Pfft! Wahaha! Ayoko na tumawa! Ang sakit na ng tiyan ko to think na napahataw pa ako sa table namin.
Kaya lang, nakalimutan ko na may mga iba pa pala kaming kasama dito. Napatigil tuloy ako sa pagtawa at napansin kong marami ang nakatingin sa amin. Dagdag mo pa ang tahimik na paligid. Napatingin tuloy kami ni Melody sa isa't-isa. Oh, man.
Kalauna'y nag-sorry si Melody at nagpeace sign pa ito habang ako nama'y napayuko na lang nang marahan para humingi rin ng pasensya. I can see myself that I am not coming back here again. So embarassing!
--
Matapos naming kumain ay hinatid ko na si Melody sa bahay nila and we're here.
"Thank you, ha?" She said while removing her seatbelt.
"Wala iyon." She's gonna open the car's door but I stopped her. Gusto ko ring magpasalamat sa kanya. "Thank you rin dahil sinamahan mo ako tonight."
"Y-you're welcome. I'll go ahead, mag-ingat ka sa pagdadrive ha?"
I smiled. "Yes, I will. Pumunta ka bukas ha? Huwag kang mawawala doon, may ipapakilala ako sa iyo."
"Oo naman, darating ako." Tuluyan na niyang binuksan ang pinto pero may sinabi siya ulit. "You know what? You are full of surprises." Agad siyang bumaba ng sasakyan.
Natawa ako sa sinabi niya. Natumbok niya iyon, ah. Nagpabebe wave muna ako bago ko paandarin ulit ang sasakyan. Haay. Melody, Melody.
Habang paalis ako ng village nina Melody ay nakaramdam ako ng excitement. Ibibigay ko kasi mismo ngayong gabi ang high heels na binili ko para sa babaeng pinakamamahal ko. I smiled to the thought of her reaction once na binigay ko iyon sa kanya. I hope she'll like it.
After 20 minutes ay nakarating din ako sa bahay nila. Kinuha ko sa likod 'yung paper bag na pinaglalagyan ng high heels saka ako bumaba.
Tumikhim ako bago ko pindutin ang doorbell. I waited for a while. Wala atang nakarinig kaya pinindot ko ulit ang doorbell. Then, I heard footsteps in a way na tumatakbo.
"Teka!" Sigaw niya. "Sino kaya iyon? Gabi na, ah?" Napangiti ako ng marinig ko ang boses niya.
Inayos ko ang suot kong damit. "Sino iyo--" Naputol ang sasabihin niya nang buksan niya ang pinto. She was in shock when she saw me standing in front of the door.
"Hi. Good evening, my chosarang." I smiled widely.
"Steaven!" Gulat na sabi niya at saka ako niyakap ng mahigpit. Muntik pa nga akong ma-out of balance. Namiss niya ata ako ng sobra. Well, so am I.
Nabitawan ko ang paper bag nang yakapin ko rin siya nang napakahigpit. "I missed you, Blair."
"I missed you more. Nagulat naman ako. Sana man lang tinext mo ako para nakapaghanda ako."
BINABASA MO ANG
He Is My Man
SpiritualShe fell in love with him and then suddenly nagtapat siya na attracted siya sa lalaki for heaven's sake! May magagawa pa ba siya to change him into a man who should be attracted to a woman? Melody Nicole cannot bear the thought of the man she love b...