Chapter 3 Desperate Situation

21K 568 46
                                    

Audrey's POV

Masaya akong kasama si Mae sa party ng Kuya Noah niya. Atleast kahit sandali nakalimutan ko ang mga problema ko. Halos 8:00 pm na rin ng magsialisan ang mga bisita. Hindi ko pa nakikita sila Mr. And Mrs. Tansinco. Sabi ni Mae kakarating lang daw nila at naiwan akong saglit na mag isa dito sa pool area nila. Medyo kinabahan ako. Sana tanggapin nila akong maging katulong sa bahay nila. I just hate this feeling of desperation.

Nakaramdam ako ng yapak papunta sa gawi ko. "At bakit nandito ka pa na gabing gabi na. Dapat sa mga babae umuwi ng maaga sa bahay nila at tsaka I guess you are still a minor mas lalong bawal kang pagala gala sa daan." Noong nilingon ko ang Kuya Noah pala ni Mae. Napaka intimidating naman ng dating ng lalaking ito. The sound alone of his voice brought shivers through my spine. Ngayon lang ako nakakita ng ganito ka perpektong nilalang physically. Pero ang suplado ng dating nito sa akin. Kaya mas lalo akong kinabahan.

Hindi ako makatingin sa kanyang mga mata. Those eyes are the most penetrating gaze I have seen in a man. Nakatingin ako sa mga kamay ko na pinagsalikop ko dahil sa kaba. "Kuya Noah pasensiya na. Aalis din ako. Hinihintay ko lang si Mae." Sabi ko sa kanya. Ayokong tumingin sa kanya. Baka mahalata nitong sobra akong naguwapohan dito. Sa totoo lang, parang instant ang atraksiyon ko dito.

"Tumayo ka na diyan at hanapin natin sa loob si Mae. Tapos umuwi ka na rin kaagad." Sabi pa nito sa baritonong boses. Nang tumayo ako, nagtama ang aming mga mata. Parang lulukso na ang puso ko sa kaba. Bigla nitong iniwas ang tingin at tumalikod na. Nakasunod lang ako sa likod nito.

Nasa sala na si Mae, si Kuya Michael niya at ang parents nito. "Mae, pauwiin mo na itong kaibigan mo na si Audrey at gabi na." Kausap nito kay Mae habang ako naman ay parang tutang nakasunod sa likod ni Kuya Noah.

"Mommy, Daddy. Siya po si Audrey ang sinasabi kong kaibigan na pwede nating ipangpalit kay Elisa." Pakilala ni Mae sa parents niya.

Dali dali akong lumapit at nagmano sa kanila. "Good evening po." Magalang kong bati sa kanila.

Tumikhim ang Kuya Noah nito. "Mae, hindi mo na problema ang replacement ni Elisa. Ako na ang bahala doon at bukas na bukas din tatawag ako ng agency para magpadala ng katulong. Atleast doon na background check sila. Hindi na kung sino sino lang diyan." Ma awtoridad na sabi nito.

Nagsalita ang Kuya Michael ni Mae. "Kuya hindi siya kung sino sino. Kilala siya mismo ni Mae. Mas mainam siya kaysa sa mga agency." Dagdag pa ng Kuya Michael ni Mae.

I am so desperate to have this job. "Please po. Bigyan niyo naman ako ng chance. Pag ayaw niyo po sa trabaho ko. Pwede niyo po akong paalisin." Pagpupumilit ko sa kanila.

Nagsalita si Mrs. Tansinco. "I think Noah, bigyan natin ng chance si Audrey. Base sa sinabi ni Mae sanay ito sa gawaing bahay. Ano sayo Daddy?" Tanong nito kay Mr. Tansinco.

"Kung okay sa inyo, wala na ding problema sa akin. Mas mainam ng kilala ang kasambahay kaysa kung sino sino lang na galing ng agency." Saad ni Mr. Tansinco.

Nanlilisik na sa galit ang mga mata ni Kuya Noah na tumingin sa akin. "Why so quick in taking her. Basta ako, ayokong sinisilbihan ng babaeng yan!" Galit at ma baritono ang boses nito. Kung ano naman kagwapo nito ay siya namang kasama ng ugali.

Lumapit si Mae sa Kuya niya Noah at nilambing ito. "Kuya don't be like that to my friend. Please tanggapin na natin si Audrey. Ganito na lang Kuya, iiwas na lang siya sayo. Si Manang Ana ang bahala sayo from now on. Please Kuya." Lambing nitong niyayakap ang kapatid.

Pinasadahan ako ni Noah ng tingin. "Fine with me kung yan ang gusto niyo. Ayokong pinapakialaman niyan ang mga gamit ko." Talagang ayaw ako nito bigyan ng chance. I looked at him in the eyes and our gazed locked. Para akong matunaw.

"Kuya salamat. Si Manang Ana na lang ang mag aasikaso sa pangangailangan mo. Halika na Audrey, ihahatid kita sa labas." Yaya ni Mae sa akin.

Hindi ko na tiningnan pa si Kuya Noah. Hindi ko kayang makipag titigan sa kanya. Mas lalo siguro itong nagalit sa akin dahil kinuha ako ng pamilya niya na maging katulong. "Ok lang ako Mae. Kaya ko ng umuwi. Aalis na po ako." Paalam ko sa kanilang lahat.

Nagsalita si Mrs. Tansinco. "Audrey, pwede ka ng mag umpisa anytime. Nagpapahinga na yata si Rene. Michael pwede mo bang ipag drive si Audrey?" Tanong nito kay Michael.

"Mommy hindi po ako pwede at naka color coding ako ngayon." Sabi ni Michael.

"Ok lang po ako. Babalik na lang po ako sa makalawa para mag umpisa." Sabi kong paalis na.

Lumakad na ako palabas ng bahay nila Mae. "Mae, ok lang talaga ako. Kaya ko ng umuwi. Marami ka ng naitulong sa akin." Sabi ko pa sa bestfriend ko.

Napatingin ito sa akin. "Sigurado ka? Sige mag ingat ka na lang. Magkita na lang tayo dito sa bahay." Sabay yakap sa akin.

Nang lumalakad na ako palabas ng subdivision nila, parang kinikilabutan na ako. Walang katao taong lumalakad at puro sasakyan lang ang dumadaan. Nakakatakot lumakad pag ganitong gabi na. Wala naman akong perang pang taxi at tamang tama lang ito para pamasahe sa jeepney. Naaalala ko na naman ang Tita Isabelle ko. Bumalik ang mga alaala nito na nag dulot na naman ng lungkot ang pangungulila sa akin. Bigla akong napaiyak. Lumalakad akong tumutulo lang ang luha ko. Nabigla ako ng may tumigil na kotse sa side ng road kung saan ako lumalakad. Ang Kuya Noah pala ni Mae. "Get in the car! Ihahatid na kita sa inyo." Sabi nitong walang emosyon.

"Kuya Noah. Ok lang naman ako. Huwag mo na akong ihatid." Nahihiya ko pang sabi habang pinapahiran ang luha.

Kumunot ang noo nitong nagsalita. "Huwag mo akong tawaging Kuya at hindi mo ako Kuya. Get in the car! Kung ayaw mong kakaladkarin kita." Utos pa niya na nagpakaba sa akin. Kaba at excitement na kami lang dalawa na magkalapit dahil pinaupo ako nito sa front seat ng sasakyan.

Langit Ka Sa Akin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon