Chapter 1 Prologue

41.3K 798 11
                                    

Lumaki si Audrey sa pangangalaga ng Tita Isabelle niya. Ito na ang nag alaga sa kanya magmula tatlong taong gulang siya ng mamatay ang parents ni Audrey. Pero 4 years ago umalis ang Tita niya upang makipag sapalaran sa America. Naging matandang dalaga ito at nawalan na ng panahon na makapag asawa dahil sa pagpapalaki sa kanya. Biglang namatay ang Tita Isabelle ni Audrey sa America.

Nalaman ni Mae ang bestfriend niya ang nangyari sa Tita Isabelle ni Audrey. Kinausap nito ang parents niya na kunin si Audrey bilang katulong. Ayaw din ni Mae na kung saan saan lang titira ang kaibigan niya. Alam niyang maganda ito at maraming magkaka interes dito. Pumayag ang parents ni Mae sa pagkuha kay Audrey bilang katulong, pati na ang isa pa niyang kapatid na si Michael. Isa lang ang ayaw sa mga plano ni Mae ang Kuya niyang si Noah.

Mabait ang Kuya Noah niya. Ngunit magmula ng niloko ito ng fiance niyang si Margie ay nag iba na ang personality nito. Hindi na nito siniseryoso ang mga babae at pinaglalaruan lamang nito ang damdamin nila.

Ginawan ni Mae ng paraan upang mapa oo ang Kuya niya sa pagtira ni Audrey sa kanila. Sinabi ni Mae na hindi kailangan ni Audrey na magsilbi sa Kuya niya. As much as possible off limits si Audrey pag nandiyan ang Kuya nito. Pumayag ang Kuya Noah ni Mae sa ganitong set up.

Laking tuwa ni Audrey at kahit papano mayroon siyang matitirhan pansamantala. Malaki ang utang na loob nito sa kaibigan niyang si Mae. Basta nilagay na niya sa puso't isipan nito na iiwasan niya ang Kuya ni Mae na si Noah.

Please read my story, vote and comments are greatly appreciated. Salamat.🍀🌺🎀🌸

Langit Ka Sa Akin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon