Chapter 36 Pain of being hurt

17.2K 449 11
                                    

Audrey's POV

Masyado na akong nasasaktan sa mga pinapakita ni Noah. Lalo na ng malaman kong pinupuntahan pa rin ito ni Margie. Naikasal nga ako sa kanya pero si Margie pa rin ang nagwagi sa puso nito. Nag apologized si Mae sa mga pangyayari at naawa ako sa kanya. Sarili niya ang sinisisi sa nangyaring kasal sa amin ni Noah. Kaya itinatago ko ang totoong problema sa aming dalawa ng kuya niya. Sinasabi ko sa kanya na masaya ako sa piling nito.

Hindi pa rin nagbabago si Dianne sa pakikitungo nito sa akin. I was in the hallway ng building ng magwala ito. "Hindi ka pwedeng umuwi hanggat di mo tinatapos ang pinapagawa ko sayo!" Sigaw pa niya sa akin na parang alipin.

"Hayaan mo tatapusin ko yan at hindi ako aalis hanggat di ko natatapos." Sabi kong sabay takbo sa hagdan ng building. Doon ko na ibinuhos lahat ng luha ko. Lahat ng sama ng loob ko sa mundong ito. Mainam na dito, tahimik at wala na ring gaanong empleyado at nagsimula ng magsiuwian ang mga ito.

Nagulat ako sa baritonong boses ni Noah. "Tumayo ka na diyan at kinausap ko na si Dianne. Nakikita ko lahat ng mga pangyayari sa CCTV monitor. I told her that I'm gonna fire her if she did that to you again." I don't want to see Noah right now. Isa din siya sa mga taong masama ang loob ko. "Let's go home." Sabi pa nito sa akin. Pero hindi ko ito pinansin. Tumayo akong bigla at nilagpasan ko ito. I need to be alone right now. Nandito pa si Dianne sa loob ng opisina ng sinusundan ako ni Noah. "I am taking you home with me wife." Madiin nitong sabi para mas lalong marinig ni Dianne. Sumunod na lang ako kay Noah at kahit papano siya ang CEO ng kumpanyang ito. Ayokong magsalita ng kung ano man sa kanya ngayon habang may mga empleyado pa siya dito.

Alam kong wala ng tao sa paligid at kaming dalawa lang ni Noah dito sa parking lot. Andami ko ng hinanakit sa kanya and I think I reached to a point na parang mag give up na ako dito. "Hindi ako sasama sayo. Gusto kong mapag isa." Sabay talikod na sa kanya. Lumakad lang ako palayo na parang wala sa sarili. Napapaisip ako sa inasal nito kay Dianne. Bakit kailangan niyang ipangalandakan that we're married. Di ba na hihiwalayan din niya ako?

Narinig ko na lang ang baritonong boses nito. "And where do you think you're going?" Sabi ni Noah na hindi ko nililingon ito.

I turned around and face him. "Pwede ba. Wala kang pakialam kung saan ako pumunta. Gusto mo na nga akong mawala sa paningin mo di ba?" I angrily told him. Hindi ko na hinintay pa itong sumagot at pumasok na ako ng icecream shop. Buti pa itong ice cream kahit sandali napapasaya ako.

Nang magbayad ako ng order. Narinig ko na lang na nagsalita si Noah. "I'll pay for her order Miss." I thought umalis na ito. Nandiyan lang pala ito nakabuntot sa likod ko. Binigyan pa siya nito ng babaeng cashier ng pinaka sweet na ngiti. Hindi ko naman masisisi ang mga babae at talagang napakagwapo ni Noah.

Malayo ang iniisip ko ng umupo si Noah sa tabi ko. "I know you're upset today. Kung pinoproblema mo ang trabaho mo. Pwede ka namang mag resign." Sabi pa nitong nakatingin sa mga mata ko.

Tumikhim ako. "Sana ganon lang kadali. Hayaan mo pag may mahanap akong matitirhan at ibang trabaho. Pag nakaipon na ako gusto ko ng magpaka layo layo at ng matahimik na rin ang buhay ko." Sabi ko pa ditong may namumuo na namang luha sa aking mga mata.

Nakita ko na naman ang galit na Noah. "Walang may nagpapaalis sayo sa trabaho o sa condo. Ang gusto ko lang ay hindi ka ma stress sa kompanya. Sa bahay ka na lang. Hindi ka pwedeng umalis sa akin hanggat hindi ko sinasabi. Naiintindihan mo ba ako?" Asik pa nito sa akin. Alam kong galit na ito. Hinila na ang mga kamay ko upang tumayo na doon sa icecream shop.

"Noah, ano ba? Nasasaktan ako." Daing ko pa dito. Habang pabalibag na binuksan ang kotse at pinasalampak akong pinaupo doon.

"Wala kang ipinagkaiba sa ibang mga babae or mas worst ka pa! Bakit naghahanap ka lang ng tamang pagkakataon at pag may makita ka ng iba ay iiwanan mo na ako?!" Sabi nitong galit na galit na.

"Hindi sa ganon Noah. Masyado na akong nasasaktan sa mga pangyayari." Sagot ko habang hinahatak ang kamay kong pilit na tinatanggal sa madiin nitong paghila. Nang dumating kami ng condo, nandoon na ang mga kaibigan nito at si Clarence na naghihintay. "Mga pare mabuti nandito kayo ngayon may kasama akong magpakalasing. Audrey, ipaghanda mo nga kami ng pulutan at ng maiinom." Utos pa nito sa akin na parang alila lang.

"So I heard nag asawa ka na? Sino ba ang pumikot sayo at alam kong mailap ka sa mga babae." Tanong pa ni Clarence. Na nagpatawa sa kanilang lahat.

"Tumpak pare! Pinikot lang ako. Ayan ang asawa ko si Audrey. Di ba ang swerte ko rin may asawa na ako at katulong pa dito sa condo?" Natigilan silang lahat at napatingin sa akin.

"Aba maswerte ka at ganyan kaganda, kabata at masipag ang naging asawa mo. Parang nakakawala ng pagod at masarap kasama sa kama ang ganyan kagandang itsura." Sabi pa ng isa nilang kaibigan.

"Asawa ko lang yan sa papel! Hindi ko pa yan natikman mga siraulo kayo! At wala akong balak." Sagot naman ni Noah na medyo lasing na.

Napatingin si Clarence sa akin. "Bakit Noah ayaw mo ba kay Audrey? Sana ako na lang. Matagal na akong may gusto sa kanya. Naging busy lang ako sa kompanya at hindi ko na naituloy ang plano kong panliligaw." Sabi naman ni Clarence na naging seryoso na ang mukha.

Napahalakhak si Noah kay Clarence. "Bakit gusto mo din bang mapikot niyan? Ikaw kaya ang mapunta sa sitwasyon ko at tingnan natin kung hindi ka masusuklam. Anyways, malapit na rin akong mag file ng annulment. Busy lang ako kaya't hanggang ngayon, hindi ko pa naasikaso." Narinig kong sagot ni Noah.

"Kung busy ka. Gusto mo abogado ko na ang mag file? Papuntahin ko ito bukas sa kompanya niyo. I'm serious Noah. Gusto ko si Audrey noon pa. Ayokong sinasaktan mo siya. Tomorrow, you are more sane. We will talk about it. For now aalis na muna kami at nasasaktan ako sa naging sitwasyon ni Audrey." Dagdag pa ni Clarence.

Pumunta si Clarence sa akin at sinabihan akong. "Gagawa ako ng paraan para mailayo ka kay Noah. I'll call you later tonight." Paalam ni Clarence sa akin. Nang tingnan ko si Noah. Nakatitig itong galit na galit sa gawi namin ni Clarence.

Langit Ka Sa Akin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon