ako sa isang parte ng barko, dahan-dahan akong nag-masid sa lugar kung saan marami na ring tauhan ni Reynaldo ang nabawian ng buhay.
Nakarinig ako ng kaluskos ng paa na papalapit sa'kin kaya agad akong nag tago.
Ilang beses akong napalunok habang tagaktak ang pawis sa mukha ko habang naririnig ko na papalapit ng papalapit ang taong papunta sa'kin.
"Cathleen." Dinig ko ang boses ni Caitlyn kaya agad akong lumabas sa pinagtataguan ko saka ko itinutok ang baril ko rito.
"Buhay ka pa pala." Salita ko rito.
Ni hindi man lang ako nito nagawang sagutin sa halip ay tinignan lamang ako nito mula ulo hanggang paa na para bang may hinahanap sa'kin.
"May tama ka?" Salita nito. Agad akong tumingin sa braso ko na may daplis ng bala kaya agad ko itong hinawakan.
Naguguluhan ako sa tingin ni Caitlyn na para bang mayroon pag-aalala sa itsura nito kaya minabuti kong hindi na lang indahin ang daplis ng bala sa'kin.
"Papatayin mo na ba ko?" Tanong nito na parang maamong tupa.
Agad kong itinutok ang baril ko rito pero ni hindi ko man lang makuhang kalabitin ang gatilyo para tapusin ang buhay nito. Parang mayroon pumipigil sa'kin na ano at hindi ko alam kung bakit.
"Bago mo ako patayin, gusto kong humingi ng sorry--"
"Sorry? Sorry para saan? Dahil sa pagbalak mo sa pagsira sa Pamilya ni Catherine? O dahil sa gulong ginawa mo--"
Hindi pa ako tapos mag-salita ng i-angat ni Caitlyn ang baril nito saka tinutok sa'kin.
***
Catherine's POV
Sabay-sabay kaming napalingon sa isang lugar sa barko ng may narinig kaming putok ng baril na umalingawngaw rito.
Pag bukas ni Giselle ng pinto ay bumungad sa'min si Caitlyn na naka-handusay sa sahig na may tama ng bala habang si Cathleen naman ay hawak ang baril nito.
Agad lumapit si Kurt kay Cathleen saka inakap ito at kinuha ang baril na hawak nito.
Halos hindi ako maka-galaw sa pwesto ko ng makita ko ang duguang kapatid ko na may tama ng bala sa dibdib.
"Catherine." Halos bumalik ako sa realidad ng tawagin ni SLY ang pangalan ko.
Agad akong tumakbo papunta kay Caitlyn kaya nag alisan sina Paulo, Giselle at Cara rito.
"Sorry." Salita nito habang may pumapatak na luha sa mga mata nito.
Nilingon ko si Cathleen na akap pa rin ni Kurt.
"Dadalhin ka namin sa hospital, h'wag kang bibitaw." Salita ko rito kasabay ng pag-patak ng luha ko.
***
2 hours later
"Ate." Tawag sa'kin ni Cathleen habang naka-upo ito sa wheel chair na tulak-tulak ni Kurt.
Agad akomg tumayo para salubungin ito habang nag hihintay sa operating room kung nasaan si Caitlyn.
"Kurt."
"Iwan ko muna kayo." Salita nito na alam na ang gusto kong sabihin.
"Hindi ko alam kung paano, o kung saan ako magsisimula para itanong sa'yo kung anong nangyari." Paunang salita ko rito.
BINABASA MO ANG
Ride or Die? (Season II)
AcciónBasahin po muna ang season1 bago ito. Salamat! Apir! [Credit to the owner of the Pic.] PUBLISHED: SEPT. 5,2015 END: FEB. 2,2016
