HIMM 18

173 7 2
                                    


I updated this chapter again because there was a little edit that was done a while ago regarding all the chapters of this story. Please read this again kasi mas hinabaan ko ito. Enjoy reading! Thank you!

Melody's POV

Nasa kwarto ako ngayon. Naalala ko tuloy 'yung nangyari kanina sa amin ni Steaven. Dahil nga sa hindi kami nagpapansinan nitong mga nakaraang araw ay hindi ko na alam kung pumapasok pa siya. Hindi ko kasi siya nakita ng ilang araw sa university. Kaya gulat na gulat ako nung nakita ko siya tapos hindi pa niya ako pinansin. Parang wala siyang nakitang kaibigan. Bakit kaya hindi niya ako pinansin?

Dahil sa kuryosidad ko ay kinuha ko sa bulsa ko ang phone ko at nag-compose ng message.

To Mushie:
Psst. Galit ka ba?

Message sent.

Ipinatong ko ang phone ko sa kama. Napahiga tuloy ako. Sana mag-reply siya.

Maya-maya'y tumunog 'yung phone ko. Agad ko itong kinuha.

From Mushie:
Nope.

Ang tagal niyang mag-reply tapos ito lang ang sagot niya? Hindi daw. Halatang galit siya, e.

To Mushie:
Ows? Bakit hindi mo ako pinansin kanina? Parang hindi mo ako nakita.

Message sent.

--

Steaven's POV

From Pretty Melody:
Ows? Bakit hindi mo ako pinansin kanina? Parang hindi mo ako nakita.

Look at what you did. She thought you are angry at her. Ni hindi mo man lang siya binati kanina. What kind of bestfriend you are. Sabi ng munti kong utak.

To Pretty Melody:
I'm sorry. May iniisip lang ako kanina kaya hindi na kita napansin. Sorry talaga.

Message sent.

Aish! Napabuga na lang ako sa hangin. Nasa terrace ako ngayon. Bakit ko ba siya hindi pinansin kanina? Siguro dahil doon sa lalaking kasama niya? Don't get me wrong, hindi ako nagseselos.

Sa totoo lang, hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Melody noong sinabi kong wala na kami ni Blair.

"Ganyan talaga, e. Talagang masakit malaman na hindi ka pala niya mahal at masaya siya sa piling ng iba. Pero, habang nararamdaman ko 'yung sakit na iyon? I realized one thing. Hindi ka makakatakas sa sakit na dala nito."

"I understand you, Steaven. Ang pagmamahal mo sa isang tao ay parang salamin. It reflects the feelings for each other. Kung masaya ang isa, masaya rin ang isa. Kung malungkot man ang isa, malungkot din ang isa."

"I overcome that pain and I believe na ganoon ka rin. She does not deserve your love because there is more deserving than her."

He Is My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon