HIMM 11

288 6 3
                                    


Jannessa's POV

"Ma! Pupunta lang po ako kina Melody! Bye!" Sigaw ko habang nagmamadali. Nandito ang Mama at ang Papa. Kagagaling lang nila ng New Zealand for their chocolate business.

Speaking of chocolate, bumalik ulit ako sa loob ng bahay at kumuha ng iba't-ibang chocolates para bigyan sina Tita Erlinda. Siguradong matutuwa sila dahil bagong gawa at bagong labas lang ang mga tsokolate na ibibigay ko sa kanila.

Agad-agad akong umalis para puntahan si Melody sa bahay nila. Ano kayang nangyari doon? Kinabahan tuloy ako.

Pagkarating ko sa kanila ay bigla niya akong niyakap kaya nagulat ako. Hanggang sa unti-unti kong na-realize na umiiyak pala siya. "Sshh. Tama na. Pumasok muna tayo sa loob." Pumasok kami sa loob at umupo sa sofa. Patuloy ang pag-iyak niya. Ano bang nangyari? Nasaan sina Tita Erlinda?

"Bakit ka ba umiiyak? Come on, tell me." Grabe ang iyak niya. Ngayon ko lang nakita si Melody na umiiyak ng ganito. Naaawa ako sa kanya. Ano ba kasing dahilan ng pag-iyak niya?!

"M-May g-girlfriend na si Steaven." Paputol-putol niyang sabi at humihikbi pa siya na para bang hindi makahinga.

"G-girlfriend?! S-sino?" May girlfriend na si Steaven? Sabi ko na nga ba, e. Saan naman niya nalaman iyan?

"Si Blair. Si Blair Ocumen ang girlfriend niya." Sagot niya habang pinupunasan ang kanyang mga luha.

"Ano?! Si Blair?!" Oh, my God! Napatakip ako sa bibig ko. Hindi ako makapaniwala. Lahat ng pagdududa ko at pag-iisip ay totoo pala. Gosh! Siguro si Blair talaga ang kausap ni Steaven noong mga araw na nahimatay si Melody. Sabi ko na nga ba, e!

Hinawakan ko ang mga kamay ni Melody. "Tama na. Huwag ka na umiyak, please." Kasalanan ko rin ito. Ako rin ang nagpaasa sa kanya na parang may gusto rin si Steaven sa kanya. Nakokonsensya tuloy ako.

Napakamot ako sa ulo ko. "Kasalanan ko ito, e. Dapat hindi ko sinabi sa iyo na parang may chance na maging kayo. Sorry talaga, Sish. Umasa ka tuloy." Napakamot ulit ako sa ulo ko. Nakakainis!

Umiling-iling siya. "No, it's not your fault. Pinili kong umasa kaya wala kang kasalanan." Pinunasan niya ulit ang mga luha niya.

"Paano mo nalaman?" Tanong ko. Hindi talaga nararapat na ako ang magsabi ng nakita ko tungkol kina Steaven at Blair dahil gumawa ng paraan ang pagkakataon para si Melody ang mismong makaalam nito.

"Last night. Invited kami ni Carlos sa birthday ni Tita Kathy at saktong doon niya ipinakilala si Blair. Sana pala hindi na lang ako pumunta para hindi ko nakita kung paano winelcome nina Tita Kathy at Tito Federico si Blair." Umiyak na naman siya ng todo.

He Is My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon