"Good morning, Gabriel." Bungad ko sa kanya nang makapasok ako for the 2nd class.
"Good morning din pretty Melody." Sulyap niya sa akin at nagpatuloy sa pagsusulat sa notebook.
Umupo ako sa tabi niya. "Ano iyang sinusulat mo?" Yumuko ako para mas makita ko ang sinusulat niya.
Tumingin siya sa akin saglit. "Report." Sabi niya.
"Ah. Tapos na ako dyan, eh." Sumandal ako sa upuan. Tumingin sa akin saglit si Gabriel at nagsulat ulit.
"Bakit?" Tanong ko.
"Parang masaya ka." Sagot niya habang nagsusulat. Naalala ko tuloy 'yung nangyari kagabi. Abot-tenga akong ngumiti dala ng kilig na nararamdaman ko ngayon.
"Hala siya! Bakit ganyan ang ngiti mo?! Ano iyan ha?!" He stopped writing. Wala pa ang teacher namin.
"Wala 'to. Feeling blessed lang."
"Hoy, iba iyang ngiti mo ha? Parang espesyal, eh. Well, espesyal nga talaga. Oy, may nagpapasaya sa iyo, 'no?" Tinuro niya ako ng hintuturo niyang daliri.
Tinapik ko ito. "Wala 'no. Bagay ka talaga sa student council, daming alam."
"Mamaya kita iintrigahin. Tapusin ko lang ito." Sabay balik sa pagsusulat ng kanyang report.
Maganda ang umaga ko ngayon dahil sa nangyari kagabi. Payapa akong nakatulog dahil sa saya at kilig na naramdaman ko kagabi. Masaya ako. Masarap sa pakiramdam ang nararamdaman ko ngayon.
Natapos ang aking pag-iisip nang biglang pumasok si Ms. Delos Reyes.
--
"Hoy babae. Sabihin mo sa akin iyan." Sabi ni Gabriel nang makaupo kaming tatlo sa mesa. Lunch break na ngayon.
"Ang kulit mo. Wala nga."
"Bahala ka nga dyan."
"What's happening here? Hindi ako maka-relate, eh." Jannessa asked.
"Kanina pa kasi tanong ng tanong si Gabriel kung bakit ako masaya, eh feeling blessed lang naman ako." I said in a matter of fact.
"Feeling blessed ka? Why? Is there a good news?" Natahimik ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Natameme ako do'n, ah? Bakit ba ako blessed? Ah!
"Kasi hindi ako pinapabayaan ng Diyos. Thank you sa kanya dahil binibigyan niya pa rin ako ng buhay para sa araw-araw."
"Sabagay, ako rin naman, feeling blessed ako always. Mahal na mahal talaga ako ni Lord, akalain mo iyon? Kahit hindi ko kasama sina Mama at Papa, eh, hindi Niya pa rin ako pinapabayaan? Even my parents are always safe, tayo, palagi tayong nasa arms ni Lord, 'di ba? Lagi Niya tayong pinoprotektahan. God is good talaga." Sabi ni Jannessa.
"Amen." Sabi ko with matching lifting hands pa nang slight lang naman.
"Oh, Steaven! Ikaw pala!" Sabi ni Jannessa. Napatingin ako sa likod. Pagtingin ko wala naman si Steaven. Narinig kong nagtawanan ni Jannessa at Gabriel.
"Ya! Trip niyo ako ha?!" Aish! Nag-apir pa ang dalawa! Kainis sila! Tatayo na ako nang pinigilan ako ni Gabriel.
"Oh, saan ka pupunta?"
"Ewan ko sa inyo, magsama kayo." Sabi ko at tuluyan nang dumiretso sa counter para umorder ng pagkain ko.
"Sish! Kahit anung ulam ako!" Habol ni Jannessa.
BINABASA MO ANG
He Is My Man
SpiritualShe fell in love with him and then suddenly nagtapat siya na attracted siya sa lalaki for heaven's sake! May magagawa pa ba siya to change him into a man who should be attracted to a woman? Melody Nicole cannot bear the thought of the man she love b...