Nagkibit-balikat ako. "I don't know."
Kumunot ang noo niya. "Why?"
"Because.. I'm still attracted to women. You don't see me speaking like a girl, I'm not wearing girl's clothes and I still act what a man does." Tumango-tango siya. "Not because I need to pretend but because that's a natural thing to do for me. But if you would ask me who's more gay sa aming dalawa, si Nigel 'yun."
"I just wonder how you treat each other as lovers, I mean, pareho kayong guy and hindi ba awkward 'yun on how you will show affection to each other?"
Natawa ako. "That's kinda awkward for me, too. Pero sa amin ni Nigel, holding hands lang kami."
"Even in public?"
"Minsan. Kapag sure kami na walang nakakakilala sa amin."
"Jinjjaro.." [Really..] Parang hindi siya makapaniwala sa naririnig niya. She seems startled having her mouth slightly opened na parang bago sa pandinig niya ang mga naririnig niya. Natutuwa tuloy ako sa reaksyon niya.
"Hindi pa nga kami nagki-kiss, eh."
"Ya." Agad-agad niyang sabi sabay glare sa akin.
Natawa ako nang marahan. "Bakit?"
"Hindi ko naman tinatanong kung ginawa niyo na 'yun." Sabay-iwas ng tingin.
"Hindi ko rin naman kasi kayang gawin."
"Eh, paano kung dumating 'yung oras?"
"Kahit naman dumating ang araw na iyon, hindi ko pa rin gagawin. Like what happened last week." Tumingin siya sa akin at gano'n din ako. "It was almost. But I refused. I just.." Ako na ang umiwas ng tingin. "can't do it."
"Hindi ba siya nagtampo sa iyo?"
"Naintindihan niya naman."
Kumunot ang noo niya. "Parang malabo namang hindi mangyari iyon. Baka hindi kayo magtagal kapag you'll just keep on refusing."
Napailing na lang ako sa hangin. "I don't know. I'm still kinda lost to this kind of relationship, no idea of what will happen to the both of us."
Melody's POV
Hindi na lang ako umimik sa huling sinabi niya. Mahirap nga ang pinasok niyang uri ng relasyon. Lalo na't patago at hindi pa alam ng mga taong malalapit sa kanila.
Napahikab ako. "Mukhang dinadalaw ka na ng antok." Sabi niya.
Ngumiti ako at tiningnan siya habang nag-uunat ako. "Oo nga, eh."
"Tulog na tayo."
Tumayo ako at gano'n din siya. Lumabas kami ng terrace at hinatid niya ako sa pinto ng kwarto ko.
"Good night." Sabi niya.
"Good night din." Umalis na siya at dumiretso sa kwarto niya.
Pagkagising ko ay wala na siya. Maaga raw umalis dahil may aasikasuhin sabi ni Mama.
Ano namang aasikasuhin no'n? Ah, baka 'yung OJT niya.
"Melody, gusto mo bang mag-part time? Hiring sa Lunes ng office staff sa munisipyo. Summer job, anak."
"Talaga po? Sige, Ma, mag-aapply ako sa Lunes."
BINABASA MO ANG
He Is My Man
SpiritualShe fell in love with him and then suddenly nagtapat siya na attracted siya sa lalaki for heaven's sake! May magagawa pa ba siya to change him into a man who should be attracted to a woman? Melody Nicole cannot bear the thought of the man she love b...