Another day, another class. Malapit nang mag-uwian at sinesermunan na naman kami ng adviser namin. Naku naman! Sana pauwiin kami nang maaga nito!
"I don't know what to do anymore with you, class. Hindi na kayo high school para umakto nang ganito! College na kayo at dapat umakto kayo nang naaayon sa edad niyo!" Tahimik ang lahat habang pinapagalitan kami ni Sir. Napabuntong hininga na lang ako sa panenermon niya. Para kasing mga bata itong mga kaklase ko, hindi na natuto. Palagi na lang binibigyan nang sakit ng ulo ang ibang teachers namin.
"Sorry po, Sir. Hindi na po mauulit." Sagot ng president namin na si Timothy.
"It should be, Timothy! This is the last thing na may gagawin kayong hindi maganda sa mga teachers niyo. If this would happen again, hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko sa inyo. Class dismiss."
Yown. Buti na lang. Inayos ko ang mga gamit ko bago lumabas nang klase kasama si Gabriel. "Wala na talaga akong masabi sa klase natin. Ngayon ko lang napatunayan na ang klase natin ang pinakapasaway sa buong campus. Nakakahiya. Kung pwede lang lumipat ginawa ko na, kaso magagalit si mudra kapag ginawa ko 'yon." Sabi ni Gabriel habang papunta sa parking lot.
Nag-ring ang phone ko, may nagtext pala.
From Sish:
Saan na kayo? Dito na ako parking lot.
To Sish:
On the way na.
"Hay nako, huwag na natin pag-usapan iyan. Nakakainis lang." Sagot ko kay Gabriel.
Nang makarating kami sa parking lot ay pinuntahan namin ang kotse ni Jannessa at sumakay. Sa harap ako habang si Gabriel ay sa likod.
"Let's go?" Jannessa asked.
"Oo, paandarin mo n—"
"Wait, 'di ba kotse ni Steaven iyon? Sino 'yung kasama niya?"
Napatingin kaming dalawa ni Jannessa sa labas. Oo nga, kotse ni Steaven iyon at may kasama siya.
"Si Nigel ata 'yung kasama niya. Saan sila pupunta?" Sabi ni Jannessa.
Kinabahan ako sa sinabi ni Jannessa at naalala ko kahapon ang pag-uusap namin ni Steaven.
"Sundan mo sila." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
He Is My Man
EspiritualShe fell in love with him and then suddenly nagtapat siya na attracted siya sa lalaki for heaven's sake! May magagawa pa ba siya to change him into a man who should be attracted to a woman? Melody Nicole cannot bear the thought of the man she love b...