HIMM 34

16 1 0
                                    

"Sayang. Hindi na kayo magkaklase ni Gab."

"Oo nga, eh. Ito ang ayaw ko, eh. Panibagong school year, panibagong classmates."

"May bad news ako sa inyo. For the first time, all courses of this university will be changed. Meaning, hindi na tayo magkakasabay-sabay kumain katulad nito." Sabi ni Gab.

"Shocks." Sabi ko.

Wala na, finish na.

"Masasanay rin tayo." Gabriel assured us.

"Nakakabadtrip naman. Lubusin na natin itong last cafeteria time natin together."

Marami akong inorder para kay Melody. "Pero ikaw hindi ka talaga nagbago pagdating sa pagkain. Ang lakas mo pa rin kumain."

"Ang sarap." Kanin at ulam, pancit, iced tea at ilang dessert ang nakahain sa harapan niya. "Kailangan kong kumain nang marami para panangga sa darating na stress. Tsaka last year na natin dito, gagraduate na tayo."

"I agree." Sabat ni Steaven.

"Kung saan-saan ka sumusulpot eh, 'no?" Sabi ko. Umupo siya sa tabi ni Melody. Katabi ko si Gabriel at kaharap namin sila.

"Hindi ka rin gutom niyan, ano?" Komento ni Gabriel sa dalang tray ni Steaven na kasingdami rin ng pagkain ni Melody.

Habang kumakain si Melody ng pancit ay tumingin siya kay Steaven. Itinaas ni Melody ang kanyang kamay kay Steaven na siya namang inapiran ng binata.

"Kumain lang kayo. Huwag kayong mahiya." Sabi ni Melody na may kasamang pagkumpas pa ng kamay. Tinawanan lang siya ni Steaven na sinang-ayunan din bago kumain ng pancit.

Napatingin na lang kami ni Gabriel at sinabayan na lang din silang kumain.

Lumipas ang ilang minuto at natapos na rin kaming kumain ngunit nanatili pa rin kaming nakaupo.

Tumingin ako sa relo ko. 30 minutes pa bago mag-time.

"Anong plano niyo after we graduate?" Gabriel asked.

"I will apply as a pharmacist. Ikaw?"

"Hmm, I will try my best to become a famous writer."

Tumango ako. Tiningnan naming dalawa sina Melody.

"I want to be a production assistant." Melody looked at the three of us. "And if it's God's will I'll pursue being a film director. Ako ang magiging director ng mga story mo, Gabby."

He Is My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon