Chapter 47

3.2K 127 7
                                    

1 week later

Catherine's POV

"Good Morning." Bati SLY habang nag-aayos ako ng sarili. "I love you beautiful." He whispered sabay yakap nito.

Bigla itong kumalas sa pagkaka-yakap sa'kin ng mapansin ata nitong nakapang alis ako.

"Where are you going?"

"Mag grocery ako for the noche buena later. Gusto mo sumama?".

"Okay. I'll just take a quick shower." Nag patuloy ako sa pag kabit ng earrings ko habang si SLY ay dumeretso na ng shower area.

***

"Wife, I invited the Lyrical Assault for the noche buena later. Is it okay to you?" Tanong ni SLY habang hawak ang push cart ng pinamili namin.

"Oo naman. Pupunta ba sila?" Tumango lang ito habang hawak ang isang bote ng Alak.

Tumingin-tingin rin ako ng Ladies Drink panay whisky kasi ang tinitignan nitong si SLY at baka hindi mag enjoy sila Cathleen.

Nang matapos ng pumili si SLY ng alak ay dumeretso na kami sa cashier.Grabe lang kasi may mga last minute shopper pa rin at sobrang haba ng pila nag k-crumps pa yung paa ko dahil siguro sa suot kong wedge shoes.

"Are you okay Wife?" Napansin siguro ni SLY na hindi ako mapakali dahil panay taas ko ng paa ko sa sobrang ngalay. Para kasing hindi nababawasan ang tao dito sa cashier. At ang mas malala pa may bakanteng cashier lane pero walang cashier na nag a-assist.

"Yeah, Okay lang ako." Kahit ang totoo eh parang gusto ko ng umupo sa sahig.

"SLY!" Gulat kaming lumingon sa babaeng tumawag kay SLY na parang binudburan ng harina sa mukha dahil sa kapal ng make up nito.

"Yes?" Tinignan lang ako nito at saka tumingin ulit kay SLY at mas kinagulat ko ng mag beso-beso ito kay SLY na parang hindi ako nakita. Grabe ah? Lakas ng loob! Barilin ko kaya to dito?!

"What are you doing here?" Obvious ba nag g-grocery? Sus gusto ata ipaliwanag pa sa kanya. Tinignan ko si SLY habang nakataas ang kilay at para namang wala itong malay tao. I know natural lang sa magkakilala ang nag bebeso-beso pero naiirita ako sa babaeng to! Literal!!

"Anyway, I accompany you to the special lane. She must be your wife?" Hay nako te mag four years na kaming kasal!

"Yeah, My wife, Catherine. Wife, she's the daughter of Mr. De Vera."

Halos malasog naman ang kamay ko rito ng makipag shake hands ako.

"Psst. Make a special lane for them." Utos nito sa isang empleyadong dumaan. Grabe ganito siya mag trato ng empleyado niya? Ginawa niyang pusa. Sinitsitan lang?

"No we're fine." Salita ko rito dahil sa nairita ako. At ayokong isipin ng empleyado nito na parehas kami ng ugali.

"Come on Miss Catherine. Mahaba ang pila. Baka matagalan kayo?"

"Actually matagal nga siya. Ang daming cashier lane pero walang cashier. As a first time shopper, hindi na ako babalik. Since it was a last minute shopping for us. Why don't you do a job of a cashier since wala ka naman atang ginagawa?" Mukhang nagulat ata siya sa sinabi ko dahil napahinga siya ng malalim at pilit ngumiti.

Wala lang akong choice dahil ito ang pinakamalapit na grocery store sa bahay.

"Sige mag a-assign ako ng ibang tao para pumwesto sa cashier."

Ride or Die? (Season II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon