Chapter 33 The Wedding

15.5K 377 7
                                    

Noah's POV

Nandito na kaming lahat naghihintay sa sala pero hindi pa rin lumalabas si Audrey sa bedroom ko. Pati na mga cousins ko, Tito at Tita ko ay nandito na rin.

"Saan na ba si Audrey?" Ang tanong ni Mommy.

"Sandali lamang po at tatawagin ko ulit." Sagot kong umakyat ulit sa bedroom ko. Lintek na babae na yun. Saan na ba yun?

Nandoon pa rin ito sa restroom at narinig ko pa rin itong humihikbi. "Audrey, open this door! Everyone's waiting for you downstairs." Naiirita ko pang sabi dito while knocking on the door.

Tahimik nitong binuksan ang restroom at maga ang mga mata nito sa kakaiyak. Hindi na ito makatingin sa akin. "You better appear tough! Ang tapang mong gumawa ng gulo.Tsk!" Sabi ko pa dito.

Tumingin ito sa akin. "Hindi ko iniexpect na mag iskandalo si Margie. Nahihiya ako at pinagsisihan ko na ang ginawa ko." Sagot nito sa akin. "Uuwi na ako at hindi ko kayang humarap sa pamilya mo." Dagdag pa nitong sabi.

"Gusto lang nila tayong makausap. Kaya pwede ba? You need to cooperate." Sagot ko din sa kanya na pilit pinipigilan ang sariling magalit.

Tahimik ang lahat ng bumaba kami. "Since nandito na kayong dalawa Noah, Audrey. The scene earlier speaks a lot about what's going on with you two. We don't want any scandal in our family. Kaya kailangan niyong makasal ni Audrey, Noah!" Utos ni Daddy.

"Ayoko pang matali sa isang babae Dad. Lalo na sa kanya!" Sabay turo ko kay Audrey na nanlilisik na ang mga mata ko sa galit. "You can't force me to marry someone like her!" Hindi ko na mapigilan ang galit ko.

Nanginginig ang bunso naming kapatid na si Mae habang nagsasalita. "Dad, hindi naman yan ang solusyon sa issue." Parang maiiyak na rin ito. "Bigyan po natin ng opportunity si Kuya na ligawan at makilala si Audrey." Pakiusap ni Mae na tumutulo na rin ang luha.

"No! My decision is final. We are just waiting for the Judge na kakasal sa kanila. Right here! Right now! Otherwise hindi ko ipapamana ang business kay Noah." Sabi ni Dad in a very authoritative tone.

"Your Dad is right. Marry Audrey now. Panindigan mo Noah ang gulong pinasok niyo ni Audrey!" Galit na galit namang utos ni Mommy.

"Hindi po ako magpapakasal sa taong hindi naman ako mahal." Sabi ni Audrey na nakayuko pa rin at pinaglalaro ni Audrey ang kanyang mga daliri. "I admit kasalanan ko ang lahat. Please po, ayoko pong magpakasal kay Noah." Sabi nitong may namumuo na namang luha sa mga mata. Nakakainis na ang babaeng to. Pagkatapos akong ipahamak. Iiyakan lang ang gulong ginawa. Tsk! Napaka immature.

"Kausapin mo si Audrey Noah. Doon kayo sa library. Sa decision niya nakasalalay ang iyong mana. Habang naghihintay kami dito sa judge." Utos pa ni Daddy.

"Dad, please... Kung gusto niyong ipakasal si Kuya at Audrey. Huwag ngayon. Bigyan niyo sila ng enough time na makapag desisyon." Dinig kong pakiusap ni Mae.

"No my decision is final!" Sabi pa ni Daddy. Wala na talaga akong choice kundi kumbinsihin si Audrey sa gusto ni Daddy. Hindi ako papayag na dahil lang sa immature na babae na to ay mawala na lang bigla ang pinaghirapan ko. Nang iwan ako ni Margie, sa company namin itinuon ko ang atensiyon ko. Ngayon na successful na ito, mawawala na lang itong bigla. No! That's not me. If I will have to drag her to marry me, for the sake of the company, I will do it in a heartbeat.

Hinawakan ko si Audrey sa kamay at kinaladkad ito papunta ng library. Binalibag ko ang pintuan nito na nagpagulat sa kanya.

"Noah don't scare me. Tulungan mo na lang akong makalabas sa bahay na to para hindi na matuloy ang kasal. I promise you, lalayo ako at hindi na ako magpapakita pa sa inyo." Pakiusap ni Audrey.

Mas lalo akong nagalit sa sinabi niya. "You can't create a mess at hindi mo kayang panindigan ang consequences nito! Alam mo ba na sayo nakasalalay ang future ng magiging asawa ko at anak ko? Dahil kong hindi mo ako papakasalan ngayon. Mawawala lahat ng pinaghihirapan ko ang mamanahin ko na nakalaan sana sa future family ko. Pakasalan mo lang ako at ako ng bahala sa annulment." Pakiusap ko sa kanya na may halong galit.

Tumutulo pa rin ang luha nito. "Hindi ba na mahirap ang magpakasal sa taong di mo naman mahal? Fine! Kung yan ang paraan para mapatawad mo ako Noah ay gagawin ko." Sabi nitong hindi pa rin makatingin sa akin.

Hindi ko akalaing ganito kadali ko lang napapayag si Audrey sa gusto ko. "Yun naman pala eh. Basta ang kasunduan natin. You can do whatever you want. Ayoko ring pinapakialaman mo ako. Great! Alam kong madali kang kausap." Sabi ko pa ditong nakangiti. Mabuti at hindi na ako pinahirapan pa  ng babaeng ito.

Nagkatitigan kami sandali at umiwas ito ng tingin. "Don't act like a virgin. Hindi bagay sayo!" Sabi ko pang tumatawa with a sarcastic tone. "Ano ba ang ginawa mo sa akin kanina? Mas maganda pag pareho tayong dalawa na nasarapan." Sabi ko pa dito na walang pakialam kong masaktan man ito o hindi.

"Noah, you're making me uncomfortable. I told you pinagsisihan  ko na ang ginawa ko! Kulang pa ba yun? Pinagbabayaran ko na rin ang mga consequences nito..." Hagulhol pa nito.

"Ayusin mo ang sarili mo at akala nila kong anong ginagawa ko sayo." Utos ko pa dito. Habang sinusulyapan ko ito narinig kong may kumakatok sa pinto.

"Kuya si Michael to. Nandiyan na ang Judge naghihintay sa inyo." Sabi pa ni Michael.

"Parang napakabata pa ni Audrey." Sabi ng judge. "Are you of legal age hija?" Tanong ng judge dito.

"Kaka 18 ko lang po last month." Sagot naman nito sa mahinang boses.

Mabilis lang ang naging seremonyas. Nagpalakpakan ang buong pamilya ng bigyan ko ng smack sa lips si Audrey. Nagpaalam na rin silang lahat pagkatapos ng kasal. I can't believe it that I'm married right now. Tuwang tuwa sila Mommy at Daddy. "Take good care of Audrey Noah." Sabi nilang nagpaalam na rin sa amin.

"I'd better go too! Gabi na at mahirap sumakay pag ganitong oras." Sabi ni Audrey na akma na ring aalis.

"Nasisiraan ka na ba ng ulo? Ano na lang ang sasabihin nila na pinapabayaan kita?" You stay here tonight.

"No! I'm not staying here. I'm going home. Pwede ba? Sabi mo mag kanya kanya tayo di ba? Bakit pinapakialaman mo ako ngayon?" Protesta pa nito na mas lalong nagpagalit sa akin.

"Ok. I'll bring you to your boarding house at lilipat na tayo bukas sa condo ko!" Sabi ko sabay pasakay sa kanya sa kotse as I turned on the engine.

💐💐💐💐💐💐💐🌺💐🌺💐💐💐
Dedicated to @ beaMedina012 @annaly10

Langit Ka Sa Akin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon