HIMM 35

16 0 0
                                    

MERRY CHRISTMAS!!!

From Steaven:

Darating ako dyan after lunch. 1pm?

To Steaven:

Copy. Saan tayo pupunta?

From Steaven:

Sa Mall. Then kapag may time pa, let's wait the sunset to go down. May alam ako na lugar, you'll surely love it :D

To Steaven:

Sigeeee!

Sabi na, eh. Gusto lang ng may makakasama ito. Naghanap ako nang maisusuot bukas.

Hmm, kung mag-mo-mall lang pala, edi t-shirt na lang at pantalon. Balak ko sana mag-dress kaso huwag na.

Tiningnan ko isa-isa ang mga nakasampay na pang-alis sa cabinet ko.

Ah, eto na lang. Grey and pink na v-neck. Sinuot ko ito. Hmm, kailangan kong magsuot ng tube na black.

Hinubad ko iyon, nilapag sa kama at hinanap ko 'yung tube ko. Then naghanap naman ako ng pambaba. Nakita ko 'yung black pants ko na hanggang tuhod. Ito na lang kaya?

V-neck na grey pink, black pants na tokong then 'yung brown ko na doll shoes.

I'm done!

Tiningnan ko naman ang sarili ko sa salamin. Tinali ko ang buhok ko gamit ang kamay ko at inayos ang side bangs ko. Sige, magtatali ako bukas.

Naghanap ako ng tali sa buhok, hinanda ang make-up kit at nilabas ang mga pwede kong gamitin para bukas. Foundation, concealer, pang-kilay at sa pilik mata, blush on, lipstick and eye-shadow.

Tamang lagay lang ng make-up ang ilalagay ko bukas para lang masabi na ayos-mukha. Hahaha!

--

"Saan mo gustong kumain?"

"Ikaw na bahala."

"Aba, mahina ka na yata kumain?"

"Hmm, hindi naman siguro. Gusto ko 'yung mga merienda lang."

"Meron dito. Dito na lang ulit?" Tinuro niya 'yung Banapple.

"Tara."

Binuksan niya ang pinto at pinauna akong makapasok. Dumiretso ako sa pandalawahan na upuan at gano'n din siya.

Tiningnan namin ang menu na nasa table. "Anong gusto mo? Libre ko."

"Ang sarap sa ears." Ngumiti siya. Ang simple lang ng porma niya ngayon. Nakamaong lang siya na shorts, polo shirt na white and rubber shoes. Tapos nakabagsak lang ang buhok niya na minsanan ko lang kung makita sa kanya. "Subukan ko 'yung carbonara nila tsaka gusto ko ng dessert ikaw na bahala kung ano."

"Welcome to Banapple, Ma'm and Sir. What's your order?"

"We'll have the carbonara, lasagna roll-up and two Whicho Teramisu."

He Is My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon