HIMM 14

155 7 4
                                    


"Break na sila." Pagtatapat ko sa kanilang dalawa.

"What?!" Gulat na tanong ni Jannessa habang napatingin naman si Carlos sa akin. Kasalukuyan kaming nakaupo sa sala ngayon. "S-seryoso ka ba? B-break na sila? Kanino mo naman nalaman iyan, Sish?"

"Kay Steaven mismo." Marahan akong napayuko.

"Paano nangyari iyon, Ate?" Tanong ni Carlos habang kumakain ng snacks.

"Dahil sa first love ni Blair, si Aaron. Mahal pa rin ni Blair si Aaron."

"A-and then?" Tanong ni Jannessa.

"Nakipagbreak si Blair sa kanya. The worst was sa text lang nakipagbreak si Blair."

"Wow! This is unbelievable! Mahal niya pa rin pala 'yung first love niya nang lagay na iyon, ha? E, Sweetness overload nga sila ni Steaven, e. Sa tuwing magkasama sila parang wala nang makakapaghiwalay sa kanila. Tapos makikipagbreak siya nang dahil mahal pa rin niya ang first love niya? Wow lang, ha?"

"Iyon nga rin ang ipinagtataka ko. I thought they're gonna make it last pero hindi, e. They still broke up." Sabi ko. Tumayo si Carlos at dumiretso sa kusina.

Napabuntong hininga si Jannessa at napailing. "Siguro ganoon nga talaga, Sish. Sabi nga nila, expect the unexpected."

Napasandal ako sa sofa. "Sa tingin mo magkakabalikan pa sila?" Tumingin ako sa kanya.

"Hindi ko rin alam, Sish." Tumigil siya sandali. "Balita ko, out of the country ang lahat ng tourism students. 'Di ba tourism si Blair?" Tumango ako sa tanong niya. "May OJT daw lahat sa Australia, e. Wala na rin silang pasok dahil nag-aasikaso sila ng mga papeles."

Ah, kaya pala hindi ko na nakikita si Blair sa university nitong mga nakaraang araw. "Kailan ang alis nila?"

"Sabi ni Angie, this Friday daw."

Namuo ang katahimikan sa aming dalawa ni Jannessa. Maya-maya'y biglang tumunog ang cellphone ko. I checked it and there was a message from Steaven.

He Is My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon