Chapter 27 Audrey's Plan

14.5K 408 11
                                    

3rd Person POV

Habang dina drive ni Noah ang daan pauwi. Walang may gustong magsalita ni isa sa kanila. Si Audrey ay tahimik lang na pinapahiran ang hindi mapigilang luha. Si Noah ay puno ng lungkot ang mukha at nalilito na sa mga pangyayari. Ng dumating sila ng garahe nakita ni Noah na bukas na naman ang mga ilaw sa sala. Hinampas nito ang manibela ng sasakyan at nagsalita. "Damn! Gising na naman si Mommy. Fixed yourself Audrey. Ayokong nakikita ka niyang umiiyak." Utos pa nito kay Audrey. Tumango tango lang si Audrey.

Naabutan nila si Mr. and Mrs. Tansinco na nakaupo sa sala. Si Mommy nagsalita. "Noah ano bang nangyayari sa inyo ni Audrey. Bakit ganyan na lang ang concern mo? Pwede namang si Ernesto ang pinasundo mo sa kanya ah? Bakit ikaw pa ang sumundo at gabi na." Tanong ng Mommy niya kay Noah.

Nagsalita si Noah. "Tama po kayo Mommy. This is the last time na susunduin ko siya. From now on, wala na akong pakialam pa sa kanya. Kaya huwag niyo ng bigyan ng kahulugan ang pag sundo ko." Sabi nito sa Mommy niyang walang emosyon.

Nagsalita si Audrey. "Pasensiya na po Mam, Sir. Kasalanan ko po kasi. Hayaan niyo po hindi na mauulit." Sabi pa ni Audrey kay Mr. and Mrs. Tansinco.

Si Mr. Tansinco nagsalita. "Noah, son. Kilala na kita. Nakikita ko kung gaano mong bigyan ng espesyal na tingin at atensiyon si Audrey. Hindi ako hahadlang diyan. In fact I encouraged you not to give up but fight for it. Ayokong magsisi ka sa huli dahil hindi ikaw ang pinili niya." Sabi ng Daddy niyang ngumingiting nagsalita kay Noah.

Malungkot na nagsalita si Audrey. "Hindi po totoo yan sir. Wala naman pong may namagitan sa amin. Alam naman po nating hindi kami bagay. Magkaiba po ang mundo namin at kahit si Noah alam naman po yan." Paliwanag pa ni Audrey.

Si Mrs. Tansinco ay nagsalita din. "Why not bigyan mo Noah ng pangalawang pagkakataon si Margie? Kung labis kang nasaktan dito, ibig sabihin labis mo rin siyang minahal." Suggest pa ni Mrs. Tansinco.

"We'll see about that Mom. That's another option. Who knows di ba? Mom, Dad aalis na po pala si Audrey dito sa bahay. Maghahanap daw po siya ng bedspace." Pagpapaalam ni Noah para kay Audrey.

Tumikhim si Mr. Tansinco. "It's not safe for you outside Audrey. Ikaw ang bahala Noah. Dapat inaayos mo kung ano ang dapat mong ayusin sa inyo ni Audrey. Ikaw ang mas mature. Ikaw dapat ang nakakaalam." Sabi naman ni Mr. Tansinco.

"Eh sir, sariling decision ko po yan at wala naman pong pakialam sa akin si Noah." Paliwanag pa ni Audrey.

Si Mrs. Tansinco nagsalita. "Why not doon ka tumira Audrey sa condo ni Noah. Wala namang may nakatira doon. Isa pa, kaya binili niya yun dahil malapit sa Tansinco building." Sabi pa ni Mrs. Tansinco.

"Thank you na lang po. Marami na po kayong naitulong sa akin. Sobra sobra na nga po eh." Pasasalamat naman ni Audrey sa kanila.

The next day nagpaalam si Audrey kay Aling Ana at Gina na aalis na ito at mag uumpisa ng magtrabaho sa Tansinco building. "Naku bata ka ma mi miss kita." Sabi pa nitong medyo nalulungkot na.

"Ako din po. Ma miss ko kayo ni Ate Gina. Maghahanap pa po ako ng bedspace sa Linggo. Sana makahanap ako kaagad at ng sa Linggo ng hapon pwede na akong lumipat." Sabi ko pa sa kanila.

Nagsalita si Gina. "Audrey, tamang tama at may pinapaupahang boarding house ang cousin ko. Safe naman doon. Kaso lang may mga boarders siyang mga lalake. Pero mabait naman sila. Dalhin kita doon sa linggo ng umaga. Hayaan mo tatawagan ko siya mamaya." Sabi ni Gina.

"Naku Gina. Sagot yan sa problema ko. Sige punta tayo doon ng Linggo ng umaga." Sang ayon naman ni Audrey sa kanya.

Nalaman din ni Mae ang mga plano ni Audrey at sinabi din nito sa pamilya niya. Hindi sumang ayon si Michael dito. "Eh bakit kasi hindi na lang dito sa bahay tumira or sa guestroom. Dahil aalis na rin ako ng bahay di ba? Bahala na nga kayo. Si Kuya Noah ang nag de desisyon sana diyan. Alam naman na ng lahat na may gusto ito kay Audrey." Sabi pa ni Michael.

Tumawa si Mae. "Si Kuya may gusto kay Audrey? Masasaktan lang ang kaibigan ko sa kanya. Pero bagay sana sila ni Audrey. Kaso lang si Kuya di pa naka move on kay Ate Margie. Pero dinig ko na gusto na namang bumalik nito kay Kuya. Kuya huwag kang magpaloko ulit kay Margie. Modus daw yan ng pamilya nila. Manloko ng mayayamang lalaki, pagpeperahan at sa huli ay iiwanan lang ito." Sabi naman ni Mae.

Nagulat si Mrs. Tansinco sa naging rebelasyon ni Mae. "Mae saan mo naman nakuha ang mga impormasyon na yan? Totoo ba yan?" Sunod sunod na tanong ni Mrs. Tansinco.

"Bakit naman po mag sisinungaling si Conrad? Yung kapatid niyang panganay ay naging biktima ni Mae at ng magulang nito. Kaya nga ng makilala ng pamilya ni Conrad si Audrey sinasabi nila na pang wife material daw ito kay Conrad. Sila na mismo ang gumagawa ng paraan para huwag na itong pakawalan pa ni Conrad. Kaso lang parang wala pang ganang mag seryoso sa relasyon si Audrey. At ito naman kasing isang kabarkada namin na si Blake nanliligaw din sa kanya. Kaya ayaw din niyang may isa na masaktan sa kanila. Naku parang hindi naman yan nawawalan ng admirer!" Sabi pa ni Mae.

Tumikhim si Mrs. Tansinco. "I think Noah. Nagkamali ako this time. Layuan mo na si Margie at ayaw ko ng maulit pa ang sakit na binigay nito sayo. Why not pursue Audrey? Mabuti ng kilala mo ang babae at ng pamilya mo. Kay sa kung sino sino na naman diyan. Baka another Margie na naman ang makuha mo." Paalala pa ni Mrs. Tansinco.

Nagsalita si Noah. "Di po ba sinabi ko na sa inyo ni Dad na wala na akong pakialam kay Audrey? Malaki na siya kaya pabayaan niyo na siya."

"Well son, sa huli naman palagi ang pagsisisi. Hope hindi mangyari sayo na magsisi ka dahil hindi mo binigyan ng effort ang babaeng gusto mo. You are in that age na naghahanap ng matinong babae para mapangasawa. Nasa sayo ang desisyon." Paalala ni Mr. Tansinco kay Noah.

Langit Ka Sa Akin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon