Chapter C

2.8K 27 13
                                        

  

Inaantay niya ako, hulaan ko nakita niya at bakit may hawak siyang bola?

“Sabi sa horoscope ko, lucky charm ko ang mga bilog na bagay.” Biglang sabi ni Alex, sabi ko na nga ba, magaling na Psychic talaga ‘to.

Ngumiti ko at nagsimula ng maglakad at sumunod naman siya. “At hanggang kalian mo binabalak na maging kabet, Neli?”

Napangiti na naman ako, kahit mukhang walang paki sakin si Alex, siya lang ang nakakaalam ng sikreto ko at worried na worried siya tungkol dito. Siguro?

“Ummm, ipagdasal mo nalang ako sa mga susunod na taon.”

Dis-appointment cross her face. “Mali talaga, sinisira mo relasyon nila.”

“Hindi ako ang nanira, si Dawn dahil pumayag siyang maging kabet ako.” Alam kong, hindi ko dapat sinisisi si Dawn, dahil ako talaga ang nagvolunteer, pero yun lang ang naiisip kong ipalusot kay Alex.Kung tutuusin, ako talaga ang nanira, pero may magagawa ba ako? Mahal ko si Dawn.

“Pwede ka namang gumawa nalang ng paraan na maghiwalay sila ng hindi ka nagiging kabet ah?”

Akala ko ba banal ka Alex?

Ayoko, mas gusto kong maging kabet,

Maaring masama ako sa paningin ng iba,

Pero masarap maging kabet,

Gagawa siya ng paraan para lang makita ako,

Hindi kami tinatago, Iniingatan kami, pinagdadamot sa iba,

Dun ko malalaman kung kaya ba gawin ni dawn ang lahat para lang sa akin na isang kabet.

Bigla tuloy pumasok sa isip ko yung sinabi sakin ni Dawn nung araw na naging kabet nya ako.

“Kailangan kita, alam kong hindi ka magiging akin dahil mayroon na ako pero sabihin mo mang selfish, ayokong mapunta ka sa iba, gusto ko akin ka lang…”

Sa punto na yun, naintindihan ko ibig sabihin niya nun.

Pero ang pinagtataka ko ngayon, talagang napalakas ang boses ni alex. Kaya napahinto ako sa paglalakad. “Ganun din yun, sinira ko lang relasyon nila, tsaka, I want it this way.”

Desperadang KeridaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon