Audrey's POV
Sa wakas I am settled here sa maid's quarter katabi ng room ni Aling Ana. Mabait ito at maasikaso. Tinuruan ako ng daily routine sa mansion at madali ko lamang itong natutunan. "Pinagbilin ni Mrs. Tansinco na ako na daw bahala sa lahat ng pangangailangan ni Noah." Dagdag pa nito. "Ako na ang bahala sa pag prepare ng breakfast sa umaga. Ikaw na ang mamalengke sa umaga kasama mo naman si Ernesto ang bagong driver ni Noah. Tamang tama lang pagbalik niyo ay tsaka naman pag alis nila ng opisina ni Sir Noah." Turo pa ni Aling Ana.
"Ok lang po yun. Pag may kailangan po kayo o kailangang iutos o ituro, sabihin niyo lang po." Sabi ko naman kay Aling Ana.
Napag alaman ko na binata pa si Ernesto. Magkasing edad sila ni Noah at halos 25 years old na rin ito. Mabait at binabantayan akong palagi pag nasa palengke.
Mababait ang mga Tansinco. Si Mae at Michael ay parehong mabait at magkasintulad ng pag uugali. Si Noah feeling ko pinipilit lang niyang maging mabait sa akin. Pero minsan nandon pa rin ang inis at galit nito. Mabuti at hindi ko na rin iyon halos makikita. Kung pwede lang na iwasan ito ay iwasan ko na.
Halos ilang araw din na hindi ko nakikita si Noah. Nasanay na ako sa daily routine sa bahay ng mga Tansinco. Si Aling Ana din ang nagse serve ng pagkain nila pag dinner. Tutulong lang ako sa pagliligpit pagkatapos ng mga Tansinco na mag dinner. Hindi na rin kami halos nagkikita ni Mae. Halos 7:00 PM na pala ng may marinig akong kumakatok sa pintuan ko. Siguro si Aling Ana may kailangan. Nagulat ako na si Mae pala ang tumatawag. "O bakit may kailangan ka ba?" Nakita kong naka two piece ito.
"Yayain sana kitang mag swimming. Halika." Sabi nito sa akin. "Sama ka na lang sa akin sa swimming pool." Dagdag pa ni Mae.
"O sige sasamahan lang kita doon. Wala na din naman akong may ginagawa." Sabi ko pa.
Pero nagulat ako na nandoon din pala si Sir Michael at may kasama itong babae na sweet sa kanya. Nandoon din si Noah na naka swimming shorts. Napalunok ako ng makita ko ito. Para itong artista sa itsura niya at matipuno ang katawan.
Samantalang ako. I looked so messy. Nagpapahinga lang ako sa quarter ko at plano ko sanang maligo mamayang konti pero hindi na natuloy at tinawag nga ako ni Mae. Pinakilala ako ni Sir Michael sa kasama niyang babae. "Janine si Audrey pala kasambahay namin. Si Janine Audrey fiance ko." Proud naman nitong pagpapakilala sa girlfriend niya.
Mabait si Janine at friendly. "Halika Audrey. Samahan mo kaming mag swimming dito. May extra akong two piece diyan sa bag ko." Offer pa nito sa akin.
"No thanks. OK lang ako." Sagot ko pa na nanonood lang sa kanila.
Napa smirk si Noah. "Hindi bagay diyan ang two piece." Sabay pang halakhak nito. Ayaw ko namang ma bwisit at galit naman talaga si Noah sa mundo lalo na sa akin. Kaya hindi ko na lang pinansin ang pang iinsulto nito.
Ngunit hinila ni Mae ang mga kamay ko at binigyan ako ng two piece sa kamay na kulay pink at may red flower design ito. "Isuot mo yan dali. Nang makita ni Kuya Noah kung nababagay ba sayo o hindi ang two piece." Sabi pa nito sa akin.
Nagulat ako ng lumabas sa shower room na may dumating na mga kaibigan si Noah. Lahat sila tumingin sa gawi ko, habang ako naman ay dina dry ang buhok ko ng towel. Hindi ko na lang sila pinansin. Parang the same na mga lalaki na mga umatend noon ng birthday ni Noah.
Maraming nagsasabing I have a perfect body. Maliit ang waistline ko at nabiyayaan ako ng malaking boobs at curvacious hips. I walked towards the pool and dip my feet on the water at first. Nakita kong nakakunot ang noo ni Noah sa kabilang dulo ng pool ng makita ako. "Noah, totoo ba ang nakikita ko? Is that Audrey, Mae's friend?" Sabi ni Clarence na naririnig ko at manghang mangha ito. Lumapit ito sa akin at nag hi lang sandali. Na sinundan naman ng tatlong kaibigan ni Noah. Si Mae, Sir Michael at Janine ay nakatingin lang sa mga pangyayari.
"Doon na tayo mag inuman sa loob." Yaya pa sa kanila ni Noah.
"At kailan pa tayong nag inuman Noah sa loob ng bahay?" Tanong naman ng isa nilang kaibigan na napahalakhak.
"Dito na lang ako sa swimming pool at feel kong mag swimming ngayong gabi." Saad ng unang lumapit sa akin na si Clarence.
"Halika na Audrey. Masarap ang tubig." Yaya pa ni Mae sa akin. Lumusong ako sa tubig at nagsimula ng lumangoy. Gusto ko ang tubig sa aking balat. Nakaka relax. Nakakawala ng problema.
Nakita kong sinamahan na rin kami ni Clarence sa tubig. Samantalang sweet naman si Sir Michael at Janine. "May boyfriend ka na ba Audrey?" Direktang tanong ni Clarence sa akin na nakikinig naman si Mae and I'm sure naririnig din nila Noah dahil malapit lang silang nag iinuman sa amin.
Nahihiya akong sumagot. Narinig kong sumagot si Mae. "Naku Kuya Clarence wala pang naging boyfriend yan kaya swerte ka diyan." Halakhak naman ni Mae. Mas lalo akong namula sa sagot ni Mae. Naiilang din ako dahil tinitingnan ako ng malagkit ni Clarence. Samantalang si Noah naman ay hindi na maipinta ang mukha.
"Mae your time is up. May pasok ka pa bukas." Remind dito ni Noah. Masunurin naman si Mae at nagpaalam na itong pumunta ng shower.
"Susunod na rin ako pagkatapos mong mag shower Mae." Sabi ko naman kay Mae. Maraming mga kwento si Clarence at nakikinig lang ako sa kanya. Nakita kong lumabas na si Mae sa shower room at nagpaalam na rin ako kay Clarence. Ayaw pa nitong umalis ako doon pero kailangan ko na rin at naiilang akong kasa kasama ito.
Medyo tago ang shower area at nagulat ako na sumusunod pala si Noah sa likod ko. Hinablot nito ang kamay ko at galit ang mukha nito. "You have the nerve to wear those two piece. Hindi bagay sayo and nobody likes a desperate for attention person like you!" Pagalit nitong singhal sa akin. Nanuot sa dibdib ko ang sinabi nito at ayaw ko ng hinahayaan itong binabastos ako.

BINABASA MO ANG
Langit Ka Sa Akin (Completed)
RandomTinulungan si Audrey Fernando ng kaibigan niyang mayaman na si Mae Tansinco para makapasok ng trabaho sa bahay nila bilang katulong. Dahil biglang namatay ang kaisa isang Tita ni Audrey sa America na sumusuporta sa kanya. Tadhana ang nagdala upang m...