"Asawa ko, hindi ka paba tapos diyan?" Tanong ko kay SLY dahil mula umaga hanggang hapon ay nagkakalikot lang siya ng kotse niya.
Lumabas naman ito mula sa ilalim ng kotse habang nakahiga sa parang isang skateboard. "Are you hungry?" Tanong nito saka tumayo at nagpagpag ng damit nito.
Simula kasi ng pasukin ni SLY ang smuggle car sa Japan ay nag umpisa na rin itong magkaroon ng interes sa kotse.
"Hindi, pero ikaw baka gutom ka na." Sagot ko rito saka umupo sa harapan nito. "I am hungry for this." Sabay halik sa'kin. Hindi pa rin nawawala ang ka-sweet-an nito.
"Porn na naman?" Natawa kami parehas ni SLY ng magsalita si Paulo.
Binato naman ito ni SLY ng face towel niya saka nakipag brother handshake kay Paulo.
"What's up?" Tanong ni SLY dito. Pero bago sumagot si Paulo ay tumingin muna ito sa'kin.
"Wife, can you get us some drinks?" I rolled my eyes to them saka naglakad palabas ng garahe. Alam ko na mayroon importanteng sasabibin si Paulo kay SLY na hindi ko dapat malaman kaya ako pinaalis ni SLY.
Huminto ako at hindi sinara bahagya ang pintuan para marinig ko ang usapan ng dalawa.
"Don't waste your time hiding at the back of the door, Wife." Inuwang ko ng malaki ang pintuan saka nag peace sign kay SLY, ngumiti naman ito saka tumango.
Agad akong pumunta ng kusina para ikuha ng beer at pulutan si SLY at Paulo saka nag madaling bumalik ng garahe para maka-rinig pa kahit papaano ng usapan ng dalawa.
"Stealing is not our job." Dinig kong salita ni SLY kaya agad akong huminto. "We will help them and they will help us to clear your name. All they need is the micro chip." Sagot naman ni Paulo rito.
Agad akong nagmadali papasok dahil baka makahalata si SLY na matagal ako. Huminto naman ang dalawa sa pag uusap nila pag dating ko.
"Thank you Madam." Salita ni Paulo.
"Sige, labas na ko. Tuloy niyo lang pag-uusap niyo." Kumaway-kaway pa ko sa mga ito saka naglakad palabas ng garahe.
Tumakbo ako papunta sa loob ng bahay at ini-lock ang kwarto namin ni SLY para tawagan si Kurt kung may alam ba siya sa sinasabi ni Paulo.
[What's up Ate?] Bwisit na Kurt to, F na F na boyfriend na siya ng kapatid ko.
[Tse! May alam kaba about sa micro chip?] Pabulong ko salita sa mouthpiece baka kasi marinig ako ni SLY mahirap na malakas pa naman radar ng asawa ko.
[Huh? Wala.]
[Break or Truth?]
[Nakikipag-tulungan si Paulo sa isang mataas na Opisyal ng Pilipinas--]
"Wife are you there?" Agad kong pinutol ang tawag ko kay Kurt saka binuksan ang pinto ng kwarto namin ni SLY.
"May kailangan pa kayo?" Tanong ko rito. Taka naman ako nitong tinignan saka pumasok sa loob ng kwarto at inikot ang tingin nito. "Bakit?" Takang tanong ko rito.
"I'm just checking if you hide something." Salita nito saka ako inakbayan at naglakad palabas ng kwarto. Kahit na weird ay sumunod na lang ako sa paglalakad nito pababa ng second floor.
"Giselle!" Patakbo naman akong pumunta kay Giselle saka hinimas ang tiyan nito.
"Princess, pinakialaman ko na yung kusina mo ah." Paalam nito habang sinasalin ang binili nitong pagkain.
"Iwan ko na kayo." Paalam samin ni SLY saka nagpunta ng back door papunta ng garahe
"Sus! Okay lang yun." Salita ko kay Giselle. Tinulungan ko naman ito na mag-ayos ng mga pagkain na dinala niya.
Nabaling naman ang tingin ko sa paa ko ng maramdaman kong basa ito."Ai may tagas ng tubig yung sink."
Agad akong kumuha ng mop saka pinahiran ang sahig.
Hindi naman basa dito sa lababo? Takang tanong ko sa sarili ko saka sinipat kung saan ba nang gagaling ang tagas ng tubig.
"Oh my Gosh Giselle, sayo galing yung tubig." Taka naman tumingin sa'kin si Giselle. Sigurado ako na kay Giselle galing ang tubig na yun.
Tumingin naman si Giselle sa paanan nito saka nagtali ng buhok. "Hala, pumutok na yung waterbag ko.
"Teka tatawagin ko si Paulo. H'wag ka magpapanic." Tumakbo ako papunta ng garahe para sabihin kina Paulo at SLY na manganganak na si Giselle.
"Si Giselle manganganak na ata." Halos mapatakbo naman ang dalawa papasok ng bahay pati ako napasunod na rin.
"Pau." Tawag ni Giselle kay Paulo. "Teka ano ba gagawin ko?" Tanong
ni Paulo habang pabalik-balik ito na natataranta habang si Giselle ay prenteng naka-upo lang.
"Retard! Drive your Wife to the nearest maternity clinic!" Bulyaw ni SLY dito. Agad naman binuhat ni Paulo si Giselle. Si SLY naman ay kinuha ang susi ng kotse ni Paulo para siya na ang mag drive.
"Teka yung gamit namin ng baby nasa bahay pa." Salita ni Giselle na parang wala lang.
"Papadala ko kay Cara." Salita ko rito, si Cara ay naka-tira na sa bahay nila Giselle. Magkasama kasi ang dalawa sa condo noon, simula ng mag-asawa si Giselle ay pinasama na nito si Cara sa bahay nila ni Paulo.
Agad kong tinawagan si Cara para sabihin na manganganak na si Giselle h'wag mag panic at dalin ang gamit ni Giselle.
Pag dating namin ng hospital ay hindi na kami pinapasok ni SLY nang Emergency room at nag hintay na lang kami sa labas.
"Akala ko may tagas yung sink. Yun pala kay Giselle na yun." Natawa naman si SLY sa sinabi ko kaya tinap nito ang ulo ko saka kami sabay na pumasok ng sasakyan.
Iwas pa kami sa tao dahil sa nangyari samin, mabuti ng paka-sigurado.
"Diyan ka lang." Salita nito, paglabas nito ng kotse niya ay nakatingin ito sa malayo at kinuha nito ang baril sa likod niya saka nilagyan ng silencer.
Tumingin naman ako sa likod ng sasakyan pero wala naman tao. Agad sinara ni SLY ang pinto ng kotse saka naglakad, kinuha ko naman ang baril na nakalagay sa ilalim ng upuan ng kotse saka lumabas. Pero pag bukas ko ng pinto ay agad na sumara ito dahil sa isang taong humarang sa paglabas. Pag silip ko sa bintana ay kalmado lang ang itsura ni SLY. Pag bukas ko ng bahagya pinto ay may lalaking naka-handusay sa sahig habang hawak ang tiyan.
"H'wag maawa ka sa'kin may pamilya--" Hindi pa ito natatapos mag-salita ay pinaputukuan na ni SLY ang tuhod nito saka tinali ang lalaki sa kamay at paa saka binuhat at inilagay sa compartment. Buti na lang at walang masyadong tao at hindi napansin ang nangyari.
[There's someone following us. We will be back.] Salita nito sa telepono na sa tingin ko ay si Paulo.
Hindi pa man kami nakakalayo ay may nakita na kaming Pulis. "Check point." kabado pa ko dahil baka mamukaan si SLY ng mga pulis.
"Don't panic." Salita nito saka nag deretso ng drive sa check point.
"Ma'am, Sir. Check point lang po." Tumango-tango naman si SLY dito habang naka-yuko, habang ako ay nanginginig pa rin sa kaba dahil baka makita ang tao sa compartment.
"Pabukas po ng compartment." Utos ng pulis. Agad naman pinindot ni SLY ang button sa sasakyan para mabuksan ang compartment. Pero hindi pa nakakalapit ang mga pulis rito ay pinaharurot na agad ni SLY ng takbo ang sasakya nito. Dinig ko ang putok ng baril ng mga pulis.
"Wife." Salita nito, agad naman kaming nag-palit ng pwesto. Siya na ngayon ang nasa drivers seat at ako ang nag da-drive. Pag baba ko ng bubong kotse ay nag-paputok na rin si SLY ng baril niya na pinapatama niya lang sa gulong ng kotse ng mga pulis.
BINABASA MO ANG
Ride or Die? (Season II)
AcciónBasahin po muna ang season1 bago ito. Salamat! Apir! [Credit to the owner of the Pic.] PUBLISHED: SEPT. 5,2015 END: FEB. 2,2016
