Nagmano ako kay Madear nang makapasok ako ng bahay. Kagagaling ko lang ng university.
"Hello, Anak. Kamusta ang school?" Masayang tanong niya sa akin.
I smiled at her lazily. "Okay lang po. Sige po, Ma. Akyat na po ako sa taas."
"Okay ka lang ba?" Hinawakan niya ang aking balikat para alamin kung maayos ako.
"Opo, Madear, medyo napagod lang po ako sa byahe."
"Magpahinga ka saglit. Tawagin na lang kita kapag kakain na tayo ng hapunan." Dumiretso na ako papuntang hagdanan.
Nang makapasok ako sa kwarto ay hinagis ko sa kama ang bag ko at umupo ako. Huminga ako nang malalim.
Haay. Nakakawalang-gana ngayong araw. Dagdag mo pa 'yung nangyayari kay Steaven ngayon. 3/4 siya ang dahilan kung bakit ako matamlay ngayon at ang 1/4 ay sa mga iniintindi ko sa school.
Ilang araw ang nakakalipas at may napapansin akong kakaiba kay Steaven. Paanong kakaiba?
Katulad nang medyo tahimik siya kapag sabay-sabay kaming apat na nag-lulunch. Hindi naman sumasabay si Nigel sa amin dahil hindi naman siya nag-lulunch sa canteen. Hinihintay pa naman siya ni Gabriel.
Pansin kong lagi siyang nagtetext. Lagi niyang hawak ang phone niya. Minsan nga parang hindi namin siya kasama. Kulang na lang sabihin ko na, 'Ya! Steaven! You know what? You are physically present but mentally absent!' Kaya lang syempre hindi ko sinabi iyon, baka magalit pa siya.
Oo, minsan maayos naman kapag magkasama kami. Pero parang may tinatago kasi siya, e. Hindi siya 'yung tipong palangiti at lagi akong binibiro slash inaasar. Parang mas naging seryoso siya. Naalala ko na naman ang nangyari kanina.
Tinanong ko kasi siya kanina. Lunch break iyon, sina Jannessa at Gabriel ang kumuha ng order naming apat.
Habang hinihintay namin sila, hindi kami nag-iimikan. Nakakaramdam na rin kasi ako na parang may iba sa kanya. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng awkwardness sa aming dalawa. Ako lang ba ang nakakaramdam nito o maging siya rin?
Nakatingin siya sa may school ground habang ako'y pinagmamasdan siya. Pinag-iisipan ko pa nga kung tatanungin ko ba siya o hindi.
Kaya lang hindi ko matiis ang awkwardness na nararamdaman ko. Dahil nga sa tahimik kami ay ako na ang nagpasimula ng pag-uusap.
"Steaven." Tumingin siya sa akin.
"Hmm? Bakit?" He smiled a little bit.
"Okay ka lang ba?"
"Oo naman. Bakit mo naman naitanong iyan?" Sabi niya. Medyo nakita ko na hindi siya komportable sa sagot niya. Parang may tinatago talaga siya e!
BINABASA MO ANG
He Is My Man
SpiritualShe fell in love with him and then suddenly nagtapat siya na attracted siya sa lalaki for heaven's sake! May magagawa pa ba siya to change him into a man who should be attracted to a woman? Melody Nicole cannot bear the thought of the man she love b...