"Stop!" Bigla akong nagising at napabangon. Habol-habol ko ang hininga ko at kasalukuyang umiiyak. Ang lakas ng tibok ng puso ko. I held my chest trying to calm myself. My tears are still flowing and I can't stop crying. Patuloy pa rin ang aking paghikbi.
Huminga ako ng huminga hanggang sa bumalik ang normal heartbeat ko. Hawak-hawak ko pa rin ang aking dibdib at unti-unting nagiging kalmado.
I tried to analyze what happened. Panaginip. Isang panaginip pero parang totoo. Ngayon lang ulit ako nagising nang umiiyak dahil sa may napanaginipan akong hindi maganda. This is a nightmare. Huminga ako nang malalim at tuluyang nakahinga nang maluwag. bakit napanaginipan ko iyon? Pinunanasan ko ang aking mga luha.
I picked my cellphone to check the time. 12:01am. Monday. November 2. Halloween. Tugmang-tugma sa panahon ang panaginip ko. It was a nightmare.
Hinanap ko ang tsinelas sa ilalim ng kama. Kailangan kong uminom ng malamig na tubig dahil tuyot na tuyot ang lalamunan ko.
Napakatahimik. Tulog na talaga sina Madear dahil kung gising pa iyon, siguradong dumiretso iyon sa kwarto ko para tanungin kung bakit ako napasigaw kanina, kaso hindi.
Nakababa na ako ng tuluyan. Sobrang dilim kung kaya't binuksan ko ang ilaw. Kumuha ako ng baso at binuksan ang refrigerator. Naglagay ako ng tubig sa baso at ininom ito. Ang sarap sa pakiramdam. Nagsalin ulit ako sa baso at uminom ulit.
Pagkalagay ko nang pitsel sa ref ay umakyat na ako. Dahil sa masamang panaginip na iyon ay gising na talaga ang diwa ko. Ano kayang pwedeng gawin?
Alam ko na. I'm gonna check my facebook account instead. Pagkapasok ko ng kwarto, hinanap ko ang laptop ko. Saan ba iyon?
Nang makita ko ang laptop ko ay umupo ako sa study table ko at binuksan iyon. Bumungad sa akin ang wallpaper namin ni Steaven noong birthday ko last year. Pareho kaming may chocolate cake sa mukha at makikita mong masaya kaming nakangiti.
I logged in facebook with a smile on my face. 5 notifications. Puro likes at comment lang, mayroon din pa lang tagged photo.
Jannessa Isla tagged you in a photo.
'So boring here. I miss her.'
6 hours ago.Aaaw. Ang sweet talaga ni Jannessa. Nagcomment ako. 'Miss you more.'
Punta ako sa news feed. Scroll down, scroll down. Aish! Puro naman happy halloween ang status nila. Kung tutuusin nga, hindi naman dapat ipagdiwang iyon. Parang winelcome na rin nila ang masasamang espiritu. Aigoo.
S. Charls updated his status.
'Can't sleep. Why oh why?' - feeling confused.
3 hours ago.3 hours ago? Edi mga 9pm iyon.
Bakit kaya? I clicked the comment. Mag-tatype na ako pero bigla akong napatigil. Huwag na lang kaya? Mag-tatype ulit ako kaya lang, aish! Huwag na nga lang.I continued looking at the news feeds until I logged out and shut down my laptop. Humiga ulit ako sa kama. Haay. I picked my teddy bear and hugged it. Habang nakatingala ako sa kisame ay naiisip ko si Steaven.
Dahil sa pag-iisip mo nang ganyan kay Steaven, ayan napanaginipan mong may kahalikan siyang lalaki.
Bahagya akong napangiti nang mapaklap. Akala ko talaga totoo na.
Umayos ako ng higa para matulog na. Napakalamig sa kwarto ko kaya yakap-yakap ko ang teddy bear ko. Nakapatay pa ang ilaw.
BINABASA MO ANG
He Is My Man
SpiritualShe fell in love with him and then suddenly nagtapat siya na attracted siya sa lalaki for heaven's sake! May magagawa pa ba siya to change him into a man who should be attracted to a woman? Melody Nicole cannot bear the thought of the man she love b...