HIMM 10

175 6 0
                                    


Melody's POV

Magkakilala sila ni Blair Ocumen? Kasalukuyan silang nasa harap namin at kaming lahat ay nakatingin sa kanila. Bumaba ang tingin ko at nakita kong magkahugpong ang kanilang mga kamay, sobrang higpit ng pagkakahawak nila sa isa't-isa na para bang magkadikit ito. Tila ba napako ang tingin ko dito dahil hindi ko matanggal ang tingin ko doon. Gusto ko mang tanggalin iyon pero hindi ko magawa. Ano bang karapatan ko para gawin iyon?

Bumaba ang tingin ko sa suot na sandals ni Blair at pamilyar sa akin iyon. Kay Blair niya pala ibinigay ang napakagandang sandals na iyon. Bagay na bagay sa kanya. Anong ibig sabihin nito? Parang may unti-unting tumutusok sa loob-loob ko.

"Mom, Dad and to all of you who are here, this is Blair Ocumen. My girlfriend." Pagpapakilala ni Steaven.

G-girlfriend? S-sila? Paanong nangyari iyon?

Pagkasabi ni Steaven ng girlfriend ay biglang nabilaukan si Tito Federico sa ininom niyang wine.

"Hon, are you okay?" Tanong ni Tita Kathy na may halong pag-aalala.

"I'm okay." Marahang itinaas ni Tito Federico ang kamay niya para siguraduhin kay Tita na okay lang siya. Kumuha siya ng table cloth at pinunas ito sa kanyang labi.

Tumingin ako kina Steaven at Blair na nakatayo pa rin. Tumingin muna si Blair kay Steaven bago siya magsalita. "Good evening po sa inyong lahat. Nice to meet you po." Ngumiti ito pero mababakas pa rin sa kanya ang kaba.

"Nice to meet you rin, Iha. Napakaganda mo, Blair." Tita Kathy said.

Nahimasmasan na si Tito Federico kaya dinugtungan niya ang sinabi ni Tita Kathy. "It is nice to hear that Steaven has a girlfriend." Tumingin si Tito Federico kay Tita Kathy na may alanganing ngiti. Ginantihan naman ito ni Tita Kathy ng nakakatuwang ngiti at mukhang walang kamalay-malay sa naging reaksyon ni Tito Federico.

"Have a seat." Tita Kathy said. Pansin kong tahimik lang ang mga kaibigan nina Tita Kathy at Tito Federico.

Napahawak ako nang mahigpit sa kutsara. Nasasaktan ako. Ramdam kong umiinit ang mga mata ko na para bang may lalabas na likido rito. Umupo sa tabi ko si Blair at tumingin siya sa akin. Ngayon alam ko na. Masyadong mataas ang tipo ni Steaven sa isang babae at sadyang napakalayo kung ikukumpara siya sa akin.

"Hi. Ikaw si Melody 'di ba? At last, nakita na rin kita." Ngumiti siya. Isang ngiti na makakapagbuo ng araw sa isang lalaki.

Napatango na lang ako at ngumiti kahit hindi bukal sa puso kong nagsisimula nang kumirot. Gusto kong magalit pero hindi ko magawa. May nagsasabi kasi sa akin na hindi iyon tama.

Nakita ko si Steaven na masaya sa nangyayari ngayon habang ako'y hindi ko magawang maging masaya man lang. Everyone is looking happy right now lalo na siya habang si Blair ay nakikipag-usap sa mga magulang niya. I can see that Tito Federico and Tita Kathy welcomes Blair in their family. I felt invisible in front of them and I want to disappear right now.

"Excuse me po. Mag-C-CR lang po ako." Carlos excused at saka siya tumayo. Chance ko na ito para makaalis kami rito. Wala na akong pakialam kung hindi kami makapagpaalam nang maayos, mas okay na ito kaysa naman malaman nilang umiiyak ako ng walang dahilan. Napakahina mo, Melody.

He Is My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon