Pasensya sa late update! 3 days na akong nilalagnat at ngayon lang ako nagkaroon ng lakas para mag-type.
Enjoy reading!
"Galing kang school?"
"Nope. Sa bahay ako galing." Tinanggal niya ang bag na backpack at umupo sa tabi ko.
"O. Bakit may dala kang bag?"
"Dito ako matutulog."
Luh.
"Seryoso ka?"
"Oo." Biglaan is real. "Nasaan si Carlos?"
"Nasa court kasama si Pancho. Teka, teka! naguguluhan ako." Hinarap ko siya. "Dito ka matutulog? 'Di nga?"
"Oo nga." Tumawa siya. Gwash ng smile! "Wala akong kasama sa bahay ngayong gabi that's why Tita Linda told me na dito ako matulog tonight. Alam mo naman sina Mom and Dad pumunta sa Korea dahil sa business tsaka anniversary din nila kaya doon na sila nag-celebrate."
"A-ah."
"Pinapasunod nga nila ako, eh, ayoko naman dahil maiiwan si Nigel."
Pumasok si Mama galing labas. "Ma, saan matutulog si Steaven?"
"Ay, oo nga pala. Sa kwarto ng Papa mo siya patulugin. Steaven, sumunod ka kay Melody at ihahatid ka niya sa kwarto ng Tito Athenew mo."
Umakyat kami at dinala siya sa room ni Papa. Pagkabukas ko ng pinto ay binuksan ko ang ilaw. Malinis at maayos ang kwarto. Bagong palit ang mga unan at kobrekama.
Pumasok siya at nilapag niya sa kama ang bag niya at umupo habang ako nama'y nasa pintuan lang at nakasandal ang kaliwang braso sa gilid. "Simula nang mawala si Papa ay ginawa na lang namin itong guest room." Sambit ko habang iniikot ko ng tingin ang buong kwarto.
"Kung buhay lang si Tito, he would be very proud seeing his children growing up with a good heart. Lalo ka na."
BINABASA MO ANG
He Is My Man
SpiritualShe fell in love with him and then suddenly nagtapat siya na attracted siya sa lalaki for heaven's sake! May magagawa pa ba siya to change him into a man who should be attracted to a woman? Melody Nicole cannot bear the thought of the man she love b...