Pagkakuha namin ng inumin namin ay lumabas na kami ng mall at dumiretso sa parking lot.
Tinapon ko ang lalagyanan ng juice sa basurahan bago sumakay sa kotse.
"Nabitin ako sa totoo lang."
Pinatong ni Steaven ang wintermelon milktea niya sa gilid niya. "Kung gusto mo next week ulit, eh." Pinaandar na niya ang kotse.
"Ay, sige."
Thirty minutes din kaming bumiyahe bago pumasok sa isang subdivision. Napabangon ako dahil pataas ang lugar na ito kaya kitang-kita ang buong syudad.
"Wow!" Binuksan niya ang bintana at nakalanghap ako ng sariwang hangin. "Omona! Waaah!" Tumingin ako kay Steaven na nakangiti. "Steaven-sshi! Neoneun jinjja daebak!!!" [Steaven! You're the best!] Tumingin ulit ako sa bintana ko. "Ang ganda naman ng view dito!" Talagang nilibot ko ng tingin ang kahit anong nadadaanan ng kotse. Puro mga puno lang na pataas nang pataas ang lugar na ikinasariwa ng hangin. Tumigil kami sa tingin ko'y pinakatuktok na ng lugar na ito. "Nasa dulo na ba tayo? Ang taas na nito, oh." Bumaba kami. "Wow! This is so cool, mehn!"
"What did you say?"
Naiiyak ako sa ganda ng paligid. Kitang-kita ko ang mga nasa baba tapos hindi na masyadong mainit at malakas na hangin ang dumadapo sa balat ko.
"Omo, kitang-kita nga dito ang araw, oh!" Tinuro ko sa kanya kung saan nakaposisyon ang araw pero kinukuhanan na niya ako ng picture gamit ang DSLR niya.
Agad akong nag-peace sign sa camera na ikinatawa niya habang kinunan ako.
Habang lumalapit siya sa akin ay nakatingin siya sa camera. "Ang ganda." Narinig kong sambit niya. Bago pa siya tumingin sa akin ay tumingin na ako sa harap ko. First time kong marinig sa kanya iyon. "Did you like it?"
Sinagot ko siya nang hindi tumitingin sa kanya. "Sobra." Kinuhanan niya ng litrato ang araw na nakatutok sa amin. "Paano mo naman na-discover itong lugar na 'to?"
"Dito kami tumatambay nina Travis at nang iba pa no'ng high school kami lalo na kapag gabi." Tumingin siya sa akin. "You will be more amazed if you're here at night. Stars are very bright in here."
"This is the perfect place to unwind." I looked around kahit sa likod ko. Nakakamangha naman itong lugar na 'to. "This place gives me a feeling of somewhat joyf--" I looked at him whose taking photos of me again. He smiled at me after. "Huwag ka magtataka kung masira 'yang DSLR mo, ah."
"Masira dahil sa sobrang kagandahan mo."
"Talaga ba?" Tumango siya habang nakangiti. Aba, seryoso siya, ah. Eeeeeeeh! "Iba pala epekto ng wintermelon sa iyo, ah? Mabili nga kita no'n araw-araw."
BINABASA MO ANG
He Is My Man
SpiritualShe fell in love with him and then suddenly nagtapat siya na attracted siya sa lalaki for heaven's sake! May magagawa pa ba siya to change him into a man who should be attracted to a woman? Melody Nicole cannot bear the thought of the man she love b...