HIMM 5

264 5 0
                                    


Nakatulala ako ngayon. Ang galing niya pala kumanta!

Nasa class ako ngayon. Wala akong ganang makinig sa itinuturo ng professor ko. He is discussing about Intrapersonal Communication. Buti na lang hindi niya ako napapansin. Nasa likod kasi ako nakaupo e. Tumingin ako sa mga classmates ko. Psh, parang sila rin hindi pa nakaget-over doon sa program kanina. Lutang ang mga classmates ko.

Same with me. Awtomatikong pumasok sa isipan ko ang mga nangyari kanina. How the crowd was going on, how the performance made us enjoy and the most important na hindi ko makakalimutan, the way he sang the song.

--

Program Day

Haay! Ang saya ng Tuesday ko! Nakasama ko si Jannessa. Daldalan to the max, nag-marathon movies, kumain ng kumain ng mga desserts, ang dami naming ginawa! Sana ganito na lang palagi pero hindi e.

And we are here at the university. Sabay kaming pumasok ni Jannessa. Na-late pa nga kami ng gising dahil napuyat kami kakapanuod ng movies kagabi.

Pagkapasok namin, bumungad sa amin ang mga malalaking banner na nakasabit tulad ng "Happy 40th anniversary", "Enjoy the program, Students" at iba pa. May program pala the next day after ng anniversary.

We went to the venue. Ang dami nang tao. Ang daya.

"Ang boshi ko, Sish! Ngayon ko lang naalala, 6 a.m. ang start ng program. Sarrey!" Nag-peace sign pa si Jannessa.

"Aish. E, anong oras na, 7 a.m. na, e." I looked at my watch.

We are all standing. Wala man lang upuan. Ang saya naman.

"Nakakainip, ha?! Kanina pa tayo dito pero hindi pa nagsisimula! Nakakasira naman ng ganda, e!" Sabi ng babaeng malapit sa amin.

Nakikinig kaming dalawa nang tinapik niya ako nang medyo malakas. Ano ba iyon? "Ang swerte pala natin, Sish! Buti na lang nahuli tayo. Hihi!" Abot-tenga ang ngiti ni Jannessa. Mabuti nga kung ganoon. Kung hindi, umuwi na ako.

"Sorry for the waiting students. We will start right now." Paumanhin ng announcer na may hawak na papel.

"Haay, salamat!"

"After 10 years.."

"Dapat lang aba!"

Reklamo ng mga estudyante.

"I hope you will enjoy the program and let us celebrate the 40th anniversary of this university." The announcer continued. "But before that, let's give a round of applause for our dean of this university. Mr. Eduardo Vicente."

--

After magsalita ng aming dean, nagsimula na ang program. Sumayaw ang mga kababaihan ng Oh! by Girls' Generation. Haay. Nag-practice ba sila? Sana sumayaw na lang sila ng Huwag Kang Pabebe, ma-eenjoy ko pa iyon o kaya sana ako na lang sumayaw. Just kidding. Hehe!

He Is My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon