Chapter 22 Alone with Noah

15.9K 441 4
                                    

Audrey's POV

Nandito kami ngayon nila Aling Ana at Ate Gina sa kitchen. "Audrey, tama silang lahat na huwag ka ng umalis dito at safe ka pa. Baka kung ano pa ang mangyari sayo." Paghikayat pa ni Aling Ana sa akin.

Masarap pakinggan na maraming concern sa akin. "Oo nga Audrey. Mababait naman ang mga Tansinco. Kaya dito ka na lang muna." Dagdag pa ni Ate Gina.

Natapos na naming linisin ang buong bahay ng mga Tansinco. Except sa bedroom ni Noah na si Aling Ana ang naka toka dito. Katatapos ko lang maligo at nandito ako ngayon sa kitchen. Nag ask ng favor si Aling Ana sa akin na ako muna ang maglinis ng kwarto ni Noah. Medyo masama ang pakiramdam niya ng umagang iyon at namalengke na si Ate Gina. Kaya walang choice kundi ako ang maglinis ng bedroom nito. Alam kong wala na si Noah doon at nasa opisina na ito. Pero kumatok pa rin ako at laking gulat ko na kakaibang Noah ang nakita ko. Naka boxer shorts lang ito and topless. Ang ganda ng katawan at abs ni Noah. Oh my God! Bakit ba ganito ang iniisip ko. "Sorry, nandiyan ka pala. Masama kasi ang pakiramdam ni Aling Ana. Kaya tutulungan ko lang siyang maglinis. Babalik na lang ako pag nakaalis ka na." Sabi ko pa dito na nanginginig na ang boses. Ang gwapo gwapo ni Noah. Parang napaka perfect ng gwapo nitong mukha at katawan. Feeling ko na may mga paro paro sa loob ng tiyan ko.

Namumungay ang mga mata nitong tumingin sa akin. "Ok lang na pumasok ka. Nagpapahinga lang ako." Sabi nito habang nakatagilid ang ulo na tumitingin sa akin. "You can open the lights if you want to." Sabi pa nito sa akin ng pumasok ako ng bedroom niya.

Nahihiya akong tumingin sa gwapong mukha niya. Madilim ang bedroom ni Noah ng pumasok ako. Tanging lamp shade lang ang nakailaw dito. Malaki ito at napaka cozy ng bedroom niya. Nanonood din ito ng movies. "Noah, baka naka istorbo na ako. Babalik na lang ako mamaya." Sabi kong sabay talikod at punta na ng pintuan. Pero hinawakan ako nito sa balikat. I felt a tingling sensation when he did that. It feels so good to be this intimate with him but at the same time I'm scared.

Noah turned me over to face him. "I don't want you to go. Just stay here please." Noah pleaded while looking deeply into my eyes. "It makes a lot of difference when you entered my bedroom. You brought colors to my boring life." Dagdag pa nito. I could see sadness in his deep brown eyes.

"Noah, hindi mo lang alam how scared I am to be with you. Scared that when I fall, nobody's there to catch me. Dahil wala akong karapatan. Kaya gusto ko ng umalis dito." I need to air my insecurities. Sobra sobra ang takot ko sa nararamdaman ko para kay Noah. I looked deeply into his eyes, into his soul. I saw anger right now.

Nagsalita ito. "I want to shake you off of your crazy idea of leaving this house. Kung aalis ka sa bahay na ito, isa lang ang pupuntahan mo. Ang condo ko or soon na ipapagawa kong bahay. Doon ang bagsak mo. Naiintindihan mo ba?" Sabi nitong mataas na ang boses.

Wala akong may magawa kundi patahimikin ito. "Shh Noah! Ang lakas ng boses mo. Magsalita ka nga ng mahinahon. Mamaya marinig tayo dito." Sabi ko pang bumubulong sa kanya. "Magbihis ka nga. Nakaganyan ka lang. Naiilang ako at hindi ako sanay." Sabi ko pang hindi makatingin kay Noah. I turned away from him.

Napahalakhak ito. "Sanayin mo na ang sarili mo. Soon hindi ka na makakaiwas  at ito lang ang makikita mo araw araw. Para sayo lang to Audrey." Habang ang isang kamay ay ginamit para iangat ang mukha kong tumingin sa kanya.

Hindi ako komportable na kaming dalawa lang ni Noah sa loob ng bedroom nito. Parang ma suffocate ako na hindi ko maintindihan. "Noah, kailangan ko ng mag umpisang maglinis at hahanapin na nila ako doon mamaya sa kusina." Paalam ko pa dito na hindi na naman tumitingin sa kanya.

Napatawa na naman ito. "Bakit ka nanginginig. I won't do anything to you. Kung mayroon man siguradong magugustuhan mo ito." Sabi nitong biglang naging seryoso ang mukha.

Nagpupumiglas ako dahil hawak hawak pa rin ako ni Noah sa mga balikat ko. "Noah, ano ba? I need to go. Maglilinis pa ako. Mag behave ka nga. Hindi na ako pupunta dito sa room mo pag ganyan ka!" Sabi ko pa. Pero parang binging Noah ang nakita ko. Mas lalo ako nitong inilapit sa kanya at naramdaman ko na lang ang matigas na bagay sa tiyan ko. Napadikit din ang hubad nitong dibdib sa dibdib ko.

"Hindi mo kailangang maglinis at malinis na ang kwarto ko. Ako mamaya ang magliligpit ng bedroom ko. Don't worry ok? I just want to hold you. You scared me today dahil diyan sa balak mong umalis sa bahay. Hindi ka pwedeng umalis dito." Dagdag pa nitong yakap yakap ako. Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko.

"Noah, ano ba? I don't feel comfortable. Alam mo namang hindi tayo bagay. Tama si Mommy mo at bigyan mo ng pagkakataon si Margie." Sabi ko pang seryoso ng nakatingin sa kanya. I felt an ambivalence of dying right now. Dying while saying these things to Noah kahit na God knows ayaw ko itong ipamigay sa iba. Dying because I can't help these feelings dahil isa lang ang gusto ng utak ko. Si Noah lang.

"So ipinamimigay mo na ako ngayon. Doon pa sa babaeng you know I can't love back. If that's what you want..." Sabi pa nito sa akin na nagpa panic sa sistema ko.

Bigla ko itong niyakap ng napaka higpit. Ayaw ko itong mapunta sa iba. Ayaw ko itong ipamigay. "Noah! I did not mean that. Takot lang akong mawala ka. I am so sorry." Sabi ko pa ditong nakayakap at nakasubsob na ang mukha at Noah's bare chest. Gosh! He smelled like heaven. An expensive male scent. Inaalo ako nito while moving his hands up and down my back.

"Just don't leave me okay?" Tanong nito sa akin with mesmerizing eyes. Tumango lang ako and he started to give my forehead, soft tiny kisses. He traced my lips with his fingers as he looked at me deeply into my eyes. "Those lips I can't resist." Sabi nitong hinalikan ako sa labi.

Langit Ka Sa Akin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon