Chapter 28 Mae's Debut

14.3K 434 8
                                    


Audrey's POV

Hindi ko na rin nakita pa ng kung ilang araw si Noah. Mas mainam ng ganito at hindi na rin ako masasaktan. Sobrang ganda ng binigay na damit sa akin ni Mae. Kulay peach ito na pinuno ng swarovski crystals and beads. Ayaw ko pa ngang tanggapin at magsusuot na lang ako ng simpleng damit. Pero ayaw ni Mae. Gusto daw niya na mag stand out din ako sa birthday niya. Dito na kami sa bahay ng mga Tansinco minake up ng stylist kasama ko si Aling Ana at Ate Gina na mga Tansinco din ang nagbigay ng damit. Si Mae naman at buong pamilya ay doon na sa hotel.

Tuwang tuwa ang bakla na stylist sa pag make up sa akin. "Ngayon lang ako makapag make up ng ganito kagandang mukha. Sure ka ba na hindi ka artista o model? Ganda pa ng katawan mo at matangkad pa. Pati ako tatalikuran ko ang pagka bakla ko pag ganito kagandang babae ang ibibigay sa akin." Sabi pa nitong pahalakhak kay Audrey.

Nahihiya pa si Audrey na sumagot. "Katulong po ako dito ng mga Tansinco kaya hindi po ako artista o model." Sagot naman ni Audrey.

Nagsalita ang isa nilang kasamang bakla. "Hoy bakla anong sinasabi mo diyan na tatalikuran mo ang pagkabakla mo. Patingin nga ng mini make up mo diyan?" Pumunta ito kila Audrey at biglang tumili. "Ayyyy! Ang ganda nga! Sobrang bongga ng mukha mo. Dali kunin mo ang damit mo at ng matingnan ka ulit." Umalis si Audrey at kinuha ang damit na binigay ni Mae sa kanya.

Natulala ang dalawang bakla pati na si Aling Ana at Gina. "Bongga ng damit mo? May papa ka bang nagbigay niyan? Ganda pa ng katawan mo. Pagpi pyestahan ka mamaya ng mga kalalakihan at mga modeling scout sa party." Komento ng isang bakla.

"Thank you po. Bigay po ito ng celebrant na anak ng mga Tansinco." Sagot ko naman sa mga papuri nila. "Hindi ho ba malaswang tingnan dahil feeling ko parang lalabas na ang cleavage ko at ang taas pa pala ng slit nito. Konti na lang parang lalabas na ang panty ko." Tanong ko pa sa mga bakla.

"Naku, huwag mong intindihin dahil bagay sayo ang sensual na style na ganyan. Binawi naman ito ng kulay na peach for an innocent look at ofcourse innocent style ang ginawa ko sa buhok mo with a simple make up. Pero syempre inimphasized ko ang seductive lips mo. Hay naku! Ewan maraming maglalaway sayo mamaya." Sabi pa ng baklang nag make up sa akin.

Ready na kaming tatlo at si Ernesto ay naghihintay na rin sa amin sa sala. "Audrey, ang ganda ganda mo." Papuri din ni Aling Ana sa akin.

"Oo nga. Lumabas lalo ang ganda mo sa make up at bagay pa sayo ang damit mo." Sabi naman ni Gina. Nagpasalamat ako sa kanila sa mga papuri nila.

Medyo marami ng tao sa venue ng dumating kami. Giniya kami ng ushers kung saan kami uupo. Ewan ko ba bakit ang daming nakalingon sa banda namin. Nakita ko ang pamilyang Tansinco at magkakasama sila sa isang table. May mga kasama sila na mukhang mayayaman din sa table nila.

Hindi pa nag uumpisa ang party at hila hila ako ni Mae sa kamay para ipakilala sa mga friends nila. "Mae ang ganda ng suot mo. Para kang prinsesa. Bagay na bagay sayo." Sabi ko pa sa kanya.

"Ikaw nga din. Parang luluwa na ang mga mata ng mga kalalakihan sayo dito. Mas lalo ka pang tumangkad at naka heels ka." Halika at nandoon sila Mommy and Daddy at mga kasosyo nila sa negosyo. Papakilala lang kita sandali.

"Audrey, napakaganda mo. Bagay sayo ang suot mo." Sabi ni Mrs. Tansinco. Nakita kong umismid si Noah ng makita ako. Ang mga Uy na kasama nilang nakaupo ay nagsalita. "May nobyo na ba yan? Pakilala ko sa anak ko. Mamaya kakausapin kita iha dahil kailangan din namin ng bagong model. Yung katulad mo na fresh look with seductive lips." Sabi pa ni Mrs. Uy.

"Hindi pa po yan nakapag boyfriend Mrs. Uy." Sagot naman ni Mae.

"Audrey bakit hindi ka dito na lang umupo sa tabi ni Noah. Para hindi ka na bumalik pa doon." Sabi ni Mrs. Tansinco sa akin.

"Ok lang po ako doon." Sabi ko pang hindi tumitingin kay Noah.

"No! You sit here!" Pautos pa nitong sabi. Wala akong may nagawa at ayoko namang gumawa ng iskandalo. Kaya sinunod ko ito.

Ang pinakilalang Mr Benjamin ang nagsalita kasama nito ang asawa niya. "Honestly kakaiba ang beauty mo Audrey. Mr. and Mrs. Tansinco tatawagan ko na lang kayo at pag usapan natin ang tungkol kay Audrey para gawing model sa product line namin." Sabi pa nito.

"Oo ba anytime." Sagot naman ni Mrs. Tansinco.

Magsisimula na ang party at inintroduce at pinakilala si Mae. Ang ganda ng flow ng program. Pero ako hindi mapakali at katabi ko si Noah. Habang may nag seserenade kay Mae ay naka dim din ang ilaw sa buong party venue. Sunod sunod na rin ang kanta for Mae's 18 roses. Ang ganda ng kaibigan ko. Mukha siyang prinsesa. Narinig kong bumulong si Noah sa tenga ko. "Are you okay?" Tanong nito. Tumango tango lang ako. "You look so beautiful tonight." Bulong ulit nito that brought shivers through my spine.

"Thank you." Ang tanging naging sagot ko. "Ang ganda ni Mae mukha siyang prinsesa." Panimula ko pang conversation kay Noah.

Bumulong ulit ito. "Ikaw din sobrang ganda ngayong gabi. I miss you." Sabi pa nito sa akin. Hindi ko pinansin ang ka sweetan ni Noah ngayong gabi. For sure trip na naman niya akong paglaruan. Ayoko ng masaktan. Kaya I just ignored him the entire time. Mas mabuti ng ganito.

Hinawakan ni Noah ang mga kamay ko sa ilalim ng mesa. Kaya binulungan ko ito. "Noah, umayos ka nga." Sabi ko pa dito at tinanggal ko ang kamay niyang humahawak sa kamay ko.

"Ayokong nakikita ka ng iba. I just want to keep you for myself." Bulong ni Noah sa kanyang inignore lang ni Audrey ang mga sinasabi nito.

Langit Ka Sa Akin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon