Audrey's POV
May sinasabi si Ernesto kanina na may sinuntok daw itong intsik sa palengke dahil palagi akong sinusundan nito. Ang weird nga ng lalaking yun. Mukhang mayaman naman ang itsura. Sinabi ko sa kanya na sana pabayaan na lang niya.
Hindi ko na nakita si Noah that morning. Ayoko na rin itong makita dahil nga sa nangyari sa amin kagabi. My first kiss! Argh! Hindi ito mawala wala sa isipan ko. Grabe ang epekto ni Noah sa sistema ko. I have never been crazy with any man in my life. Pero 8 years older ito sa akin. Seseryosohin kaya ako nito? Asa ka pa! Sabi ko sa sarili ko. Syempre hindi! Mas marami pang babaeng mas sophisticated at mas maganda kaysa sa akin. Syempre ang mga mayayaman ay bagay lang sa kapwa nila mayaman.
Tinuon ko na lang ang pansin ko sa tinatapos kong labahan ng dumating si Aling Ana. "Audrey halika nga. Alam mo ba kung bakit magpapadala mamayang hapon ng isa pang kasambahay? Sabi ni Sir Noah tanungin ko daw si Ernesto kung bakit at busy yata si Sir sa trabaho ng tinanong ko, pero wala si Ernesto dito ngayon." Tanong nito sa akin.
"Po, wala po akong alam. Bakit po?" Taka ko pang tanong kay Aling Ana.
"Eh mula noon dalawa lang talaga ang kasambahay nila. Maliban na lang kung patatalsikin ang isa sa atin. Lalo na ngayon na few months na lang aalis na dito si Sir Michael at magpapakasal na. Kaya hindi ko lubos maisip na maging tatlo tayo." Sabi pa nitong puno ng pagtataka ang boses.
Baka ako ang paalisin niya. Alam ko namang simula't sapul ay ayaw ako noon. Sinabihan ko pa itong bakla. Ayaw nga niya akong magtrabaho dito di ba? Saan kaya ako pupulutin nito? Saan ako titira? Bahala na.
Nagulat ako ng pinapatawag ako ni Mrs. Tansinco. Patay, ito na yun siguro paaalisin na ako. Bulong ko pa sa sarili ko.
Kinakabahan na ako ng kumatok ako sa loob ng bedroom ni Mrs. Tansinco. "Audrey, may ipapadala sana akong dokumento sa opisina ni Noah. Kung pwede sanang pakidala ito doon. Umalis ngayon si Mang Rene at si Mr. Tansinco. Wala din dito si Mang Ernesto. Mag taxi ka na lang at bigyan kita ng address." Pakiusap pa ni Mrs. Tansinco. Kinuha ko naman ito at naligo lang ako sandali.
Tamang tama lang din. Kailangan kong makausap si Noah at sana bigyan ako ng panahon para makahanap ng trabaho bago paalisin sa bahay nila. Bahala na. May solusyon naman sa lahat ng problema. Kung ano ang magiging desisyon ni Noah ay tatanggapin ko.
Meron pa naman akong damit na floral peach na pasalubong ni Tita galing ng States. Pwede na yun pang casual at mag flat shoes na din ako. Mabait naman ang lalaking taxi driver na naghatid sa akin sa building. Tinanong nito ang pangalan ko pero hindi na ako sumagot at binayaran ko na lang ito.
Agad naman akong pinapasok ng security guard at tumitingin ito sa akin. Nasa 20th floor ang opisina ni Noah kaya bago ako nakarating doon, may mga reception area akong nadadaanan. Halos lahat ng tao napapako ang tingin sa akin pati na kababaihan sa opisina niya. I wonder why?
Pinapasok ako ng secretary ni Noah. Nagkatinginan kami saglit ni Noah at wala ni isa mang unang nagsalita. Naputol ito ng nag offer si Noah ng upuan sa akin. Narinig ko itong nagsalita sa baritonong boses. "Thank you for bringing these documents to my office." Pasalamat nito at busy na binuksan ang dokumento. Habang ako naman ay manghang mangha sa ganda ng tanawin outside of the building. Kitang kita ang view ng buong siudad dito sa opisina ni Noah. Buhay mayaman nga naman lahat ng magaganda at luho sa buhay nasa sa kanila na.
Naiilang pa rin ako tungkol doon sa insidente noong nakaraang gabi. Pero kailangan kong makausap si Noah. I need to to talked to Noah tungkol doon sa bagong katulong. "Noah, alam kong may bago kang katulong na ipapadala mamayang hapon. Sana bigyan mo ako ng kung ilang araw bago paalisin at maghahanap pa ako ng matitirhan." Pakiusap ko pa dito.
Tumingin lang muna ito sa aking mga mata at tumawa na. "You are impossible! Kaya ko nga kinuha ang bagong katulong dahil sayo. Dahil para may katulong kayo ni Aling Ana. At ayaw na rin kitang namamalengke. Alam mong napaaway si Ernesto kaninang umaga dahil sayo. I don't want my employees to get into trouble dahil sa babae." Sabi pa nito sa akin.
Nag ring ang intercom ni Noah habang nag uusap kami. Ang security ng building pala ang tumatawag. Naririnig ko ang usapan nila ni Noah.
Security: Sir sinita ko ang taxi driver dahil kanina pa ito naghihintay dito. Hinihintay daw niya ang maganda niyong bisita.
Tinanong ako ni Noah kung may usapan ba kami ng taxi driver. "Wala kaming usapan na hintayin niya ako. Nabayaran ko na siya. Bakit siya naghihintay? Pakisabing pwede na siyang umalis." Sagot ko pa kay Noah. Na naririnig naman ng security.
Security: Wala nga daw silang usapan pero gusto daw niya ang bisita niyo Sir. Hinihingi ang pangalan at telephone number.
Noah: Sabihin mo tatawag ako ng pulis kung hindi ito aalis ng building.
Security: Sinabi ko na Sir. Ako na ang bahala dito.
Narinig kong tumikhim si Noah. "Sa susunod kung mag isa ka lang din na pupunta dito, huwag ka nang pumunta at baka kung ano pang mangyari sayo. Responsibilidad ka pa naman namin." Sabi pa nito sa iritableng boses.
Galit na naman akong tinitingnan ni Noah. "Sorry at sinunod ko lang ang utos ni Mrs. Tansinco. Alam kong ayaw mo akong makita. Sige mauna na ako." Sagot ko pa dito. Hindi ko din minsan naiintindihan si Noah. Katulad ngayon ang masaya niyang mukha kanina ay napalitan na naman ng galit. Parang hindi ako nito narinig. "Aalis na ako. Marami pa kasi akong gagawin sa bahay." Paalam ko pa sa kanya.
He gave me that angry look. "You are too naive! Do you think papayagan pa kaya kitang umalis mag isa? Tingnan mo nga ang taxi driver na yun kung paanong nagtiyagang mahintay ka!Galit niyang sabi sa akin. Dito ka lang at almost 5:00 pm na rin. Sabay na rin tayong umuwi at wala si Ernesto. May pinahatid akong dokumento sa office sa Tagaytay. Mga 6:00 pm na yun makakauwi." Sabi nitong medyo may galit pa rin ang boses.
Napatingin naman ako sa kanya. "It's okay Noah. Ikaw ang masusunod." Sagot kong mahinahon sa kanya. Kailan kaya kami magkakasundo nito? Naku kung hindi ko lang ito amo. Kailangan kong pagtiyagaan ito.
BINABASA MO ANG
Langit Ka Sa Akin (Completed)
AcakTinulungan si Audrey Fernando ng kaibigan niyang mayaman na si Mae Tansinco para makapasok ng trabaho sa bahay nila bilang katulong. Dahil biglang namatay ang kaisa isang Tita ni Audrey sa America na sumusuporta sa kanya. Tadhana ang nagdala upang m...