Bakit ko ba kasi siya nagustuhan?
Ang dami naman dyan. Bakit siya pa? Oh, God. Help me. Ayoko nang ganitong feeling. Tanggalin niyo po ito sa puso ko. In Jesus' name, Amen.
Kasalukuyan akong nakahiga ngayon. Alas dose na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Ganito ba talaga kapag may nagugustuhan ka?
Haay, ang hirap. I just realized na gusto ko pala siya of all these years na kasama ko siya. He's kind, caring and loving. Bonus na nga kung tutuusin ang kanyang kagwapuhan. Lahat ng standard ko sa isang lalaki ay nasa kanya na.
Tumigil ka na nga sa kakaisip tungkol sa kanya! Mas lalong hindi mo siya makakalimutan if you will keep on thinking about him.
Matutulog na nga ako. Magsisimba pa kami bukas.
--
Hossana, hossana
Hossana in the highest
Nagising ako sa alarm ng phone ko. Kinuha ko ito sa mesa na nasa tabi ng kama ko at pinatay ito. 7AM na at inaantok pa rin ako pero kailangan kong bumangon dahil linggo ngayon.
Syempre, nagdasal muna ako sa Panginoon bago ako tuluyang bumangon. Bumaba ako at nakita ko si Mama na naghahanda ng almusal namin.
"Good morning, Ma."
Napatingin siya sa akin at binati rin ako. "Good morning din, anak. How's your sleep?"
"Eto, napu-- I mean, okay po. Nakatulog naman po ako nang maayos." I said.
Eto, napuyat kakaisip doon sa mokong na iyon.
Phew! Buti na lang hindi iyon ang nasabi ko. Oh man, ang aga-aga naalala ko na naman siya. Napailing ako.
"That's good." Nilagay ni Mama ang mga tinapay sa mesa. "Gisingin mo na ang mga kapatid mo. We need to go to church early."
Sinunod ko si Mama at pinuntahan ang kwarto ng dalawa kong kapatid. "Good morning! Gumising na kayo at tayo'y magsisimba." Masayang sabi ko habang nakadungaw ako sa pinto.
Tinakpan ni Carlos ng unan niya ang tenga niya. "5 minutes pa, Ate. Antok pa ako, eh."
"Oo nga po, Ate." Nakapikit na sabi ni Pancho.
"Hindi. Bumangon na kayo dyan, ma-lelate tayo sa service nyan." Pumasok ako at umupo sa kama ni Carlos. Walang umiimik sa kanila. "Hindi kayo gigising?" Aba, dedma. Sinimulan kong kilitiin ang paa at ni Carlos at agad siyang nagising.
BINABASA MO ANG
He Is My Man
SpiritualShe fell in love with him and then suddenly nagtapat siya na attracted siya sa lalaki for heaven's sake! May magagawa pa ba siya to change him into a man who should be attracted to a woman? Melody Nicole cannot bear the thought of the man she love b...