Melody's POV
This may seem uncertain but I'll do it.
Mushie calling...
"Oh, napatawag ka?"
"Available ka ba tomorrow night?"
"Tomorrow night?" Tumingin ako sa dalawa. "Bakit, anong meron?"
"Birthday kasi ni Nigel. He's inviting you.. pati na rin sina Jannessa at Gabriel."
"S-sure. We'll be there."
"I'll just text the place and time."
"Okay."
He ended the call.
"Birthday ni Nigel bukas." Sabi ko.
Nagtinginan silang dalawa.
"And we're invited.. tayong tatlo."
"Saan daw?" Tanong ni Gabriel.
Biglang nag-beep 'yung phone ko.
From Mushie:
Sa Lightgold Hotel. 7pm. Wear black formal attire. :)
Pinabasa ko na lang sa kanila dahil kinakabahan ako sa susunod na mangyayari.
"Anong gagawin natin?" Tanong ko.
"We'll go." Kaswal na sabi ni Gabriel.
"And you have to be 'more' beautiful." Dugtong ni Jannessa.
Pagkatapos ng klase namin ay dumiretso kami sa malapit na mall at bumili ng mga damit namin. Sina Jannessa at Gabriel ang pumili ng isusuot ko.
"Suot mo 'to." Sabi ni Gabriel habang inaabot ito na may hanger pa.
"Tube? Baka ako lang ang nakasuot ng ganyan?"
"Lodie, I've been to Lightgold Hotel, and sophisticated kung pumorma ang mga pumupunta doon kaya I'm sure this dress would suit you."
Tiningnan ko si Jannessa na tumitingin tingin din ng damit niya. Kinuha ko na lang at pumunta sa dressing room.
Ang ganda naman nito.
Nang maisuot ko na ay lumabas ako para makita nila.
"Woah!" Tiningnan ako ni Jannessa mula ulo hanggang paa, tumingin siya kay Gabriel at nag-heart shaped gamit ang dalawang kamay. Gabriel smiled. Bagay na bagay sila.
"M-may napili na kayo?" Tanong ko.
"Oo. Tara bayaran na natin." Jannessa said.
Pagkatapos namin bumili ay dumiretso kami sa mga sapatos.
"Don't tell me bibili rin tayo ng sapatos? Wala na akong pera." Sabi ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
He Is My Man
SpiritualShe fell in love with him and then suddenly nagtapat siya na attracted siya sa lalaki for heaven's sake! May magagawa pa ba siya to change him into a man who should be attracted to a woman? Melody Nicole cannot bear the thought of the man she love b...