HIMM 28

26 1 0
                                    



Ang sasarap ng pagkain! Kaya lang nakakahiyang kumain nang marami dahil hindi naman aakma sa suot ko.

Dahil masarap ang mga nakahain sa amin ay napasarap din ang naging kwentuhan naming lima.

Si Nigel lang pala ang nandito sa Pilipinas dahil ang parents niya ay busy sa kanilang negosyo sa Australia. Kaya ang mga nandito pala'y mga high school and college friends niya.

"Kahit isang relative wala kang kasama dito?" Sabi ni Jannessa habang nilalantakan ang caramel cake niya.

"Wala. 'Yung mga cousin ko kasi may kanya-kanya nang pamilya tapos malayo pa sila from here. 'Yung grandparents ko naman kasama nina Mommy sa Australia. Mag-isa nga lang ako dito, literal." Sabi niya sabay tawa.

"Mabuti hindi ka nalulungkot." Komento ni Gabriel.

"Minsan nalulungkot. Pero buti na lang nandito si Steaven, hindi ko tuloy ramdam na mag-isa ako."

Na-stock ata sa lalamunan ko 'yung konting hibla ng bulalong baka sa huling sinabi niya. Agad kong kinuha 'yung glass na may wine na kalalagay lang ng waiter.

Pagkatapos kong uminom ay naabutan kong nakatingin silang lahat sa akin. "Muntik na akong mabulunan." Sabi ko sabay ngiti. Nakakahiya!

"Kuya, pakibigyan na rin kami ng tubig. Thank you." Utos ni Gabriel sa waiter.

"Sorry." Nahihiya akong ngumiti.

"It's okay." Sabi ni Steaven.

"May boyfriend ka na ba, Melody?" Biglaang tanong ni Nigel.

"W-wala pa, eh. Hehe."

"Pero may nanliligaw sa iyo?"

"Wala rin."

"Bakit naman?"

"I need to graduate first and find a job agad, para makatulong na rin sa Mama ko."

"I see. Bibihira na lang 'yata ang ganyang tulad mo."

Dumating ang waiter na may dalang limang baso ng tubig. Kumuha ako ng isa at ininom ito.

"We're all fourth year in college in next months and we'll graduate. Kaunting tiis na lang." Pag-e-encourage ni Jannessa.

"Tama si Jannessa. Excuse me, CR lang ako." Sabi ni Steaven.

Kumuha ako ng caramel cake. "Kamusta nga pala kayo ni Steaven?" Tanong ko kay Nigel.

He Is My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon