HIMM 19

172 6 4
                                    


From the rising of the sun
To where it sets
I will give You praise

Nagising ako sa alarm ng cellphone ko. Aaargh. Inaantok pa ako.

And in every circumstance
You are good
So I will give you praise

Kinuha ko ang cellphone ko nang hindi tumitingin at pinatay ito. Kailangan kong gumising. Nag-inat ako habang nakahiga. 6am na ng umaga. Ang hirap bumagon. Aargh.

Lumabas ako ng kwarto. Pagkababa ko nakita ko silang tatlo. Ang aga nila naman nilang nagising.

"Good morning." I stretched my arms and yawned. What a morning day.

"Good morning, darling. Samahan mo na kaming mag-almusal dito." Sabi ni Madear na may dalang plato at inilagay iyon sa mesa.

Umupo ako. "Good morning, Ate." Bati ni Pancho.

Ngumiti ako sa kanya habang siya'y kumakain at medyo pinisil ang kanyang pisnging mataba.


Kailangan naming gumising nang maaga dahil pupuntahan kasi namin ngayon ang puntod ni Papa.

--

Nakarating na kami sa puntod ni Papa. Kami pa lang ang nandito. Early birds kami, e. Dala-dala ko ang bulaklak habang hawak naman ni Mama ang kandila.

"Hello, Hon. It's been a long time. Miss na miss ka na namin ng mga anak mo." Sinindihan ni Mama ang kandila at nilapag ko ang bulaklak. Umupo kaming lahat.

"Tama po si Mama. Miss na miss na namin kayo." Niyakap ko si Mama nang patagilid ganoon din sina Miguel at Pancho. Parang iiyak siya at ganoon din ako.

Kinausap lang namin si Papa at kinamusta ang isa't-isa. Kinuwento namin ang mga nangyayari sa buhay namin. Si Madear, naging supervisor na sa pinagtatrabahuhan niya, Tita Kathy promoted her. Si Miguel naman ay Top 3 sa klase niya. Si Pancho naman, best in English. Ako naman kasama sa Dean's list. Scholar kasi ako.

Dalawang oras din naming sinamahan si Papa. Walang tigil ang kwentuhan namin habang nag-pipicnic na rin kasama ang namayapa naming ama.

--


Steaven's POV

I stopped the car. Bumaba ako at tiningnan sa malayo ang lawa. Huminga ako nang malalim bago ako nagtungo doon.

Habang naglalakad ako ay bumabalik na naman ang sakit at pighati na naramdaman ko nang mawala siya, 'yung mga oras na nabalitaan ko ang balitang nasusunog ang GAZE airport at malamang nandoon sila. 'Yung mga oras na malaman ko na natagpuan na si Blair pero wala na siyang buhay. Ang hirap tanggapin. Akala ko siya na ang ang makakasama ko hanggang sa pagtanda ko.

Pero nagkamali ako.

Narating ko ang lawa at tiningnan ang buong paligid. Napakatahimik at payapa rito. Kaya gustong-gusto dito ni Blair, she likes here because this place gives her peace of mind.

I closed my eyes and a tear fell. I remember everything.

We're here holding our hands while sitting on the grass. Tahimik lang kaming dalawa habang tinitingnan ang malinis na lawa. You can even look at there to see your reflection. Mukhang nakikisama ang panahon dahil sa katamtaman lamang ito.

He Is My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon