Chapter 21..

3.1K 112 2
                                        

Caitlyn's POV

Dinala ako ni Giselle at kasama nito sa isang mansion and my eyes widend when I saw a picture of Him with Catherine and her sister na naka display pag pasok pa lang ng pinto bahay.

-flashback-

"Cris, parang awa mo na." Kita ko ang pagmamakaawa ni Mama sa lalaking nakapustura ang ayos habang hawak nito si Mama sa braso.

Nilingon ko ang sarili ko sa direksyon kung saan nakatingin ang lalaking kausap ni Mama. Nakita ko ang dalawang batang babae na halos ka-edad ko lang na tahimik na naka-upo.

"May pamilya ako." Salita nito saka itinulak si Mama dahilan para mapa-upo ito sa sahig.

"Ma, sino yun?" Pitong taon lamang ako noon pero alam ko na ang nangyayari. Noon ko lamang nakita ang lalaki na yun pero kung magmakaawa si Mama dito ay parang matagal na niya itong kilala.

"Papa mo siya Caitlyn." Hindi ko alam kung bakit ako umiyak pero alam ko na siya ang bubuo sa Pamilya ko.

-end of flashback-

**

"Caitlyn." It was Catherine's Mom na bumababa ng hagdanan.

Pilit kong pinipigilan ang luhang ano mang oras ay tutulo sa mga mata ko.

Inilibot ko ang mata ko sa buong kapiligiran ng bahay at ngumisi bahagya sa Nanay nila Catherine.

Kung hindi ako nagkaka-mali ay si Catherine at kapatid nito ang nakita ko noon.

"Papa ko ba yan?" Matikas na tanong ko sa Ina nila Catherine habang turo ang larawan ng lalaking kausap noon ni Mama.

Lumingon ito sa litratong itinuro ko, sa halip na sagutin ako nito ay naglakad ito papalapit sa'kin.

"Siguro." Natawa ako sa sagot ng Ina ni Catherine.

"Siguro? Pero sigurado ako na magkakaroon pa ako ng mas malaking dahilan para patayin ang anak mo."

Sabay na bumunot ng baril si Giselle at kasama nito at itinutok sa akin. Kita ko ang pag pigil dito ng Ina ni Catherine kaya nginisian ko ang mga ito.

"Put your guns down." Ma-awtoridad na utos nito kila Giselle ng hindi pa rin nila binababa ang mga baril nilang naka-tutok sa'kin.

"Queen." Pag 'di sang-ayon ni Giselle dito.

Queen? Siya si Queen? Ang buong akala ni Reynaldo ay si Catherine ang Leader ng Philadelphia.

Agad na binaba ng dalawa ang mga baril nila pero mahigpit pa rin ang hawak ng mga ito rito.

"Caitlyn, magkapatid kayo ni Cath--"

"Kapatid? Wow what a big revelation." Salita ko ng hindi na tinapos ang sinasabi nito.

" Your Dad will be happy in heaven now that we saw you finally."

"Tss. That man? He dumped my Mother anyway. I still remember what he did to my Mom when she asked him to take the responsibility for me. But he pushed my Mom and said that he has a Family. Until my Mama went to Japan to work there. She raised me in her own until she got sick and worst? She died. I grew up in orphanage, and now you tell me that he will be happy now that you finally met me?"

Galit ang nararamdaman ko mula noon hanggang ngayon. Lalo pa't ako ang bumuhay sa sarili ko simula ng namatay si Mama.

Kung tinanggap lang niya ako noon sana'y naranasan ko rin ang naransan nila Catherine.

Ride or Die? (Season II)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon