HIMM 25

81 1 0
                                    




"W-what are you talking about?"


"A-are you gay?" tanong ko ulit sa kanya.


"A-ano bang pinagsasasabi m--?"


"Just answer me, Steaven!" Konting pasensya kong sabi.


He just looked at me without saying a word. Pagtataka at pagkagulat ang makikita sa mukha niya. Nararamdaman kong umiinit na ang mata ko.


"Nakita namin kayo ni Nigel. Magkahawak kamay habang papasok sa mall. Anong ibig sabihin no'n?"


"Sinundan niyo kami?"


Napahawak siya sa ulo niya gamit ang kanang kamay habang ang kaliwang kamay ay nakahawak sa bewang niya. Para bang napakalaki nang problema niya, well it is.


"Si Nigel ba ang tinutukoy mo when you asked me sa kotse? Tapatin mo ako, Steaven. Tell me. W-what's going on between the two of y--"


"Yes. K-kami nga." He answered while looking at me. "Me and Nigel were in a relationship." Bakit hindi ko nahalata iyon? Napahawak ako sa bibig ko buhat nang pagkagulat ko sa naging sagot niya. I can't believe this. He's a gay. Wala akong nasabi, wala akong nagawa at hindi ko alam ang itutugon ko sa kanya. Bigla niya akong hinawakan sa magkabilang braso ko at tumingin sa mata ko nang may pagmamakaawa. "Please don't tell this to anyone. Lalo na kay Mom and Dad, plea--"


"Hindi lang ako ang nakakita sa inyong dalawa, kasama ko sina Jannessa at Gabriel." Napamaang siya sa sinabi ko. "Bakit? Bakit siya pa? B-bakit lalaki pa, Steaven?" Unti-unti siyang bumitaw sa braso ko at napayuko nang marahan. "Sa dinami-rami ng mga babaeng nagkakandarapa sa iyo, bakit hindi na lang isa sa kanila?"


"Because he was there when I was at my lowest point."


W-what? Doon na tumulo ang luha ko. Ako ba hindi?


"And how about me? Hindi ba isa ako sa mga nasa tabi mo?" Pinunasan ko ang luha ko gamit ang likod ng kamay ko. "Wasn't I the one who was there for you when you were down? Wasn't I appreciated?"


"Nigel was my bestfriend before you came, Melody."


"So, you're telling me that I'm not?"


"No! That's not what I mea--"


"B-bakit hindi mo sinabi sa amin noong pinakilala mo siya sa amin? I thought you were just classmates." Gulat kong sabi. Again, he just looked at me, no words to say. "You lied to me." Tinalikuran ko siya pero hinabol niya ako.


He Is My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon