Chapter 28.

2.7K 115 5
                                        

Catherine's POV

"Princess." Inilapag ko ang tray na dala ko sa counter station dito sa kusina ng dumating si Nathalie.

"Don't call me Princess na, Nathalie."

"Pero kayo naman po talaga--"

"Bahala ka hindi kita papakainin nitong niluto ko pag tinawag mo pa kong Princess."

Natawa naman si Nathalie sa sinabi ko. Alam ko na nasanay na sila pero hindi na dapat.

"Buti napa-aga ka habang mainit pa to. Gusto mo na ba kumain?" Tanong ko rito.

"Mamaya na lang po."

"Happy birthday." Sabay kaming napalingon ni Nathalie ng dumating si Cathleen at Gretch na may dalang lobo at cake.

Excited ba sila? E alas siyete palang kaya.

"Hi Nathalie." Cathleen and Gretch pecked Nathalie's cheek saka inilapag ang dala nito.

"Where's SLY?" Tanong ni Cathleen ng makapag sindi ito ng yosi.

"Pumunta sila kila Paulo." Sagot ko rito.

"You mean hindi niyo sasalubungin ang birthday niyo together?"

"Baka umuwi rin yun mamaya, maaga pa naman." Sagot ko rito.

Kumuha naman ako ng mga pinggan para maka-kain na kami ng sabay-sabay. Sabi naman kasi ni SLY baka gabihin siya kaya baka hindi na yun dito mag dinner.

Pero speaking of SLY, simula kanina hindi na yun nag text o tumawag.

"Ano bang niluto mo bruks?" Tanong ni Gretch.

Inisa-isa nitong buksan ang takip ng mga ulam saka inamoy.

"Hmm. Mukhang masarap." Salita nito ng huling buksan ang niluto kong Cordon Bleu.

"Mukha lang?" Tanong ko rito saka inabutan na ito ng spoon and fork.

Dito na rin kasi kami kakain sa dining na nasa kusina since apat lang naman kami.

"Siyempre hindi ko pa natitikman." Sagot naman nito habang inaayos ang table napkin sa lap nito.

"Since you are the youngest here. Lead the grace Cathleen."

Nakagawian na namin ito. Anyway, ganoon naman talaga dapat, pero mas natuto pa kaming mag pasalamat sa lahat ng grasyang natatanggap namin lalo na sa blessings.

"Thank you Father for this gathering. Thank you for another year that you give to Catherine and SLY. Thank you for more blessings. Amen."

Nang lahat kami ay nakapag sign of the cross na ay nag umpisa na kaming lahat kumain.

***

I checked my phone kung mayroon na bang text si SLY pero as of this moment wala pa rin. Matatapos na kami sa movie na pinanuod namin nila Gretch hindi pa rin tumatawag si SLY.

Nang lingunin ko si Gretch ay tuloy-tuloy pa rin ito sa pag-iyak. Si Cathleen naman ay may yakap-yakap na unan habang punas ng punas ng tissue sa mata nito.

"Okay lang kayo?" Tanong ko sa mga ito.

"Obvious ba? Nakita mong ubos na tong laman ng tissue box mo." Sagot ni Gretch.

Nilingon ko naman si Nathalie na nasa dulo ng couch pero seryoso itong nanunuod.

"Bwisit talaga pag makapangyarihan ang mga Pulis." Salita ni Cathleen.

Ride or Die? (Season II)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon