HIMM 21

109 6 0
                                    


"Melody!" Tawag sa akin ni Gabriel nang makapasok siya sa classroom. Pagkalapit niya sa akin ay niyakap niya ako nang medyo slight. Nakakapagtaka rin siya eh 'no, hindi kasi masyadong bakla 'yung pagkakayakap niya sa akin, 'yung tipong panglalaki?

"Hindi mo naman ako na-miss niyan, ano?" Sabi ko.

Bumitaw siya pero hawak niya ang magkabilang braso ko. "Bakit? Hindi mo rin ba ako na-miss?"


Ngumiti ako nang malapad. "Syempre na-miss." Ngumiti siya. Ang gwapo pala nito kapag ngumingiti ng pormal.


Natapos na rin ang sembreak at sa ngayon, 2nd subject na ng klase namin ngayon.

Umupo kaming dalawa at nagkwentuhan. Wala pa kasi 'yung next professor namin e.

"How's your sembreak?" Panimula niya.

"Ayos lang. Sulit na sulit ang sembreak to the point na nakakamiss na kayo."

"Aaaw, ang sweet ni friend."

"Ikaw? Kamusta ang bakasyon mo?"

"Okay lang. Pareho tayo pero madalas nakakaboring kaya gustong gusto ko nang pumasok." He smiled again. Now I know kung bakit may mga babaeng nagkakagusto rito pero nanghihinayang. Pero, silahis naman siya 'di ba?

"Girl, hindi tayo talo." Sabi niya nang mapansing nakatingin ako sa kanya. Ganoon ba ako kahalata?

Natawa ako. "Kapal mo! pero ang gwapo mo kasi, e. Bakit ka pa kasi naging ganyan? Sayang ang kagwapuhan mo, Mr. Leonardo." I quoted the word mister.

"Whatever." Sabi niya sabay irap sa akin.


At doon naputol ang aming daldalan dahil dumating na si Mrs. Delos Reyes.

--

Yes! Break time na meaning lunch time na. Nasaan na kaya si Jannessa? Nakakamiss ang babaeng iyon.

"Tara, Melody." Lumabas na kami at dumiretso sa canteen. Unti-unti na ring dumadami ang mga students sa hallway dahil naglalabasan na rin sila.

Habang naglalakad kami, may nagtakip ng dalawang mata ko. Sino iyon?

"Sino ito?" Walang sumasagot. Hinawakan ko ang kanyang kamay. Malabot. Ah!

"Sish?!" Hula ko.

Tinanggal na niya ang kanyang kamay at biglang humarap sa akin.

"Sish! I missed youuu! So much!" At tuluyan na niya akong nilamon. Joke, niyakap pala nang sobrang higpit.

"I-Ikaw din! N-namiss kita." Sabay ubo ko. Ang higpit ng yakap niya.

"Sorry, Sish!" Sabay bitaw sa akin.

He Is My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon