"Mama! Andito na sila!" Sigaw ni Pancho at dumiretso sa main door para pagbuksan sila. Habang ako ay bumababa, nasilayan ko ang pagbukas ng main door at una kong nakita si Steaven na kasama sina Tito Federico at Tita Kathy.
My feet reached our first floor. They came in and sinalubong sila ni Madear. Nagmano si Pancho at Carlos habang ako nama'y napako ang tingin sa kanya. I missed him so much. I can hear something inside my chest racing so fast.
Nang nasa sala na sila ay lumapit ako at nagmano rin kina Tito at Tita. I looked at him and I smiled. Parang first time ulit ang pagkikita namin. Ngumiti siya sa akin but there was a difference. Ako lang ba ang nakakaramdam ng hiya dito o ganoon din siya?
"Mabuti naman at nakarating kayo."
"Oo naman, Linda. Gusto rin kasi namin na makasalo kayo sa hapunan." Tita Kathy said.
"Binata na ang mga hijo mo, Linda, ah? Lalo na itong si Carlos. Kamusta na kayo?" Tuwang sabi ni Tito Federico.
"Mabuti po." Ngiting sabi ni Carlos.
Madear answered with a smile on her face. "Lalo na ang iyo, Federico. Napakagwapong lalaki ni Steaven."
Lahat kami ay napatingin kay Steaven.
Sinabi mo pa, Madear.
Napangiti siya at nagmano kay Madear. "Salamat po."
"Bagay na bagay ang gwapo kong lalaki sa maganda mong babae na si Melody, Erlinda." O_O. Napatingin ako nang gulat kay Tito Federico.
Haay. Kahit kailan talaga, hindi mawawala ang pagiging maloko ni Tito Federico. Manang-mana talaga si Steaven.
"Hon." Sabi ni Tita Kathy kay Tito habang may ngiti sa kanyang mukha.
Natawa si Tito. "Just kidding. Pinapatawa ko lang kayo. Hindi kasi nag-iimikan itong dalaga at binata natin." Pansin ni Tito iyon? Nagkatinginan kami ni Steaven sa isa't-isa.
Natawa si Madear. "Puro ka talaga kalokohan, Federico. So, let's eat? Nagugutom na si Pancho ko, e." She looked at Pancho who is beside her.
"Mama naman, e." Nahihiyang sabi ni Pancho. He's so cute! Nagtawanan kaming lahat. Dumiretso kami sa dining room at masayang nagsalo-salo.
Nanalangin kami bago kumain. "Talagang niluto mo ang paborito kong putahe, ah!" Natutuwang sabi ni Tita Kathy.
"Oo naman. Ako pa." Maraming niluto si Madear. Siguradong masasarapan sila sa luto ni Mama. Kaya hindi ko maiwasang kumain ng marami, e.
BINABASA MO ANG
He Is My Man
SpiritualShe fell in love with him and then suddenly nagtapat siya na attracted siya sa lalaki for heaven's sake! May magagawa pa ba siya to change him into a man who should be attracted to a woman? Melody Nicole cannot bear the thought of the man she love b...