Audrey's POV
May tumatawag sa cellphone ko. Hindi ko namalayan na mag 11:00 am na pala. Si Mae pala tumatawag. "Audrey mabuti at sinagot mo ang tawag ko. Pupunta ako diyan in 30 minutes may dala akong pagkain." Sabi nitong masigla ang boses. Tsaka nagpaalam na rin kaagad ito.
Dali dali naman akong naligo. Lahat na ng gamit ko sa apartment ay nailigpit ko na. Ready na akong umalis dito bukas. Ang bilis dumating ni Mae kasama ang driver nilang si Mang Rene. Marami itong dalang pagkain at magkasama din naming nilantakan ito. Nagyaya ito na manood kami ng sine at ililibre daw niya ako. Sabagay wala din akong may gagawin buong maghapon kaya sumama ako sa kanya. Medyo maliwanag pa ng lumabas kami ng sinehan. Nagsalita si Mae. "Alam mo Audrey ang aga pa. May naiwan kasi akong libro doon sa condo ni Kuya Noah. Malapit lang dito ang condo niya. Samahan mo naman akong pumunta doon." Sabi pa nito sa akin.
Alanganin akong omoo kaagad. "Alam mong hindi ako gusto noon. Baka nandoon siya." Nag aalala kung sabi sa kanya.
"Huwag kang nag alala bestfriend. Wala siya doon ngayon. Sigurado nag hang out yun sa bar pag Sabado." Pag reassure ni Mae sa akin.
Malapit lang ang condo sa mall. Maganda ang condo at nasa pinakamataas na floor ang location ng unit. Magara ang mga gamit sa loob at panlalaki ang mga dekorasyon. Ang ganda ng glass ceiling wall nito sa living room at makikita mo ang buong city.
"Audrey, bigla akong nagutom. Dito na kaya tayo mag dinner. Tingnan ko kung ano ang pwedeng lutuin." Sabi ni Mae na sabay bukas ng ref. "Ay tamang tama may beef. Pero ano bang klaseng luto ang pwede dito?" Tanong nito sa akin.
"Ako ng bahala diyan. Umupo ka na lang at magpahinga." Sabi ko pa kay Mae. Mayroong ingredients sa pantry na pwede kong gawing beef steak. May bigas din akong nakita at rice cooker.
Nagpaalam si Mae sa akin at may bibilhin lang daw siya na dessert at drinks. Ang bilis ko lang din napalambutan ang steak, siguro batang bata ang karne at luto na rin ang rice. Maghugas na lang ako ng ginamit ko sa pagluluto para pagdating ni Mae, wala ng gaanong gagawin. Tsaka naman narinig kong tumunog ang pintuan ng condo at may pumasok na alam kong si Mae yun. Hindi na ako lumingon at busy ako sa paghuhugas. "Mae, ready na ang pagkain!" Masigla kung sabi.
Ngunit hindi boses babae ang sumagot. "Sino ang nagsabi sayong pumunta ka dito?" Ng lingunin ko si Noah pala. Sabay lakad papunta sa kinaroroonan ko at bigla na lang hinila ang aking kamay. He shook me dahil parang na shock ako sa presensiya nito. "Sumagot ka!" Ma awtoridad nitong tanong sa akin.
I was shaking kasi dinig ko sa boses nito ang galit. "Noah, huwag ka ng magalit. Dinala ako dito ni Mae. Umalis lang siya saglit at may binili. Huwag kang mag alala. Aalis ako ngayon na." Napakalapit nito sa akin. Amoy ko ang mamahalin nitong perfume. Nasobrahan akong na excite sa presence nito at hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sa lapit nito. "Pakisabi kay Mae na luto na ang beef steak at nakasaing na rin ako." Sabay iwas ko sa kanya papunta sa pintuan.
"At saan ka pupunta? Sinabi ko bang umalis ka?" Paghaharang pa nito sa akin at nabunggo ko ang malapad nitong dibdib. Feeling ko parang lulukso ang puso ko sa kaba. This man is intimidating me and giving me excitement.
Nagtama saglit ang aming mga mata. Hindi ko kayang makipag titigan sa kanya. Ako na ang umiwas ng tingin. Para na akong kandila ngayon na matutunaw. "Alam kong hindi mo sinabing umalis ako. Pero alam ko rin na ayaw mo akong makita. Pwede ba paraanin mo na ako." Sabi ko while pushing him away.
Ang kisig nito at hindi ko man lang nai push ito kahit konti. Wala na akong nagawa so I lean my back on the wall at pumikit ako. Gusto kong pumikit at makalimutan ko ang galit ni Noah sa akin. Ayaw ko siyang makita at parang matutunaw at nanghihina ako. I did that for how many seconds. I thought umalis na ito. Nang dumilat ako nandiyan pa rin pala ito sa tabi ko. Nakatingin ito sa mukha ko. "Galit ka na nandito ako. Ayaw mo rin akong paalisin dito sa condo mo. Ano ba ang plano mo ipapupulis mo ako? Wala kasi akong load. Pero tawagan mo si Mae at tanungin mo." Pakiusap ko pa dito.
Tumikhim ito. "Sa susunod ayaw na kitang makita dito sa condo ko! Now, continue what you're doing and wait for my sister here." Dinismiss ako nito na parang alipin at may malaking kasalanan.
Dali dali akong tumalikod sa kanya at nagpatuloy sa paghuhugas ng kubyertos sa kitchen. Narinig ko ang mga yabag nito papunta sa living room at pasalampak nitong pag upo sa sofa. Gusto ng tumulo ng luha ko na pilit ko namang pinipigilan. Pero katulad ng gripong kaharap ko, parang ganon din ang mga mata ko. The nerve of the man in making me cry! Ang sama ng ugali. Natapos na akong maghugas at wala pa rin si Mae. I can't stand to see Noah after he hurt me. Nandito na ako ngayon sa pintuan ng condo niya. Ayaw ko namang umalis na hindi nagpapaalam. "Sa lobby ko na lang hintayin si Mae." Sabay bukas ng pinto at labas sa condo nito. Hindi ko alam na sinundan pala ako nito. Sabay hablot sa mga kamay ko sa hallway ng condo. "Hindi ko sinabi sayong umalis ka!" Napasubsob naman ako sa dibdib nito.
I can't control my emotion. I can't control my tears. Naitakip ko ang mga palad ko sa mukha ko at nagsimula na lang akong umiyak. "Shhh, Audrey. Tahan na akala nila kung anong ginawa ko sayo. Halika na nga sa loob." Sabi nito sa akin. May mga teen ager pala sa hallway ngumingiti sila. "Yakapin mo na kasi ang girlfriend mo Kuya. Huwag mong paiyakin yan. Sobrang ganda pa naman niyan. Baka iwanan ka niyan Kuya." Sabi ng mga binatang teen ager. Iginiya ako nito pabalik ng condo unit niya.
Pinaupo ako ni Noah sa couch. "Ayusin mo ang sarili mo Audrey. Pag nadatnan ka ni Mae na ganyan baka isipin kung ano ang ginawa ko sayo." Sabi pa nito sa akin. Sabay alis papuntang kitchen.
BINABASA MO ANG
Langit Ka Sa Akin (Completed)
RandomTinulungan si Audrey Fernando ng kaibigan niyang mayaman na si Mae Tansinco para makapasok ng trabaho sa bahay nila bilang katulong. Dahil biglang namatay ang kaisa isang Tita ni Audrey sa America na sumusuporta sa kanya. Tadhana ang nagdala upang m...