Chapter 16 The Kiss

15.8K 502 10
                                    

Noah's POV

Unti unti kong nakikilala si Audrey nitong mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung tadhana ba yun o sadyang ako na mismo ang gumagawa ng paraan para magkasama kami. Ewan ko ba kung bakit ng malaman kong magde date sana sila ni Blake ngayong linggo ayaw ko itong payagan at sinabi kong maglilinis ito sa condo ko. Which is not true dahil every Wednesday ay nililinis na ni Aling Ana yon. Si Mae, Mom at Dad ay pumayag na sanang makipag date ito. I was so furious, para lang akong jealous boyfriend na ayoko itong payagang makipag date.

Instead na sabihin din sa kanya na sa hapon na lang kami aalis dahil wala naman ng gagawin doon sa condo. Pero umalis kami ng maaga at dinala ko ito sa labas para mag lunch. Today I felt different. Masaya ako na kasama ko ito. Nandito pa rin kami sa mall at kakalabas lang ng restaurant. Nag order na ako ng pagkain at para daanan na lang namin pag oras ng pumunta ng condo.

Napadaan kami ng isang sinehan. "Gusto mong manood muna tayo ng sine? Maaga pa naman." Tanong ko ditong nakahalukipkip.

Napatingin naman ito sa akin. "Ikaw? Bahala ka. Wala namang problema." Sagot nitong malumanay sa akin. Napako ang tingin ko kay Audrey. My God! She is so beautiful. Nandito ako ngayon pumipila for our tickets.

May babaeng kumausap sa akin. "Sir, girlfriend niyo ba yun? Model ba siya o artista? Sobrang ganda naman niya." Compliment pa nito kay Audrey.

"Thank you. Hindi, hindi siya artista." Sagot ko pa.

Tahimik lang kami ng pumasok ng sinehan. Wala namang imik si Audrey. Nakita ko ito na medyo naiilang kasama ako sa loob ng sinehan habang yakap yakap naman nito ang sarili. "Hope you are comfortable in your seat. Ok ka lang ba?" Tanong ko ditong puno ng concern ang boses.

"Ok lang ako Noah. Don't worry about me." Ang maikli lang nitong sagot.

"Umusog ka kasi dito banda sa akin." Sabi ko pa sa kanya. Nakita ko namang umusog ito pero yakap yakap niya pa rin ang sarili niya. "Nilalamig ka ba? Halika nga." Inakbayan ko ito sa posisyong parang nakayakap. Kinuha ko ang kamay nito at inilagay across sa dibdib ko at mukha kaming magkayakap sa loob ng sinehan. "Audrey, it feels so good to have you in my arms." Wala itong may naisagot. Instead tumingin lang ito sa akin. Napatingin din ako sa kanya.

Ang lapit naming dalawa. Parang wala akong may ginawa para pigilan ang damdamin ko para dito. Naramdaman ko na lang ang sarili ko na hina halikan ko ito. Hinalikan ko ito ng may pag iingat. "You taste so sweet." Sabi ko pa dito. Kinagat kagat ko ang lips nito at napapaungol na ito. "Shhh... Do you like it?" Tanong ko pa dito.

"Yes." Mahinang bulong nito. I started to kiss her again. Naramdaman ko na lang na sinusunod din nito bawat galaw ng labi ko.

Para akong nalulunod sa sensasyon kasama si Audrey. "Audrey, please open your mouth for me baby." Utos ko pa dito. Sumusunod naman ito sa mga sinasabi ko. "Masaya ako ngayong araw dahil kasama kita. Hindi ko alam ang mga nangyayari at kahit ako ay nalilito din. Isa lang ang alam ko. Masaya ako ngayon at yun ang importante." Sabi ko pa dito. Mas lalo kong nilaliman ang aming halikan.

Nakahawak na ito sa mga kamay ko. "Noah!" Paimpit nitong bulong habang kagat kagat ang ibabang labi. Naramdaman ko na lang na may tumutulong luha sa mga mata ni Audrey ng halikan ko ang buong mukha nito.

"From now on. I don't want anybody to desire you. Ako lang Audrey. Ako lang ang may karapatan sayo." Bulong ko pa dito habang nilalaro ng bibig ko ang ibabang labi nito. "Masarap ba? Sabihin mo at kung hindi titigil ako." Utos ko pa sa kanya.

Tumingin ito sa akin at parang nangungusap ang mga mata. Hinawakan ako sa mukha ng isang kamay nito at banayad na hinaplos ako sa pisngi. "Noah." Ang tanging nasabi niya.

We are both lost in our emotions, in the intensity of the situation. Ang sitwasyon na kaming dalawa lang. Walang pakialam sa mundo. One thing is for sure, may kung anong magic kaming nadarama sa isa't isa. I tried to the take her hands that's touching my face. Hinalikan ko iyon with all my emotion.

"Isa lang ang gusto ko. Ang makita kang maging masaya Audrey. I admit I am a jerk when it comes to women. Pero alam kong may kakaiba akong nararamdaman sayo na hindi ko ma explain." Sabi ko pa dito na tumingala naman ito sa akin.

Nahihiya pa itong magsalita. "Thank you Noah for bringing me out today. Nakilala kita at naramdaman ko sa sarili ko na importante ako." Sagot naman nito sa akin ng pabulong.

Inihilig nito ang ulo sa dibdib ko habang hinahagod ko naman ito sa likod na parang bata. Naramdaman kong nakatulog na pala ito. Oh how I love our position. Me looking like a very protective and caring lover.

Nang natapos na ang sine. Tsaka lang nagising si Audrey. "Naku Noah, sorry at nakatulog ako." Sabi pa niyang medyo nahihiya na. "Tapos na pala. Napasarap ako ng tulog." Dagdag pa nito.

I felt like I couldn't let her go. I really can't, she felt good in my arms. "That's okay Audrey. Can we remain seated for awhile? I just wanted to cuddle you in my arms." Sabi ko pa dito. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

She also remained seated. Hugging me back. "Hmmm Noah, thank you for everything. For today. It is so special." Sabi niya na naka hug pa rin sa dibdib ko.

Sinang ayunan ko pa ang sinabi nito. "Yes babe. Today is magical. Masaya ako na kasama kita. Hindi na kung sino sinong babae ang kasama ko." Sabi ko pa sa kanya.

Parang ayasw naming maghiwalay ni Audrey pagkatapos naming manood ng sine. Yakap yakap ko pa rin ito hanggang sa lumabas kami ng sinehan. Parang ayokong matapos ang araw na magkasama kami ni Audrey.

Langit Ka Sa Akin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon