Hindi ko na nakausap si Steaven mula noong pumunta kami sa lawa. Pero nakikita ko siya rito sa university kaya lang hindi ko siya magawang lapitan. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginagawa iyon. Siguro gusto ko rin siyang hayaang mapag-isa at magmuni-muni. Pero namimiss ko na rin siya. Isabay mo pa 'yung hindi niya pagtetext sa akin. Kamusta na kaya siya?
It's Monday. Kasalukuyan kong kinukuha ang libro ko sa locker. Gagamitin ko kasi for the second class. Pero may nararamdaman akong kakaiba. Parang may sumusunod kasi sa akin, e.
Umiling na lang ako para makalimutan ang kakaibang nararamdaman na iyon at pinagpatuloy ang paghahanap ng libro ko sa loob ng locker.
"Hi, Melody." Ay! Sino ba iyon?! Nakakagulat kaya!
Tiningnan ko kung sino iyon. "Sinusundan mo ba ako?!" Sabi ko. Si Gabriel pala. Ang classmate kong pinagpapantasyahan 'sana' ng mga babae kong classmate kung hindi lang siya bakla.
Ngumiti siya na ikinaliit ng mata niya. "Sarrey. Napansin ko kasing tulala ka habang naglalakad kaya nakuha mo ang atensyon ko. Baka kasi bigla kang madapa habang tulaley portion ka dyan." Tinalikuran ko siya at sinara na ang locker.
Pagkasara ko ng locker ay humarap ulit ako sa kanya. "Ooops!" Sabi niya at umatras siya dahil napakalapit niya sa akin. Itinaas pa niya ang kanyang mga kamay na para bang susuko sa mga pulis.
"Papasok na ako. Ikaw rin, pumasok ka na. Baka mahuli ka pa sa klase." Maglalakad na ako nang nakita ko si Steaven na nakatingin sa pinaroroonan namin ni Gabriel. "Steaven." Mahina kong sabi. Napakaseryoso ng mukha niya. Sa totoo lang, mas lalo siyang naging seryoso magmula noong nawala si Blair.
Nagulat ako nang bigla siyang umalis na para bang hindi niya ako nakita. Galit ba siya?
"S-si Steaven Cortez iyon 'di ba?!" Kilig na tanong ni Gabriel.
"Ano?" Napako ang tingin ko sa pinaroonan ni Steaven. Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Bakit hindi niya ako pinansin?
"Nevermind. Sabay na tayo."
"Ha?" Tiningnan ko siya.
"Ang bingi mo pala. Sabi ko sabay na tayo. Kaklase mo kaya ako from second class to last. Palibhasa hindi mo ako napapansin kaya hindi mo ako kilala." Tinarayan pa niya ako.
"Kilala kaya kita." Sabi ko. Nakita ko si Jannessa kaya tinawag ko siya. "Sish!" Napalingon siya at lumapit sa amin.
"Nakita mo si Steaven?" Tanong niya nang makalapit siya.
"Oo, pero hindi niya ako pinansin, e."
BINABASA MO ANG
He Is My Man
SpiritualShe fell in love with him and then suddenly nagtapat siya na attracted siya sa lalaki for heaven's sake! May magagawa pa ba siya to change him into a man who should be attracted to a woman? Melody Nicole cannot bear the thought of the man she love b...