HIMM 12

264 5 2
                                    


Tulala akong naglalakad sa village namin. Malapit na rin ako sa bahay. Kung makakasalubong mo ako, para akong namatayan. Oo, namatayan ako. Namatayan ng puso.

Kahit wala na akong lakas dahil sa sobrang sakit at lungkot na nararamdaman ko ngayon, nagawa ko pa ring makauwi ng ligtas. Alam kong sa kabila ng kahinaang nararamdaman ko ngayon ay binibigyan pa rin ako ng Panginoon ng lakas at nagpapasalamat ako sa Kanya dahil hindi niya ako iniiwanan.

Napatigil ako. Nandito na pala ako sa harapan ng gate namin. Suminghot ako bago ko pinunasan ang mukha kong may mga bahid ng tuyot na mga luha. Mabuti na lamang at nagsitigil na ang mga luha kong ayaw magpaawat kanina.

Nagpalipas ako ng ilang segundo bago ako pumasok ng tuluyan. Kailangang hindi makita nina Madear na umiyak ako. Mag-aalala iyon panigurado.

Pagkapasok ko ay naghahain na pala ng mga pinggan sina Pancho, nakita ko si Mama na nagpapatuloy sa pagluluto.

"Andito na pala si Ate. Tamang-tama, Kanina pa ako nagugutom." Sabi ni Carlos habang nilalagay ang kanin sa mesa.

Napatingin silang lahat sa akin. Kahit papaano ay nagawa ko pa rin silang ngitian. Sinara ko ang main door at dumiretso sa dining area.

Nagmano ako kay Madear. Napansin kong nakatitig sa akin si Carlos. Seryoso ang mukha niya kaya ningitian ko siya.

"Anak, bakit late ka na umuwi?" Tanong ni Madear habang nilalagay ang ulam sa mesa.

Umupo kaming lahat. "Late na po kasi kami pinauwi ng professor namin. Nasermunan po ang buong klase."

Medyo napangisi si Carlos habang kumukuha ng kanin. "Parang high school lang, ah?"

"Buti hindi ka nahirapang bumiyahe pauwi. Sige na, magdasal muna tayo bago kumain. Kumain kayo ng marami ha? Masarap iyan, may halong pagmamahal ang pagluto ko dyan." Nagtawanan sina Pancho habang ako ay napangiti na lang.

--

"Goodnight, Ma." I kissed her before going to my room.

"Goodnight, anak. Matulog ka na at may pasok ka pa bukas. I love you." She kissed me and hugged me. Naiiyak ako habang niyayakap niya ako. Her hug comforts me but I should not tell her this.

"I-I love you too, Ma."

Nakapasok na sina Carlos at Pancho sa kwarto nila. Sigurado akong tulog na ang mga iyon.

Pumasok na ako sa kwarto at doon na na lamang nilabas ang kanina ko pang pinipigilan na iyak. Balak kong hindi pumasok bukas dahil ayokong makita sila. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko gusto ang mga nangyayari sa akin ngayon. Palagi na lang bang ganito? Lagi na lang ba akong iiyak?

Makalipas ang ilang minuto ay may biglang kumatok. Agad kong pinunasan ang mga mata ko.

"Ate? Gising ka pa ba?" It's Carlos. This boy has a strong sensibility. Sabi ko na nga ba, aware siya sa akin kanina.

He Is My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon