Chapter 25 The Jealous Audrey

14.8K 407 7
                                    

Third person POV

Nasaktan ang puso ni Audrey ng makita sina Noah at Margie na magkayakap. Nagpaalam muna ito sandali kay Aling Ana at Gina na mag restroom lang. Pero pumasok lang ito sa sarili niyang kwarto at doon na pinakawalan ang mga luha na kanina pa niya pinipigilang pumatak. Umasa siya kay Noah, napaka tanga niya. Kaya ganito na lang ang sakit na nararamdaman niya dahil akala niya may kahulugan ang mga affection na pinapakita ni Noah sa kanya. Ang laki niyang hibang. Narinig niyang may pinapabili si Mr. Tansinco kay Ernesto na driver nila. Nagpaalam si Audrey kay Mr and Mrs. Tansinco na kung pwedeng sumama ito kay Ernesto para bumili ng regalo para kay Mae sa Sabado. Pumayag din ang mga Tansinco na lumabas si Audrey.

Samantala hindi din mapakali si Noah na ngayon ay kasa kasama na ang buong pamilya dito sa sala at nandidito pa rin si Margie. Naaalala nito ang sakit at galit sa mga mata ni Audrey ng makita silang dalawa ni Margie na magkayakap. Pati Mommy at Daddy ni Noah ay nandoon din sa sala. Lahat sila excited na mabuksan ang susuoting damit ni Mae para sa debut nito sa Sabado. "Bakit dalawang box ang dala mo Mae? Buksan mo na ang damit mo at excited na rin kaming makita ito." Sabi pa ni Mrs. Tansinco.

"Kay Audrey po yang isang box Mommy." Sagot naman ni Mae na nagsimula ng buksan ang box ng damit. "Surprise gift ko po ang damit na ito sa kanya."

Ng pinalabas ni Audrey ang damit. Lahat namangha sa ganda nito. Light pink na kulay at pinuno ng swarovski crystals and beads ang damit. Si Mr. Tansinco nagsalita. "We are so impressed by how beautiful and artistic your clothes Mae. Kaya tamang tama ang mga napili naming sponsors sa debut mo. Those are modeling companies at ng maintroduced ang designer company natin sa kanila." Sabi naman ng daddy nito.

"Dito ka na pala mag dinner Margie. Mae bigyan mo ng invitation si Margie para sa debut mo." Sabi pa ni Mrs. Tansinco dito.

Sina Aling Ana lang at si Gina ang naghanda ng pagkain. Napansin ito ni Noah at nagtataka kung nasaan na si Audrey. Hinanap ni Mae si Audrey kay Aling Ana at narinig naman nito ni Noah. "Aling Ana saan po pala si Audrey?" Tanong nito.

"Sumama sa labas kay Ernesto at may bibilhin daw." Sagot naman ni Aling Ana.

"Gabi na tsaka naman lumabas. Sandali at ng matawagan ko nga muna." Paalam ni Mae.

"O saan ka na at gabi na. Excited pa naman akong ipakita sayo ang damit ko at ang surprised kong damit na ibibigay sayo." Sabi ni Mae.

"Eto nag shopping pa ng gift ko sayo sa Sabado." Sagot naman nito kay Mae.

Nakikinig lang si Noah sa conversation nilang dalawa. "Umuwi ka na kasi. Don't worry about that and it's getting late at night." Sabi ni Mae kay Audrey.

Pagkatapos ng pamilyang kumain nagpaalam na rin si Margie na uuwi na ito. Si Noah naman nandon lang sa labas ng bahay sa verandah naghihintay sa pag dating nina Audrey at Ernesto. Medyo nabunutan ito ng tinik ng dumating na ang kanilang sasakyan. Ngunit laking gulat ni Noah ng si Ernesto lang ang bumaba. "Good evening Ernesto. Bakit ikaw lang nasaan si Audrey?" Tanong nito kay Ernesto.

"Eh, sir nagpaiwan pa doon sa mall at hindi pa daw siya tapos sa pagbili ng regalo niya kay Mae. Uuwi na lang daw po siyang mag isa." Sabi ni Ernesto kay Noah.

"Bakit mo pinayagan? Gabi na ah." Sagot naman ni Noah na hindi na mapakali. Pinang suklay ang mga kamay nito sa buhok niya.

"Sinabi ko nga po sa kanya Sir. Eh alam mo naman yun. Malakas ang dating sa mga kalalakihan at napapaaway pa nga ako di ba? Ayaw talaga niyang sumama sa akin at kaya daw niya ang sarili niya." Sagot naman ni Ernesto.

Dali daling nagbihis si Noah at pupuntahan niya sa mall si Audrey. Pero tinawagan niya muna ito. Sinagot naman ni Audrey ang tawag ni Noah. "Saan ka na? Gabi na at hindi ka pa umuuwi!" Sabi pa ng galit na na Noah. "I'm on my way to pick you up. Kaya hintayin mo ako diyan." Utos pa nito.

"Huwag mo na akong puntahan dito at kaya ko ang sarili ko. At tsaka Noah. Pagtuunan mo na lang ng atensiyon yang girlfriend mo. Please leave me alone." Galit na ding sagot ni Audrey dito.

Humalakhak pa si Noah. "She's not my girlfriend ok? Nagseselos ka ba Audrey?" Susunod sunod na tanong ni Noah. He found Audrey so cute and lovely.

"I don't find it amusing na tinatawanan mo ang nararamdaman ko. Bakit kung nagseselos ako? Dahil normal lang ang nararamdaman ko. Hindi kagaya mo na manhid ka!" Sagot naman dito ng nagagalit na na Audrey. Parang nangingilid na naman ang mga luha nito dahil sa pangba balewala ni Noah sa nararamdaman nito.

"Woman, I'm on my way okay? Kaya huwag kang umalis diyan. Dapat naiisip mo pa rin ang safety mo kaysa sa pinairal mo ang emosyon mo. I'll talk to you later." Paalam pa ni Noah sa kanya. Hindi mapakali si Noah at gusto na nitong paliparin ang kotse para makarating kaagad ng mall. Hindi niya nararamdaman ang ganitong concern kanino man. Wala nga siyang pakialam kay Margie kung sino ang nag drive dito ngayong gabi. Only Audrey can drive Noah's mind this crazy, this wild.

Nakita na niya ito kaagad na naghihintay ito sa harap ng mall. May dalawang lalaking nakaporma na kumakausap dito. Binabaan na ito kaagad ni Noah. "Get in the car!" Iritadong utos ni Noah dito. Pinag buksan niya si Audrey ng pintuan ng sasakyan at pinaharurot itong pinatakbo.

"Noah! Kung galit kang sinundo mo ako, pwede ba... Wala namang may nag utos sayo na sunduin mo ako at kaya kong umuwi." Sabi pa ni Audrey kay Noah. "Natatakot na ako sa bilis ng pagpapatakbo mo. Tigilan mo na nga ako Noah at nasasaktan na ako sayo." Sabay nitong hikbi. Hindi na kaya pang itago ni Audrey ang mga nararamdaman niya kay Noah.

Langit Ka Sa Akin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon