Nasa coffee shop ako at umiinom ng cafe latte with a piece of cake. Kailangan ko ito dahil na-i-stress ako ngayon, comfort food kumbaga.
Mag-isa lang ako. Nagmumuni-muni at nag-iisip. Gusto kong sabihin ang nakita ko pero nagdadalawang-isip ako. Akala ni Melody na siya ang tinitingnan ni Steaven. Ayokong masaktan si Melody once na malaman niya ito pero ayoko rin namang masaktan siya dahil hindi ko sinabi sa kanya. Naguguluhan ako sa totoo lang. Aargh!
Ilang araw akong hindi nakatulog dahil dito. Ilang araw kong pinag-iisipan kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi.
There is something in me that urges me to say it. Mas mabuti na 'yung maaga para hindi siya masaktan kaysa naman sa mas masaktan siya dahil hindi ko agad sinabi sa kanya ito.
I made a decision and I will tell this. You need to say it to her, Jannessa.
Melody's POV
"Madear! Alis na po ako." Sabay kiss ko sa kanya na nakaupo sa sofa habang nanunuod ng morning news at nilalantakan ang paborito niyang dried mangoes.
"Okay. Mag-iingat ka anak, ha?"
"Opo. Bye!" Paalam ko.
Lumabas na ako ng bahay pero..
"Melody, anak!" I looked at Mom. "Nakalimutan mo ang panyo mo." Oo nga pala.
"Thank you, Ma!" Buti na lang.
"You're welcome, anak. Mag-iingat ka, ha? Mag-aral ng mabuti. I love you." Mom said while smiling.
I smiled at her too. "Love you din, Madear." Umalis na ako.
It's Friday and papasok na ako sa university. Haay. Ang saya ko, I don't know why. I feel blessed and contented. Salamat, Panginoon.
Naglalakad ako nang may bumusinang kotse. Sino iyon? Tumingin ako kung nasaan ang kotse.
"Melody, hatid na kita. Sabay na tayo pumasok." Ay, si Steaven. Ayiee.
Napangiti na lang ako. Thank You, thank You po talaga! I went to the other side of his car. He opened it and I entered.
"Good morning. Talagang pumunta ka pa dito, ha?" Sabi ko habang naglalagay ng seatbelt.
Pinaandar na niya ang kotse. "Good morning din. Oo naman, para sabay tayo."
Kinikilig akooo. I looked at him and he looks blooming, maybe because of me? Kyaaaaaaah! Nagkausap kami regarding sa performance niya kahapon. Ngayon alam ko na raw na magaling siya kumanta. Ang yabang nga, e! Shems, ang pogi niya talaga. Naka-shades pa kasi siya, e. Mas gwapo tuloy.
--
"Sabay ulit tayo maglunch, ha?" Sabi niya nang makarating kami.
"As always, Mr. Cortez. By the way, thank you sa paghatid." I replied. He nodded and smiled at me and then umalis na siya. Nasaan kaya si Jannessa? Tinext ko siya habang papunta ako sa klase ko.
BINABASA MO ANG
He Is My Man
EspiritualShe fell in love with him and then suddenly nagtapat siya na attracted siya sa lalaki for heaven's sake! May magagawa pa ba siya to change him into a man who should be attracted to a woman? Melody Nicole cannot bear the thought of the man she love b...