Chapter 29 Consumed with Jealousy

14.8K 394 4
                                    

Noah's POV

Hindi ako pinapansin ni Audrey kaya feeling ko gusto ko ng magwala. Andaming nakakapansin na dito sa kanya. Katabi ko si Michael na inoobserbahan lang ako. "Kuya, nag aalburuto ka dahil hindi ka pinapansin ano? Paano kasi hindi mo naman binibigyan ng espesyal na atensiyon. Tingnan mo kung gaano karami ang nakatingin sa kanya." Bulong ni Michael sa akin. "Tsaka itong  investors na ito. Parang nagbabantay lang ng tamang pagkakataon. Ewan ko ba sayo Kuya. Huwag kang magsisi kung maunahan ka ng iba kay Audrey." Dagdag pa ni Michael.

Sa ganon kaming pag uusap ni Michael hindi ko namalayan na it's time for everyone to dance. May napakatangkad na lalake na lumapit kay Audrey at niyaya itong sumayaw. Most probably mga anak ng investor o di kaya model ito. Nag excuse si Audrey sa akin at sumama ito sa lalaking sumayaw. Cameras were just flashing on both of them everywhere. Nakita kong kinakausap ito ng lalaki at maaliwalas ang mukha nitong sumagot. Sunod sunod ang mga sumayaw kay Audrey. Si Blake ang sumunod, then nakita ko na sinundan din nito ni Conrad.

There's lots of women here inside the venue. However, nothing interests me except Audrey. Lumapit si Mr. and Mrs. Uy kay Mommy at narinig kong nag uusap sila tungkol kay Audrey gusto nila itong maging model ng product line nila. Ganon din ang ginawa ni Mr. Benjamin.

Nakita ko ang lalaking mukhang model na lumapit ulit kay Audrey. Sinayaw ulit nito si Audrey. Nilapitan ko na rin si Audrey pagkatapos ng musika. "Can I have this dance with you?" Tanong ko pa dito. Ang ganda ng musika, sumasayaw kami ngayon ni Audrey sa isang slow music. "Ayokong nakikita kang kasayaw ng iba." Bulong ko pa dito.

Tumingin ito sa akin. "Noah, wala kang karapatang manghimasok sa buhay ko. Wala ka namang pakialam sa akin. Kaya pwede ba." Sabi pa nito sa akin.

I just ignored her. "I don't want this music to end but I need to get you out of here." Sabi ko pa dito.

"Noah kailangan ko pang magpaalam kay Mae at tsaka sa Mommy at Daddy mo." Sabi nitong nakatingin na sa aking mga mata.

Hinila ko na ito sabay bulong sa tenga nito. "No need to do that. I will take care of it. I just want you for myself." Hila hila ko itong lumabas na ng hotel papunta sa parking lot.

Pumasok na kami agad sa loob ng kotse ko. Sumulyap muna ako kay Audrey na nilalaro lang ang dalawang kamay. "Let me just call Mom." Paalam ko pa dito.

"Hey Mom. Medyo masama ang pakiramdam ni Audrey at maraming sumasayaw sa kanya. We're just here at the parking lot and I might take her home in a little bit." Paalam ko pa kay Mommy.

Narinig kong tumawa saglit si Mommy. "You sound like a jealous boyfriend son. Take care of her. In fact andaming proposal sa kanya for a modeling offer." Sagot naman ni Mommy.

Tumingin ako saglit kay Audrey. "Tell them no Mom. She is not a model and she is not doing that for anyone." Sagot ko naman kay Mommy. Tumingin din si Audrey sa akin at nagtama ang aming mga mata. I hang up with Mom and called Mae at the same time.

Nang matapos akong magpaalam kay Mae. Nilingon ko si Audrey na ngayon ay nakatingin sa akin. "Hindi kita maintindihan Noah kung bakit pinapakialaman mo ang buhay ko. I told you to leave me alone at wala kang karapatan sa akin!" Galit na nitong sabi sa akin. I did not remove my stare. In fact mas lalo ko pa itong tinitigan.

Napahampas ako sa manibela. "Bakit? Gusto mo nandoon ka? You want these men to flirt on you. I am saving you in fact. Or gusto mo ding nilalandi ka nila?" Tanong ko pa ditong galit na rin.

"Ako, pinapakialaman mo ang buhay ko. Pero ikaw nagagawa mo ang gusto mo. Do you know how you torn my heart into pieces ng makita ko kayo ni Margie na magkayakap? Fine, I do get it Noah. Hindi ko mapantayan ang standard niya at glamorous life niya. Hindi naman na ako naghahabol sayo ah? Wala akong karapatan at panakip butas mo lang ako." Sabi pa nitong humahagulgol na.

"What are you saying? Halos mabaliw na nga ako everytime na nakikita ko ang mga lalaki na yon na sinasayaw kang nakayakap." Kinuha ko ang kamay nito at hinawakan. "Babe, please don't cry. Ayaw kong nakikita kitang umiiyak. Halika nga." Sabi ko pa dito sabay hila palapit sa akin. Nandito lang kami sa loob ng sasakyan ko. Ako yakap yakap si Audrey. Habang ito ay nakayakap naman sa akin. "Don't ever think na panakip butas ka lang. I understand I Am a jerk but you have a special place in my heart." Dagdag ko pang sabi dito.

Tumingin itong nakatingala sa akin. "Noah, I don't know what's going on with me but palagi akong insecure sayo. Sana nga kung naging kasing yaman niyo lang ako." Tsaka hinigpitan ulit ang mga yakap sa akin.

Tiningnan ko naman ito sa mata at nagtama ang aming paningin. Ayokong mawalay kay Audrey. "Hindi yan hadlang kung yan ang iniisip mong batayan. I just want to be whole again before I make a commitment. Let's just enjoy our moment together." Sabi ko pa ditong nakatingin sa kanyang mga mata.

Pinaandar ko na ang sasakyan para makauwi na kami ni Audrey. Narinig kong nag ring ang phone ko at si Margie pala tumatawag. "Who's that Noah?" Tanong ni Audrey.

"Nevermind. It's just Margie calling." Sagot ko naman dito na nagpatahimik sa kanya. "Don't be jealous okay? Margie is my past and she means nothing to me now. Since na dumating ka sa buhay ko. Nag iba ang paningin at pananaw ko sa mga babae." Sabi ko pa ditong nakangiti.

Ayaw ko pang iuwi si Audrey. Dumaan muna kami sa park ng subdivision. "Daan muna tayo dito. I still want to spend my time with you." Sabi ko pa sa kanyang pinasadahan ito ng tingin. I think I am the most luckiest guy tonight. Lucky to be able to be with the most beautiful woman in the world.

Langit Ka Sa Akin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon