Chapter 6 Awkward Situation

18.6K 489 5
                                    

Noah's POV

Ewan ko ba kung bakit na pinag iinitan ko si Audrey. Hindi naman ito ang may kasalanan sa akin. Nagagalit ako kung bakit na nandito siya sa condo ko. Pero ayaw ko naman itong paalisin. Napagkamalan pa tuloy kaming magkasintahan at hila hila ko pa ito habang umiiyak. Para lang kaming may lover's quarrel. Tahimik lang itong nakaupo sa living room ng condo. Samantalang ako naman ay nakatalikod sa kanya facing the glass wall of my condo. Bihira lang akong pumunta dito pag Sabado. Pag Sabado para sa akin ay partying or di kaya ay bar time. Ngayon pa ako pumunta at ngayon pa nandito si Audrey. We are both together here in my condo in an awkward situation.

Sa ganon akong pag iisip ng tumunog ang cell phone ko. Si Mae tumatawag. "Kuya, magpapaalam sana ako sayo. Yung kaklase naming lalaki na si Conrad. Nagpupumilit na makita si Audrey. Dadalhin ko lang sana siya sa condo mo." Pakiusap ni Mae sa kabilang linya.

"Nandito ako ngayon sa condo." Maikli kong sagot.

"Eh di mainam Kuya. Ang kukulit kasi nitong mga admirer ni Audrey. Ako ang kinukulit at hinahanap siya. Kahit anong iwas niya sa mga ito eh parang mga baliw na ayaw magsitigil. Pauwi na ako Kuya." Sabi pa nito. "Kuya baka magalit ka na nandiyan si Audrey. Ako ang nagdala sa kanya diyan Kuya. Kakain lang kami diyan at uuwi na. I'm sure magtatampo sa akin yan at dinala ko pa si Conrad. Nagpupumilit eh." Dagdag pa nito sa kabilang linya sabay paalam.

Napasulyap ako sa tahimik na nakaupong si Audrey. She stands out with her beauty kaya siguro maraming naloloko sa kanya. Pero wala din itong pinagkaiba kay Margie I'm sure. Kaya hindi ako papaloko sa mga babae. Mainam ng ako ang nagko kontrol sa laro. It's just a game for me when it comes to women and nothing makes me serious about them.

Narinig ko na lang na nagsalita si Audrey. "Noah, si Mae ba ang kausap mo? Saan na ba siya?" Tanong nitong parang hindi mapakali sa kinauupuan niya.

Tumikhim ako tsaka tumingin sa kanya. "Papunta na si Mae dito at kasama daw niya ang kaklase niyong si Conrad." Sabi ko pa sa kanya habang nakapako ang tingin sa mukha nito.

Nakikita ko ang pagtatampo sa kanyang mga mata. "Ayaw kong makita si Conrad. Aalis na ako at sabihin mo na lang sa kaibigan ko na umalis na ako." Pagpapaalam pa niya.

"You stay still! Akong bahala sayo. Conrad will not bother you. Bakit pangit ba at iniiwasan mo." Sabi ko sa kanyang pa sarkastiko.

"I don't want to see any of my classmates. Hindi naman ako normal na teen ager na katulad nila. Only Mae is my friend na nakakaintindi sa sitwasyon ko. Aalis na ako at gagabihin pa ako sa daan." Paalam nito sa akin.

"I don't want you to go. Sinabi ko na kay Mae na hihintayin mo siya dito. Please..." Ewan ko kung anong nangyari sa akin but I could hear myself begging. Hindi ako ito. For pete's sake ngayon lang ulit ako nag beg sa babae. If it was another woman. Kanina ko pa ito hinayaang umalis. She stayed still when I say those magic words. Napatingin ito sa akin habang ako naman ay tumingin sa mga mata nito. Our eyes locked together. I have never looked at any women's eyes that long after Margie. I know we were in an awkward situation right now. She turned her gaze away from me. Instead she looked at the glass wall outside. Closed her eyes again. Mahilig talaga itong babae na to in closing her eyes. My gazed is still hooked into her ng maramdaman kong may bumubukas ng pintuan.

Unang pumasok si Mae at may sumusunod dito na lalaki, may itsura at may dala dalang isang dosenang red american roses. "Kuya si Conrad. Conrad ang Kuya ko." Nakipagkamay muna ito sa akin. Nakita kong tumayo si Audrey at dumiretso sa kusina. Siguro iniinit ang niluluto nito. Nakita kong sinundan ito ni Conrad sabay bigay ng bulaklak.

"Alam kong ayaw mong nililigawan ka but you are worth to be pursued. Flowers for you. Please take this. I'm just so happy to see you again. Please..." Sabi nito while pleading. Wow dalawang lalaki na today pleaded with her and I'm one of those. Tinanggap niya ang bulaklak at tahimik lang na inaasikaso ang kusina. "This is what everybody else is missing about  Audrey. Yung pagiging maalaga mo."compliment pa nito kay Audrey.

Napalingon ito kay Conrad tsaka ngumiti. "Ganon ba? Na miss niyo lang ang katulong niyo." Sagot naman nitong in a lighter mood.

Narinig kong nagsalita si Mae. "Kung alam mo lang Audrey. Maraming nagkakandarapa diyan para mahanap ang beauty mo. Aba! Bihira na sa babae ngayon ang matino. Eh nasa sayo na yata lahat. Maganda, matalino, maalaga, masipag, homebody! Kaya itong Conrad nato o, ayaw paawat na makita ka." Bungisngis ng kapatid kong si Mae.

Nahihiya namang kumakamot kamot si Conrad ng ulo niya. "Ikaw talaga Mae kung mambuko..." At sinulyapan nito ng tingin si Audrey. Umiwas ng tingin si Audrey sa kanya. Busy itong naghahanda ng mesa. Nandito lang ako sa living room nakatingin at nakikinig sa kanila.

"Dinner is ready." Yaya nito sa dalawa.

Lumakad ito papunta sa direksiyon ko. Nakatingin lang din ako sa kanya. Tiningnan din niya ako and our eyes locked again. "Halika na. Kumain na tayo." Sabi nito sa akin at biglang tumalikod. Sinusundan ko na lang ito.

Magkatabing nakaupo sina Audrey at Conrad at katabi ko naman si Mae. Nagsimula kaming kumain at ang sarap ng niluto nitong beef steak. "Ang sarap mo talagang magluto Audrey." Sabi ni Conrad na lumingon sa gawi ni Audrey.

"Salamat." Maikli lang nitong sagot.

"Oo nga. Di ba Kuya Noah masarap?" Tanong naman sa akin ni Mae.

"Masarap ngang magluto si Audrey." Agree ko naman sa kanila. Nakita kong ngumiti lang ito at patuloy sa pagkain.

"Mae, naalala mo ng mag beach outing tayo. Nilantakan ng lahat ang niluto na adobong manok ni Audrey?" Tanong ni Conrad.

"Ay Oo. Di ba marami kayong nag aadmire sa kanya. Eh ng malaman niyong maganda na at marunong pang magluto mas lalo kayong nabaliw sa kanya." Bungisngis naman ni Mae.

Nagsalita naman si Audrey. "Eto talagang kaibigan ko na to. Kung ano ano ang sinasabi." Sabi ni Audrey kay Mae.

Tumikhim si Conrad. "Totoo naman ang sinasabi ni Mae at isa na ako doon sa mga nababaliw." Dagdag pa ni Conrad na ngayon ay seryoso na.

Langit Ka Sa Akin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon