Melody's POV
Pagkapasok ko ng gate ay nakita ko sina Mama at Carlos na nagtatanim ng halaman.
"Oh anak, nandyan ka na pala." Nagmano ako at pumasok ng bahay.
"Anong problema nun?" Rinig kong sabi ni Carlos.
"Ewan ko."
Pagkapasok ko ng kwarto ko ay humiga ako.
Kamusta na kaya siya?
Maya-maya'y bumukas nang marahan ang pinto.
"Ate?" Si Pancho. Lumapit siya sa akin "Hindi mo ako pinansin kanina." Malungkot nyang sabi.
"Ay, sorry. Napagod kasi ako eh. Hindi kita nakita." Niyakap ko sya at hinalikan sa cheeks.
"Miss ko na si Kuya Steaven."
"Ah.. busy lang din sa Kuya Steaven mo sa school. Hayaan mo, kapag may free time maglalaro tayo kasama sya."
"Talaga?! Yeys!" Tuwang tuwa nyang sabi at saka umalis.
Hays. Hindi ko alam kung kailan yung free time na 'yun, Pancho.
Lead me to the cross
where Your love poured out
May nagtext.From Mushie:
Nakauwi ka ba nang maayos?
Agad kong pinatong ang phone ko sa kama. Ngayon lang siya nagtext magmula noong huling pag-uusap namin. Matutulog na nga lang ako.
Wala akong pasok kinabukasan. Ano bang pwedeng gawin?
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.
Ay.
Pagupit kaya ako? Bigla akong natuwa.
Salon
"Melody! Kamusta ka na? What can I do for you?" Bungad sa akin ni Hol.
Ngumiti ako. "Ayos naman, ikaw kamusta?"
"Same as you, girl."
"Paki-bawasan nang kaunti 'yung hair ko, masyado nang mahaba, eh."
"Masusunod. Umupo ka na." Ngiting sabi niya.
After 30 minutes...
Waah. Is this me?
"Speechless ka 'no?" Sabi ni Hol.
"Thanks!"
Nagbayad ako sa cashier at saka lumabas ng salon nang maganda. Hahaha!
Syempre, lulubusin ko na ang pamamasyal. Bumili ako ng accessories especially sa bago kong hairstyle and bumili na rin ako ng frappe. Habang hinihintay ko ang sa akin ay nahagip ng mata ko si Nigel. Anong ginagawa niya rito?
BINABASA MO ANG
He Is My Man
SpiritualShe fell in love with him and then suddenly nagtapat siya na attracted siya sa lalaki for heaven's sake! May magagawa pa ba siya to change him into a man who should be attracted to a woman? Melody Nicole cannot bear the thought of the man she love b...