Boom! I had a work training yesterday that's why I forgot to update! Mian :( Enjoy reading tho :)
Pagkadating namin sa bagong hotel nila ay binigay na lang ni Steaven sa isang Valet Parking Attendant ang susi ng kanyang kotse at dumiretso kami sa kung saan nasaan sina Madear.
"Ang ganda." Sabi ko habang tumitingin sa paligid.
Pumasok kami sa isang restaurant at nakita ko sina Mama.
"Mama!" Niyakap ko siya. "Na-miss kita." Ang yakap na kinailangan ko kagabi ay ngayon ko lang naramdaman.
"Okay lang ba si Ate?" Narinig kong bulong ni Pancho sa Kuya Carlos niya.
Kumalas na agad ako kay Madear dahil naiiyak ako.
"May sakit ka? Medyo mainit ka." Hinawakan niya ang pisngi ko.
"Binat lang, Ma. Uminom na po ako ng gamot."
"Dapat nga po hindi na kami pupunta kasi mas mainit siya kanina. Eh," Tumingin siya sa akin. "Kaya naman daw po niya kaya hinayaan ko na lang."
"Gano'n ba? Naku, Steaven, salamat nang marami, ha?"
"Wala pong anuman, Tita Linda. Basta para kay Melody."
Napatingin ako kay Steaven na binigyan ako ng isang ngiti na para bang chini-cheer up ako.
Basta para sa akin? Nagmamalasakit lang siya, Melody. Kaibigan ka niya kaya walang ibang meaning iyon.
"Ate, maka-miss ka naman kay Mama parang ilang taon kayong hindi nagkita, ah?"
"Na-miss din kita, Carlos." Sagot ko sa medyo pang-aasar niya. "Ikaw din, Pancho." Hinawakan ko ang pisngi niya at niyakap niya ako.
"Nandito na pala sila, Hon." Napatingin kami ni Steaven sa likod namin. Sina Tito Federico at Tita Kathy. "Melody, I missed you!" Ako naman ang niyakap ni Tita Kathy. "Ang tagal kitang hindi nakita. Kamusta ka na?"
"Eto po. Kakatapos lang po mag-summer job sa munisipyo. Hello po, Tito." Binati ko ng halik sa pisngi si Tito Federico.
"Napakasipag talaga ng anak mo, Erlinda. Tara, let's have a seat. Nag-order na kami ng pagkain, hintayin na lang natin." Pagkaupo namin ay may tinanong si Tito Federico. "So, how was it? First time mong magtrabaho 'di ba?"
BINABASA MO ANG
He Is My Man
EspiritualShe fell in love with him and then suddenly nagtapat siya na attracted siya sa lalaki for heaven's sake! May magagawa pa ba siya to change him into a man who should be attracted to a woman? Melody Nicole cannot bear the thought of the man she love b...